Chapter 2

142 10 0
                                    

AN: Helloo guys, nasa Dreame din ito. Mas updated din at free din naman. Baka gusto niyo lumipat. HAHAHAHHHA. Happy reading!

-------------


Chapter 2

Elie's POV

"Where did you put my old bed sheet?" He asked with his deep voice.

"Nasa washing---"

"What about the papers on my table?" Pinutol niya ako at nagtanong ulit pero mas seryoso ang boses nito kumpara kanina.

"Nilagay ko na sa garbage bag na nasa labas. Nalukot na kasi kaya---"

He massaged his temple and look at Nadine. "What about my towel?" He asked again.

"Pinalitan ko na din kasi madumi na. Marami namang---"

"Why are you so stupid?!" Napatingin agad ako dito pagkatapos kong marinig ang sinabi nito. Kung nakakasunog lang ang titig niya, kanina pa siguro ako natusta.

Napatingin ako sa mga kasama namin pero nakayuko lang ang mga katulong, habang nagmamasid lang si Nadine.

"Hindi ba nasabi sa'yo na huwag na huwag mong gagalawin itong kwarto na ito?" Nakakunot noong tanong niya.

"Apollo, she's just new here. Pagpasensyahan---"

"No!" Bulyaw nito. Napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya. "Palagi kong sinasabi sa inyong lahat na hayaan niyo ako dito. All I'm asking you is to leave this room alone. Sinabi ko na ayoko ng mga katulong Ate pero kayo itong pilit ng pilit na pumunta rito."

Kumunot ang noo kong napatingin sa kanilang dalawa. Ate? So magkapatid pala sila?

"I'm doing all I can to live, alright? Just don't force me to forget because I can not do that! Ingat na ingat ako sa mga gamit dito sa loob pero anong ginawa ng babaeng iyan?" Turo nito sa'akin. His eyes are still blazing.

Kahit gusto kong sumbatan ito at ipaliwanag ang sarili ko, nakuha kong humingi ng tawad pero tumawa lang ito ng mahina.

Kinuha nito ang wallet niya at linbas lahat ng lamang pera. Ibinato niya iyon sa'akin.

"Apollo! What are you doing?!" May narinig akong isa pang boses na pumasok pero sa init ng hangin ngayon dito sa kwarto, hindi ko na rin nakontrol ang sarili ko.

"You're laughing? Do you think this is a joke?" Puno ng kaseryosohan nitong tanong at lumapit sa'akin.

"Iyang babaeng hindi mo malimutan, hindi siya masaya ngayon." Mahina pero may diin kong sabi.

"Hey." Angal ng dalawang babaeng kasama namin dito at hinawakan ako sa braso.

"Who the hell are you?" The great Apollo asked. May nag-iba sa ekspresyon nito pero wala na akong pakialam.

Hindi naman ako katulong dito. They just dragged me here.

"Hindi siya masaya ngayon. Lalo na kapag nakikita ka niyang ganyan ngayon. Do you think she'll be proud seeing you being rude to everyone? Magpasalamat ka---"

"Fucking annoying." Tumawa ito ng mahina saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. May diin itong ginawa kaya alam kong galit na ito.

The girl who just came tried to pull me from him but Apollo didn't let me go.

"You don't know anything." He whispered.

Nagpumiglas ako dahilan para makawala ako rito. "Oo alam ko." I told him. "At wala akong balak alamin lahat ng tungkol sa'yo. Ang sinasabi ko lang, tumingin ka sa paligid mo at sa mga taong sumusuporta sa'yo. Putangina, napakasensitive mo. Bakit, dogyot ba siya para hindi ka na maglinis ng kwarto mo? Masaya ba siya noong buhay pa siya kung ganoon ang kalat ng kwarto mo? At hindi ako stupid. Ikaw itong dada ng dada na akala mo sobrang talino eh. At huli, hindi ako katulong dito. Nagkataon lang na nasa labas ako kanina. At mas annoying ka. Ako itong nagpunta dito para magpahangin eh. Selfish asshole." Sabi ko rito ng dire-diretso saka hinubad ang apron na sinuot ko kanina.

Tumingin ako kay Nadine. "Matanda na iyang kapatid mo. Pabayaan mo iyan kung ayaw tanggapin ang tulong niyo." I told her and I'm about to leave pero nakita ko ang isa pang babae na nakatingin sa'akin.

"I'm sorry." I said and walked away. Nakarinig pa ako ng isang nabasag na bagay pero hindi na ako lumingon at tuloy-tuloy sa pag-alis ng bahay.



"You mean, Sir Apollo?" Cassy asked me as I tell her what happened. She also emphasized the word sir.

"Oo. Gago iyon eh. Kala mo naman hari." Gigil na gigil na sabi ko at umimom ulit ng alak.

"Gaga. Siya ang bunsong anak ng may-ari nitong resort. Bakit ka ba kasi napadpad doon ha. Ilang araw ka pa lang dito Eliana Marie, may gulo ka na namang kinasangkutan. Maganda iyan." Sarkastikong sabi nito pero inirapan ko lang.

"Nagpahinga nga lang ako saglit doon. At ano naman kung anak siya ng may-ari? Suntukin ko pa eh." Maangas kong sabi pero umiling lang ito.

"Pero alam mo, mabait naman iyon dati eh. Kita mo iyong welcome sign doon?" Turo nito sa may pinto. "Siya nagbigay noon. Noong bago pa lang itong restaurant. They always visit every business here. Tapos tinutulungan nila kami kapag may problema." Sabi nito.

"Baka iyong ibang miyembro lang ng pamilya nila..." I concluded.

"Hindi." Pilit nito. "Alam mo kasi, si Sir Apollo...namatayan ng mapapangasawa at anak. One year ago lang. Tapos pagkatapos noon, ganyan na siya. Malamig. Masungit."

Hindi ako nagkomento at uminom lang. Tangina, ayoko na ngang isipin siya. Naiistress lang ako.


APOLLO'S POV

"Babe, that woman is talking non-sense, right? Naiintindihan mo naman ako, hindi ba? Alam mo na hindi ko alam kung saan ako magsisimula kasi wala ka. Nawala ka sa'akin at hindi ko pa tanggap iyon." I stared at Aimee's picture and talked to her.

"Bakit ko naman papalinisan ito eh nandito pa ang amoy ng buhok mo, hindi ba? Dito na nga lang ako nakakahinga ng maluwag, nakakatulog kasi amoy na amoy ko pa ang pabango mo, iyong mga hand written mo. Bakit ko gustong ipalinis ang mga alaala mo? Ayoko nga babe. Naiintindihan mo naman 'dba?" I smiled and closed my eyes.

"Bakit ba lahat, gusto akong tulungan pero hindi naman ako maintindihan? Ikaw ang nawala. Buhay kita. Mahal kita. Mahal na mahal kita." Kumuha ako ng isang bote ng alak sa isang table ko.

"Can you tell to God that I miss you so much? Can you just tell him to cut my time here so I could be with you again? Babe? Please? It's getting harder each day. Can you just tell him I don't see my worth here? Can you? I miss you so much, Aimee." Lumunok ako at ngumiti din sa nakangiti nitong litrato.

"You're beautiful babe, I bet our daughter looks like you. How is she? Is she doing good? Is she sweet? Can you tell her to visit me in my dreams? I want to hear her say Dada. Please?" I swallowed as I try not to cry.

Pero sa mas tumatagal na pagtitig ko kay Aimee, mas lalo akong naiiyak.

"I miss you so much...babe. I miss you big time." Sabi ko rito saka ininom ang mga boteng binitbit ko.

Apollo's DesireWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu