"Princess Clobiria.. Are you really a PRINCESS?" Tanong ko dito sabay diin sa panghuling salita. Agad naman itong napa-singhap at maarteng napahawak sa kaniyang dibdib. Nakakatouch ba yong tanong ko?

"You!" Turo niya sa maganda kong mukha pero tinampal ko lang ang daliri niya na mas lalong nagpasinghap sa kaniya, napahawak pa nga siya kay Rector na kaagad naman siyang inalalayan.

Ang OA grabe!

Parang slow motion na hinawi ko muna ang napakaganda kong golden hair na hanggang bewang ko ang haba at napansin ko namang sinundan nila yon ng tingin.

Pero kailan pa naging golden ang buhok ko? Ay mamaya na nga yan.

Tinignan ko si Clobiria na nakipaglabanan naman ng tingin sakin.

"You know what PRINCESS Clobiria.. If you are really a PRINCESS! You should know the word MANNERS and RESPECT! Even if that person is not on your level but if he still older than you! You should still gave them some respect! And that's what royal should do right? Be a good leader in the eyes of their people for them to be respected.. But now I think respect is for only those people who really deserve's it.. And Butler John is one of them! You! You shouldn't be respected! You don't deserve to be called a PRINCESS! Your attitude SUCKS! We are all humans here! We are all breathing the same air! We are all drinking the same water! We are eating the same food! And a person like you will be the downfall of your people. Kaya wag ka masyadong magmataas dahil ang totoong maharlika ay mapag-kumbaba at alam ang salitang respeto." Sinadya ko talagang itagalog ang panghuling salita para mas dama niya, nilang lahat ang gusto kong iparating.

Nakita ko namang natulala si Clobiria sakin at para ba itong hindi makapaniwala sa narinig niya mula sakin.

Tinignan ko rin sina Rector at Tyler at kahit sila ay nakatulala din sakin.

Napakamot ako sa ulo ko.

Kahit naman tingin ko kay Butler John na baliw siya may respeto parin ako sa kaniya no hindi dahil mas matanda siya sakin kundi dahil pakiramdam ko deserve niya ang mabigyan ng respeto.

Napatingin ako kina Geroma pero ang babae ay busy sa pakikipaglandian kay Vawn na naabutan kong nakatingin sakin. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya at kay Moon naman ako tumingin na parang nalilito habang nakatingin sakin.

Oh! Akala ko pang-habang buhay na siyang matutulala.

Bakit ba sila ganiyan makatingin?

Pero tapos nako sa scene ko bakit hindi pa nagka-cut si Direk?

"Princess Fyrona.." Napatingin ako kay Geroma ng tawagin nito ang pangalan ko.

Tsk mukha siyang tuko na nakakapit sa prinsipe.

Hindi ko alam pero nagulat din ako sa sarili ko ng pandilatan ko si Prince Vawn.

O MY GOSH! Nakakahiya! Bakit ko yon ginawa?! Putcha!

Mabilis kong tinalikuran ang pwesto nila Vawn dahil ayokong makita ang reaction niya sa ginawa ko.

Tangina ano bang ginagawa ko? Kailangan ko na talagang umuwi.

"Butler John.. Pakihatid nga ako sa labas parang mawawala ako ng wala sa oras e kung ako lang maglalakad mag-isa." Paki-usap ko kay Butler John at ng mapatingin ako dito ay umiiyak ito kaya kaagad ko siyang dinaluhan.

Bakit umiiyak tong matanda!?

"Oi Butler John ayos ka lang? Bat ka umiiyak?!" Nag-aalala kong tanong rito.

Akala ko pa naman seryoso talagang tao si Butler John iyakin din pala.

"L-Lady Fyrona.. I-Ikaw lang p-po talaga a-ang narinig k-kong nagsabi ng m-mga ganon p-para sa mga k-kagaya kong a-alipin." Nahihirapan nitong sabi sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Became A Princess!Where stories live. Discover now