Prologue

163 3 2
                                        

Julian's POV

"Whoah!" React nila nang inumin ko ang laman ng sampung baso ng tequilla.

Ngumisi ako matapos ibaba ang huling baso at itaktak ito para ipakitang wala na itong laman. May lumapit na babae sa akin at kinawit ang braso sa batok ko kaya napangisi ako. Humalik siya sa labi ko pero hindi ako tumugon, hinayaan ko lang siyang magsawa sa pagpapak sa labi ko.

"You're drunk, men." Ngisi ni Stanley habang ang kamay ay nasa isa ring babae.

"Yes, I am." Sabi ko at nagpatuloy kami sa pag-inom hanggang mga lasing na talaga kami. Nagsayawan na ang iba naming kasama samantalang naiwan si Stanley sa couch para makipagmake-out.

Nanatili akong tulala habang ang mga mata ay nanatili sa basong ininuman ko. Lasing na yata ako pero wala akong pakialam at nagtuloy ako  sa pag-inom hanggang sa tumayo ako sumayaw na lang para enjoyin ang gabing ito.

*****

"Julian, wake up. You have class today, magagalit ang daddy mo kapag nalate ka." Agad kong tinakpan ng unan ang mukha ko nang biglang lumiwanag sa kwarto ko dahil sa kurtinang hinawi ni Mommy sa bintana.

"Mom, masakit ang ulo ko." Napaupo ako nang maramdaman kong pinalo niya ang pwetan ko.

"Mom," reklamo kong sabi habang kinukusot ang mata. She just rolled her eyes kaya natawa ako, kuhang kuha ni ate ang ganyang attitude.

"Stop whinning, I know ginabi ka na naman dahil sa paglalasing mo. Bumangon ka na diyan bago pa mahulaan ng daddy mo ang ginawa mo kagabi." Sabi niya at naglakad na palabas ng room ko. Kunot noo ko lang siyang hinabol ng tingin bago ako bumangon at pumasok sa banyo dito sa kwarto ko.

Nakatapat na ako sa shower at hinahayaan ko lang na bumagsak sa buong katawan ko ang malamig na tubig kahit pa may damit pa ako. I want to wake myself up, nakarami yata kami nila Stanley kagabi.

Matapos maligo ay nagtapis muna ako ng twalya na nakabalot sa pang-ibaba kong katawan. Nagulat ako nang paglabas ko ay may babaeng nakatalikod sa akin. Hinanda ko ang sarili sa anumang maari niyang gawin. Kinuha ko ang baseball bat na nasa tabi ko bago siya tinawag.

"Sino ka? What the hell are you doing in my room?" Nagulat ako nang pagharap niya ay nakita ko ang malamig niyang tingin kahit may takip ang kalahati ng mukha niya ay kita ko ang mata niya, I know she's a girl dahil sa mahaba nitong buhok na nakaponytail.

"Hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo?" walang emosyon niyang sabi na nakapagpataas ng balahibo ko.

"W-what?" nahihirapan akong huminga dahil sa paraan ng pagtitig niya. Kilala niya ba ako?

"Hindi niya magugustuhan ang ginagawa mong pagpapahirap sa sarili mo." Malamig pa niyang sabi. Tinitigan ko ang kabuuan niya at nakasuot siya ng purong itm. "Itigil mo na ito." Akmang magsasalita pa ako nang bigla na lang siyang nawala sa harap ko.

Ilang beses akong napakurap dahil sa bilis niyang kumilos, para siyang naglaho parang bula. Napailing ako at kinusot ang mata ko, antok pa yata ako. Nagbihis ako bago magdesisyong lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa dining room na alam kong hinihintay na ako.

"Mom, Dad." Humalik ako sa pisngi ni mom at tumango kay Dad na may binabasa sa hawak na tablet. Tinapik ko sa balikat si Kuya Andrei bago tumabi sa kanya ng upo.

"Where-" di ko na natuloy ang sasabihin nang may biglang tumakbo papasok ng kusina.

"Kuya Julian..." Nakangiti kong ginulo ang buhok ni Erica na umupo sa tapat ko.

"Let's eat." Strikto at malamig na sabi ni dad kaya nagsimula na kaming kumain. Hindi pumapayag si dad kapag hindi kami sabay-sabay sa breakfast.

"Julian, maguusap tayo." Nasamid ako sa biglang sinabi ni dad kaya agad kong kinuha ang baso ng tubig na inabot ni kuya.

My Agent Love I (The Mission) Where stories live. Discover now