Matagal ka ng famous, self.

Napuno ang kuwarto ng tawanan at ang ingay na nagmula sa mga gamit. Parang nagwawala na naman si Caspian. Tapos pinagtatawanan lang nila? O baka naman ay sinasaktan na niya si Monterozo?

Hindi niya puwedeng saktan ang best friend ko.

Tatalikod na sana ako para makaalis na. Kaya na ni Monterozo ang sarili niya, malaki na 'yon. Ngunit nagulat ako nang hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Bumaba ang tingin ko sa dalawang kamay na mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso ko.

Pinilit ako nitong maglakad papasok sa loob ng silid. Para naman akong aswang na magkamayaw sa pagpigil sa sarili upang hindi makapasok sa silid na puno ng mga panakot.

"No! Let me go!" sinubukan kong tumalikod o humarap man lang ngunit parang may kumokontrol sa bawat galaw ko na agad akong napapaharap sa nakabukas na pinto.

Sino ba 'tong pakialamerong 'to?

Hindi naman nagsalita at gamit ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko ay halos napaangat na ako sa sahig nang pilit kong idinikit ang suot kong sapatos sa sahig.

"Oh, hi!"

"'Di niyo naman sinabing lesbian pala 'tong sinasabi niyong model."

Pambungad sa akin nina Gordon at Monerov. Tinapunan ko ng masamang tingin si Gordon na siyang huling nagsalita. Prenteng nakaupo sa isang upuan at nakalagay pa ang mga kamay sa likod ng ulo niya.

Ang kalat ng buong silid ni Caspian. Nakita ko namang parang naliligo na siya ng pawis at nang nagkasalubong ang mga tingin namin, agad naman akong uniwas.

Hawak ko pa rin ang malapit ng maubos na drumsticks sa magkabilang kamay ko.

Nang binitiwan na ako ng taong sapilitan akong pinapasok dito ay parang nanginginig ang mga braso ko sa takot. Pakiramdam ko ay huminto sa pagdaloy ang dugo ko hanggang sa nagpatuloy ito nang binitiwan na niya ako.

Grabe naman siya nakahawak. Anong akala niya sa braso ko? Metal?

Napayuko ako ng kinuha ng kung sino sa likuran ko ang suot kong black hat. My hair immediately fall behind me.

Mas lalo akong natakot nang sumeryoso ang lahat. Wala ng tawanan, pati na rin si Monterozo na mariing nakatingin sa akin.

"I saw her behind the dining hall's curtain." sumbong ng boses lalaki sa likuran ko.

Agad ko siyang nakilala dahil sa sinabi niya.

Villazardo.

Napatingin sa akin ang apat at bumaba ito sa hawak kong drumsticks. Dahil sa sobrang kabang nararadaman ay napakagat ako nito.

Inilahad ko 'yong isang drumstick sa kanila. "Gusto niyo?" maangmaangan kong tanong na parang hindi naman nahuli.

Nahuli na nga ako, aakto pa akong nahuli talaga?

Hindi dapat gano'n.

Parang problema lang 'yan. Problema na nga, pinoproblema pa.

Lumipat ang tingin ko kay Monerov na pinipigilan ang pagtawa pero agad din naman siyang sumeryoso.

Pinagtatawanan niya ba ako?

Bumaling ako kay Caspian na halos hindi na maipinta ang mukha. Ito 'yong kinakatakutan ko e. Pero hindi ako umaktong natatakot. Imbes na yumuko ay nginitian ko siya.

"Pumunta ka sa banyo," utos nito sa akin at agad ko namang narinig ang OA na pagsinghap nila Gordon at Monerov.

"Agad agad?"

A Hundred Billion Worth Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt