3 YEARS

132 3 4
                                        

A/n: Hi! Hehe. Late na update ko.. pasensya na ha? Minsan kasi tinatamad na ko.. Para kasing walang nagbabasa eh. Pero, narealize ko.. Nagsusulat ako para sa sarili ko.. Kasi eto ung gusto kong gawin.. Haha!

Para sa BEZ kong sexy at kay katokayo TRICIA.. eto naupdate ko. Hihi

Readers! (Naks!parang meron ah? XD) Pasensya na kung maiksi.. Hindi ko na maalala yung una kong naisulat eh.hehe

Ayan enjoy! :)

JIRO'S POV

Gulat kaming lahat sa nalaman namin. Napatingin kami kay Nelo dahil alam nya pala ito. Pero nagkibit balikat lang sya. Siguro, sinabihan sya ni Raine na wag itong sasabihin samin.

Nakaramdam ako ng konsensya. Sa halip na magandang pabirthday ang ibigay namin sa kanya, eto pa ang nangyari. Tss.

"We should do anything.. para maalala nya ulit tayo.." sabi ni Mika.

Mika's right. Dapat gumawa kami ng way para maalala nya kami.

"oo nga, tama si Mika.." sang ayon ni Miko.

"anong gagawin natin?" tanong ni Yen.

"ahmm.. ipaalala natin sa kanya lahat.." sabi ni Mika.

Parang ang hirap naman ata nun?

"ganto na lang.." at ibinulong ni Miko samin.ang gagawin. At lahat naman kami ay sumang ayon.

Sana naman effective..

:)

RAINE'S POV

Waaaaaah. Anong ginagawa nila? Baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na umiyak at yakapin silang lahat. :/

Nakokonsenya tuloy ako sa ginagawa nila..

"bessie! tanda mo ba tong ballpen na hello kitty?? ikaw nagbigay nito samin.. ni Mika.." masayang sabi sakin ni Yen. Oo naman. Pano ko makakalimutan yun? Eh, friendship ballpen namin yun..

"eh, eto? Tanda mo ba to?.." sabay pakita sakin ni Mika ng picture..

"dito nagsimula yung friendship natin I think.. eto yung pinilit kita napartneran si Jiro sa Mr. and Ms. Intrams.." malungkot na sabi sakin ni Mika.

Nahihirapan na ko na makita silang ganto. </3

Konti na lang papatak na mga luha ko..

Pero hindi pwede..

Gusto ko makalimot..

"eh eto tanda mo ba to? Binili mo sakin to nung nagpunta tayong Tagaytay.." ngiting sabi ni Jiro sakin. Natatawa ko kasi parang nahihiya sya gawin to.. Yun ung bracelet na binigay ko sa kanya..

"bebe Raine! eto tanda mo? lahat kami binigyan mo nito.. Tuwang tuwa nga ko kasi fit sakin ung size! kitang kita tuloy ka-machohan ko..hahah" sabi ni Miko. Yun ung shirt na regalo ko sa kanila. Natatawa ko pero hindi pwede.. Ang hirap pala magkunwari..

Last na..

Si Gino..

AInabot nya sakin ung Ipad ko..

"Sinasauli ko na.. Kung natatandaan mo kinumpis ko yan nun.. Ngayon ko lang naisauli.. Ayoko kasi isauli ko yan sayo.. Para lagi tayong may chance magkita kasi kukunin at kukunin mo sakin yan.." malungkot na sabi ni Gino.

Nagulat silang lahat..

Pumatak ang mga luha ko.. Hindi ko na mapigilan..

"natatandaan mo na kami??"

LOVE IS HISTORY &lt;3 (Completed)Where stories live. Discover now