Bahagya siyang napasigaw nang tumama ang bala sa braso niya, bumagsak siya sa sahig ngunit agad din niyang pinutok ang baril sa lalaki na agad ding humilata sa sahig. Mabilis na gumapang si Edgar papunta sa may kama, doon siya nagtago at doon din niya binawi ang lakas niya. 

Sumilip siya sa gilid para hanapin ang kalaban at akmang babaril na naman ito nang agad niya itong maunahan. Tumama ang bala sa mismong noo ng kalaban kaya naman ay agad din itong gumulong sa sahig. 

Huminga nang malalim si Edgar saka tiningnan ang dugoang braso, agad siyang napamura nang makitang maraming dugo na dumaloy sa braso niya. Agad niyang pinikit ang mga mata niya saka niya dinama ang sakit nang tumama na bala sa kaniya.

Ngunit sa kaniyang pagpikit ay agad niyang nakita ang mukha ni Samantha, iyong Samantha na lumalaki ang ngiti kapag nakita siya, iyong Samantha na conyo, at iyong Samantha na mahal niya.

"Why...why did you forget me?" tanging bulalas niya habang nakapikit pa din ang mga mata. 

Alam ni Edgar na anumang oras ay babagsak ang mga luha niya kung kaya't nanatiling nakapaikit ang mga mata niya saka nananakit ang lalamunan kakapigil na hindi umiyak.

Samantha's worried face flashes to his mind, it's as if Samantha was asking for his help. 

Agad niyang naidilat ang kaniyang mga mata saka siya huminga nang malalim, inalalayan niya ang braso niyang dumudugo pa din. Bahagya siyang napaigik nang makaramdam nang kaunting kirot sa braso.

"I...have to fight...for her..." mahinang bulalas niya saka marahan na tumayo, muli siyang napaigik nang aksidente niyang maitukod ang kamay sa sahig, naging dahilan ito para ms lalong dumugo ang sugatan niyang braso.

"fuck! shit!" agad na mura niya. "Fuck...ouch" bulalas niyang muli.

Huminga nang malalim si Edgar saka muling nilakasan ang loob para bumangon, nang makabangon naman siya ay saka siya napatingin sa baril na hawak niya. Tanging handgun lang ang meron siya at alam niyang malapit na din itong maubosan ng bala.  

Bahagyang umiling si Edgar sa isiping matatalo siya sa laban na ito, ang tanging paraan lang upang mabuhay siya ay ang makatakas sa eksena na iyon. Kailangan niyang makaalis sa hospital na ito sa lalong madaling panahon.

Mabilis pa sa als kwatro siyang umamba nang baril nang biglang may pumasok sa kwarto na pinagtatagoan niya, akma niyang ipuputok ang baril nang makitang si teacher Anne ito.

"Wag! ako to! ako to!" sigaw ni teacher Anne, binaba niya ang baril niya saka kunot noong tiningnan si teacher Anne.

"What are you doing here?" tanong niya kay teacher Anne na halatang takot na takot sa nangyayari.

"B-bibisitahin ko sana si S-samantha...p-pero nakita ko na may nakahandusay na sa sahig k-kaya natakot ako...p-pumasok ako dito nang makarinig ako nang kaluskos mula sa liko-" hindi pa man natapos si teacher Anne sa pagsasalita ay bigla nalang itong hinila nang kung sinong lalaki saka tinutukan nang baril sa ulo.

Mabilis niyang tinaas ang baril niya saka niya ito tinutok sa lalaking may hawak kay teacher Anne. 

"Sevida..." bulalas nung lalaki, nangunot naman agad ang noo niya habang gumagalaw siya patagilid, hawak pa din nito si teacher Anne na siyang hindi makapagsalita dahil sa nakatabon ang kamay ng lalaki sa bibig nito,

Tiningnan niya si teacher Anne na mabilis na umiling-umiling at saka pa ito umiyak, halatang takot na takot sa lalaki.

"Pinaabot mo pa kami dito, putanginaka" malutong na mura sa kaniya ng lalaki sa hulihan. 

"Mamamatay ka dito Sevida. Ikaw, ang babaeng to...at ang fiancee mo-" 

Hindi na natapos sa pagsasalita ang lalaki nang agad niya itong pinaputokan sa noo. Natumba ito agad kasama si teacher Anne. Mabilis siyang napalapit dito saka agad na tinulongan si teacher Anne na bumangon.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora