Chapter 8

2.8K 155 16
                                    

***
Chapter Eight

"Okay class you may take your lunch but get back before 1pm I have an important announcements." sabi ng teacher namin habang nag aayos ng mga gamit n'ya.

Tumayo naman kami para magpaalam at tumango naman si Ms. Kinuha ko yung bag ko and nahagip naman ng peripheral vision ko na ready na umalis si Lucas pero parang takot s'yang nakatingin kay Axl? Wait kay Axl?

"Hey Riley! wanna come? magla-lunch kami ng friends ko sama ka I'll introduce you to them." sabi ni Axl at inakbayan pa ko. Tinignan ko naman si Lucas at umiwas 'to ng tingin nang tumama ang mata ni Axl sa kanya.

"Pero si Lucas kasi walang kasam-" naputol ang sasabihin ko nang putulin ako ni Lucas dahil parang nataranta pa s'ya.

"No Riley, I'm fine. Sama ka na sa kanila I'll just go sa mga bestfriend ko sa kabilang section." natarantang paliwanag nito.

"O-okay basta bukas sabay tayo ha?" paninigurado ko sa kanya at tumango naman ito. "Arte puta" rinig kong bulong ni Axl sa tabi ko. Ngayon ko lang s'ya narinig magmura.

"Ha? may sinasabi ka ba d'yan, Axl?" tanong ko dito at umiling naman 'to at hinila ako sa mga kaibigan n'ya- na straight. Lord save me.

"Hey guys, he's the one I'm telling you earlier." sabi nito habang nakaakbay sa'kin ngumiti na lang ako sa kaibigan n'ya pero bigla akong kinamayan nung naka salamin.

"Hey I'm Ralph it's nice to finally meet you, Riley ang ganda mo pala talaga?" sabi nito kaya nahiya naman ako bigla namang tumawa si Axl.

"He's Louie." turo ni Axl sa isa nyang kaibigan na walang pake sa mundo. "Twin brother of Lucas." sabi pa nito kaya nagulat ako kasi hindi ko agad nahalata dahil hindi s'ya masyadong naharap sa'kin. Lucas has his feminine features but Louise on the other hand has a very masculine features. Siguro dahil mas mukha s'yang maangas manamit.

"Let's go Riley, sabay ka na samin." sabi naman ni Axl at hinigit ako.

Habang naglalakad ay ang dami nilang pinag uusapang magkakaibigan. Minsan ay tknatanong nila ako pero hindi ako masyadong makarelate dahil mostly kotse at motor ang usapan nila. Ano namang say ko don. Can't relate.

Nakarating kami sa ibaba ng building namin using elevator at ngayon ko lang nakita na sobrang dami palang tao talaga sa university na 'to. Simula Kindergarten hanggang grade 12 ay meron kaya medyo marami talagang tao pero hindi naman to the point na siksikan na dahil sobrang luwag ng university dahil may ibang-ibang building bawat grade level.

Nakarating kami sa Cafeteria at kagaya ng inaasahan ko napaka laki nito. Hindi naman siksikan dahil ang mga Senior students ay iba ng breaktime pero kahit naman sabay ay sigurado akong hindi pa rin mapupuno 'to sa sobrang laki. Medyo kagaya s'ya ng mga nasa libro na Medieval Period and design kahit ang mga buildings ay inspired sa old structures na nagpaganda sa lugar.

Nakahanap kami ng mauupuan at nahagip ng mata ko si Lucas may mga kasamang babae at mukha syang masaya pero nang tumama ang mata nya samin ay bigla syang tumahimik. Nakatingin dito si Axl at biglang hindi mapakali si Lucas. Ano bang meron sa kanila?

"Is that Axl's girlfriend? I thought he-" hindi natuloy ang sasabihin nito nang tumingin sa kanya si Axl.

Hinila naman kami ni Axl malapit sa pwesto nila Lucas at mas lalong 'di naging maayos sa kilos si Lucas.

"Let me order, what do y'all want?" biglang tayo ni Louie kaya isa-isa nilang sinabi kung ano lang gusto nila. Ako naman ay inilabas ko ang lunchbox ko na may lamang baon, obviously. "Wow can I have some, Riley?" tanong ni Axl kaya tumango naman ako.

"I want truffle pasta man and iced tea. Also 1 rice." bigla kuda ni Ralph habang nakatingin sa cellphone n'ya. Tumingin naman si Louie kay Axl kaya napa-order kaagad si Axl. "Tonkatsu meal and coke, man thanks!"

Umalis naman si Louie at tinapik pa nito balikat ni Lucas kaya tumingin si Lucas sa kanya at ngumiti. Habang naorder si Louie ay hindi pa ko nakain hinihintay ko sila dahil baka masabihan akong patay gutom kung uunahan ko sila. Nag phone naman si Ralph at Axl kaya medyo nakakabored dito sa lamesa namin. Buti pa kila Lucas ang ingay ng table nila halatang masaya.

"I told you, Lucas if he's treating you like that then forget your feelings!" medyo kalakasang sabi nung babaeng mukhang foreigner. "I-I'm trying." sabi ni Lucas at tumingin sa exit ng cafeteria. Lumukot naman mukha ni Axl habang nakatingin sa phone n'ya. May problem yata.

"They're here! Nakakainis ang dami sigurong ginagawa ng section nila kaya sila late."

"Duke looks great as always!"

"Look at Harvy!"

"I would die if Blair fuck me" nasamid naman ako sa sarili kong laway dun sa huling bulong na narinig ko. Kaya tumingin ako sa pinag bubulungan nila at nakita kong sila Duke nga ito. Alam ko he's 14 lang pero bakit Grade 10 na s'ya?

"Axl may itatanong sana ako." kalabit ko kay Axl at tumingin naman ito sakin "What is it?"

"Grade 10 na pala kuya mo?"

"Yea turning 15 na sya this August and dapat grade 9 lang but he's too gifted kaya nag accelerate sya nung Grade 4 n'ya. Bali he skipped Grade 4." paliwanag nito kaya tumango naman ako. That makes sense kung bakit Grade 10 na s'ya.

"Here's your orders sloths." biglang lapag ni Louie ng tray na naglalaman ng orders nila kaya naman binuksan ko na yung lunch box ko at nag ayos para kumain.

"Kuha lang kayo kung gusto nyo. Masarap yan si Nanay nagluto." alok ko sa kanila at agad namang kumuha si Axl at kumain. Okay na daw si Louie sa foods n'ya kaya 'di na sya kumuha. Tumingin naman si Ralph dito pero parang nahihiya kumuha. Kumuha na lang ako ng dalawang piraso ng baboy at sabaw para ilagay sa kanin ko. Inabot ko yung lalagyan nung adobo kay Ralph at tumingin s'ya sa'kin.

"Kanina ko pa nakikita na parang gusto mo tikman kaya 'yan sayo na lang." alok ko sa kanya.

"Oh thank you! It's been a while na rin nung huli ako nakatikim ng adobo." sabi nito at kumuha na. Kaya pala may rice syang binili.

"Sarap!" malakas na sabi ni Axl nang matikman nya yung Adobo. Nahiya naman ako sa lakas ng boses n'ya kaya palihim kong tinapik yung tuhod n'ya.

Hindi ko napansin na katabi pala naming table sila Duke at may mga babae sa table nila. Tumingin naman sa'kin si Duke at umigting ang panga nito at saka tumingin sa lunch box ko na nasa harap ni Ralph.

"Hey Duke kanina ka pa kinakausap ni Christine." sabi nung isa nyang kaibigan habang natawa. Tumingin naman si Duke dito at nakinig na.

Habang nag uusap sila at sumulyap akong muli sa kanila at pinagisisisihan ko dahil nakatingin nang masama sakin si Duke.

***
Please Like, Follow, and Share! Enjoy!

Sorry na mga beh busy ako sa bebetime chariz love you! 💗

Lagdameo's Crazy Obsession (ON-HOLD)Where stories live. Discover now