Napatingin siya sakin pero agad siyang umiwas ng tingin.

"Kakain na." Sabi ko dito.

Tumango lamang ito at naglakad na palabas ng kwarto.

Pagkababa ko ay naabutan kong dumadaldal si Jien.

"I don't know po, he hates me now Kuya." Rinig kong sabi ni Jien.

Agad na tumikom ang bibig ni Jien nang makita ako.

Tiningnan ko lamang sila ng seryoso lahat bago tumalikod at naglakad papasok sa dining area.

Habang inaayos ko ang mga baso nila ay naramdaman kong may tumabi sakin.

"Nagsumbong samin si Jien." Sabi ni Alvin.

Hindi ko ito sinagot at umupo na lamang sa upuan.

Nagpatuloy ako sa pag kain nang pumasok silang lahat at nagsiupo.

Tumabi sakin si Jien at nagsimula na ring kumain. Ramdam ko ang pabalik-balik na tingin niya sakin. 

"Tubig po..." Mahina niyang sabi at mas nilapit sakin ang baso.

Tiningnan ko ito at kinuha ang inabot niyang baso bago uminom. Nagpatuloy ako muli sa pag-kain.

"P-pwede po umupo sa lap mo." Kausap sakin ni Jien nang matapos ako sa pag-kain ko. Alam kong gusto niya lamang na kunin ang atensyon ko at kausapin ko siya.

Hindi ko alam kung bakit siya ngayon ang unang lumalapit sakin ngayong nagtatampo siya. Lagi kasi ako ang unang lumalapit sa kaniya tuwing nagtatampo siya kahit na siya pa ang may kasalanan.

Nakatingin samin ang lima.

Sumandal ako sa upuan at binaba ang kamay ko mula sa lamesa. Napangiti siya at agad na umupo sa hita ko. Tinabi niya ang pinagkainan ko sa gilid at nilipat sa harapan niya ang plato niya at masayang kumain.

"Rupok." Rinig kong bulong ni Shin. Narinig ko naman ang magkasabay na tawa ni Gino at Phone.

Inismidan ko lamang ang mga ito habang si Jien naman ay ngumiti sa kanila.

"Ang sarap po ng luto mo, Grid." Sabi ni Jien nang matapos kaming kumain.

Tumango lamang ako na ikinanguso niya.

Umakyat ako sa taas at naligo.

Nang makapagbihis ako ay agad akong bumaba.

"Pupunta kami sa kanila Josh." Sabi ko sa mga kaibigan kong nakaupo sa sofa habang binubutones ang polo ko.

"Hatid ko na kayo." Sabi ni Shin.

"I can drive." Sagot ko dito.

"I know, baka lang naman tinatamad ka ngayon o kaya gusto mo mayakap si Jien sa backseat. Pwede kayo maglambingan don. I don't mind." Sinamaan ko siya ng tingin na ikinasimangot niya.

"Tigilan mo yang pagsimangot mo Shin, naasar ako sa mukha mo." Sabat ni Gino na binatukan naman agad ni Shin.

"May kailangan yan pustahan." Si Alvin.

"T*nginanyo." Mura nito sa kanila.

"Totoo naman." Sabat ni Phone.

"Oo, meron." Nakasimangot na saad ni Shin na ikinatawa nilang apat.

"What is it?" Tanong ko sa kaniya.

"Bati na tayo pre. Patawarin mo na kami." Mahinang sabi ni Shin na ikinatawa ng malakas nila Phone. Si Gino ay napahampas pa sa sofa sa sobrang lakas ng tawa. Tinitigan ko sila Phone, Gino at Mark na ikinatahimik nila at unti-unti ring napasimangot na ikinatawa ng malakas ni Alvin. Rinig ko ang hagikhik ni Jien sa tabi ko. Tumingin rin ako sa kaniya. Pinigilan kong wag matawa nang agad na tumigil siya sa paghagikhik at pinaseryoso ang mukha.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now