Chapter 12

46 6 1
                                    

Nakaupo sa table niya si Auslyne na nasa labas ng office ni Sled. Tanging telepono lang ang maaari gamitin ni Sled kung may iuutos siya kay Auslyne at bawat oras ay tumutunog ito kaya sirang-sira na ang araw ng dalaga.

Nakakainis. Nakakawalang-gana mabuhay. Bwesit! Pagmamaktol nito sa kanyang isip habang papasok ng opisina ni Sled dahil pinatawag na naman siya nito at for sure ay may iuutos na naman ito sa kanya. Pagpasok niya ay nagsalita ito agad.

"How many times do I need to tell you that learn to knock first." walang emosyong saad ni Sled habang nagbabasa sa mga papeles na nasa harap nito.

Bumuntong hininga ang dalaga at inirapan ang amo at lumabas ito ulit. Kumatok ito ng tatlong beses bago pumasok.

"Happy boss?" bahid ang sarkastikong tono nito.

Napailing na lang si Sled sa inasal ng dalaga at hindi niya lang ito pinatulan dahil baka mapunta sa walang kwentang bagay lang ang pag-aawayan nila.

"Go to the Finance department at kunin mo ang finance audit simula last 2013 up to this year's record dahil kanina ko pa yun nirerequest and until now ay wala akong natatanggap." at patuloy lang ito sa pagbuklat ng mga kung

ano-anong papel sa table nito.

Hindi na sumagot ang dalaga at nilisan nito ang opisina ni Sled at sinunod ang utos nito.

Habang naglalakad siya papunta ng Finance department ay may lalaking nakabusiness coat ang sumabay sa kanya.

Nilingon niya ito at nginitian, tumango lang lalaki sa kanya at ngumiti din. Patuloy lang silang naglalakad ng biglang nagsalita ang lalaki.

"New boss and New Secretary." tumawa ito ng bahagya. "Dylan Zedryk Monteverde nga pala." inilahad nito ang kamay bilang pagpapakilala.

Tinanggap ng dalaga ang kamay nito, "Auslyne. I'm Auslyne Sebastian." at tipid na ngumiti sa kausap.

"Sebastian? Familiar surname. Are you the daughter of David Sebastian of Sebastian Shipping Lines?" tanong nito.

Bahagyang nagulat ang dalaga dahil hindi niya kilala ang lalaki pero kilala nito ang kanyang ama.

"Y-yes... He's my father." maikling sagot niya.

"Oh! How a multi-millionaire businessman let her beautiful daughter work as a secretary here?" at tumawa na naman ito.

"He just want me to learn how business world can be para kung sakali na ipapasa niya na sa akin ang nasimulan niya... Kampante siya na hindi ko yun ibabagsak and by the way how did you know me? I mean... How did you know about us? " tanong ni Auslyne.

"We are one of the stake-holder here at kilala ko ang mga businessmen na may koneksyon dito and your father is one of DGC's company friend but my brother was the only one who work here at bumibisita lang ako. Kakauwi ko lang kasi from London and he don't know I was here already." paliwanag nito.

"Oh I see... Monteverde ka nga pala so for sure kapatid mo si Mr. Justin Monteverde." saad ng dalaga.

"Bingo!" tumawa naman ito kaya napatawa na rin si Auslyne.

Di nagtagal ay nakarating na siya sa Finance Department at si Zed naman ay pumunta na rin sa office ng kapatid niya.

Lumapit siya sa isang babae na nagtatrabaho sa department na yun. Nakaharap ito sa computer ng cubicle nito.

"Excuse me miss... Pinapakuha na po ni Mr. Rodriguez ang nirequest niyang Finance Audit Record kanina."

Tumingala ang babae at tiningnan siya nito na para bang naiirita.

"Can't you see? We're working on it. Wag kang atat Miss." pagtataray ng babae.

"Hindi po ako ang atat dito. Yung boss ko po. Nautusan lang po ako dito na kunin yung mga papeles na kailangan niya." depensa niya rito.

The girl just smirked at tumayo ito at namewang na humarap sa kanya.

"Kebago-bago mo dito at ganyan ka umasta. Miss... Hindi pizza ang ginagawa namin dito na kapag gusto mong umorder eh maibibigay sayo after few minutes."

Hindi nakapagsalita si Auslyne dahil naunahan siya ng isang lalaki na bigla na lang nagsalita papalapit sa kanila.

"You don't have an investment na pinasok sa kompanyang ito to act like that in front of your co-worker. Maybe she's new and has lower position than you because she is just a secretary but I am the Chairman Operating Officer and I am more higher than you and she is my secretary under my responsibility and what you did is unpropriate as an employee. Yes it's true that what I requested is not an easy job but I believe that if you've done this matter from the previous years I think that only this year's finance audit na lang ang gagawin niyo but because you didn't do your job properly kaya kayo nag-cramming ngayon so technically... This not my fault nor my secretary kung bakit nangyayari ito ngayon. Please finish this report this day and leave your resignation letter to my secretary kung ayaw mong ako mismo ang magtatanggal sayo dahil mas lalong mahihirapan kang maghanap ng panibagong trabaho.. Let's go Miss Sebastian." walang sabi-sabing umalis si Sled at naiwan ang lahat na natahimik at gulat.

Nakayukong sumunod naman si Auslyne sa kanyang amo hanggang sa makarating ito sa opisina nito.

Naabutan ni Auslyne si Sled na tahimik na gumagawa ng paper works sa loob ng kanyang opisina. Nakatayo lang ang dalaga sa harap ng table nito.

"Sir... Di niyo naman po kailangang tanggalin yung babae kanina sa Finance Department —-"

"I didn't do that for you. Ginawa ko yun dahil yun ang tama. Kahit na sinong mas may mataas na posisyon kesa sa kanya ang makakasaksi sa ginagawa niya ay pareho din ang gagawin sa ginawa ko. Kung hindi pala kita hinanap dahil sa tagal mong nawala at may iuutos sana ako sayo ay hindi ko pa sana malalaman na ganun na ang nagyayari doon. Next time Miss Sebastian huwag mo ng patulan ang mga ganung tao kung alam mong ikaw ang mas may mataas na pinag-aralan. Like what you said... Have an etiquette. So kung wala ka nang sasabihin then go back to work." putol nito sa sasabihin sana ng dalaga.

Napayuko na lang si Auslyne at naglakad papunta ng pinto. Bago siya lumabas ay may sinabi siya kay Sled. "It's for me or not but still Thank You boss."

Isinara ng dalaga ang pinto at napahinto si Sled sa ginagawa niya. Tiningnan nito ang pinto kung saan lumabas si Auslyne, binalik niya ang sarili sa ginagawa habang nakangiting umiiling. Siguro ay pareho silang mali sa pagkakakilala sa isa't isa.

—————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————-

*Kring Kring*

Dinampot ni Sled ang cellphone niya na nakapatong sa kanyang table at sinagot ang kaibigan.

"Hello?"

"Hello dude? Lumabas siya ngayon kasama ang secretary niya kaya for sure walang tao ngayon sa opisina nya. It's your time to move."

"Okay good. Sundan mo lang sila." at binaba na ni Sled ang tawag at tumayo sa kanyang swivel chair at lumabas. Paglabas niya ay tiningnan niya si Auslyne sa table nito.

"Miss Sebastian? May pupuntahan ako and cancel my meeting this afternoon." uto nito.

"Okay boss."

Dali-daling umalis si Sled at pumasok sa isang opisina. Hinalungkat niya ang bawat folder na nasa ibabaw ng mesa nito at isinasauli sa tamang arrangement kung hindi naman importante.

May isang drawer sa ilalim ng table na iyon at binuksan naman ito ni Sled. Habang naghahalungkat siya ay may nakita siyang isang bracelet na nakatago sa isang maliit na box at nang kinuha niya iyon at tiningnan ng mabuti ay biglang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Iyon ang bracelet na ibinigay niya sa kanyang ina. Bakit nasa kanya ito? Tanong sa isip ni Sled.

Sapat na iyon upang masabi niyang may kinalaman nga ito sa pagkamatay ng kanyang ina. May kinalaman nga si Justin Monteverde.

Killer PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon