PROLOGUE

8 1 0
                                    

"Sa wakas natapos rin!" I said happily when I'm done reading the book I was just reading.

Super ganda ng story at nakaka-thrill lahat ng eksena. Siyempre di rin mawawala yung kilig moments boring kaya kung wala yan.

The story is all about the badass girl who reincarnated in ancient time and then she meet this five handsome prince that will make you drool over them without seeing thier appearance because their personalities is enough.

And they always stick to FL and of course so many Villian that came to ruin their lives and love life.

So yun lang hindi ako spoiler kasi.

Bumangon na ako para maligo dahil dalawang araw narin akong hindi naka-ligo. Ayaw ko kasing mabitin. At siyempre hindi ako nag-iisa ron marami kami eyy.. Maraming natamaan aminin.

Nang matapos na akong maligo ay kumain na ako ng pananghalian at pagkatapos kong kumain ay kumuha muna ako ng pera tsaka kaagad na pumunta ng national book store.

"Hmm? Ano kayang magandang basahin?" Nalilito kong usal habang namimili ng libro para sa susunod ko namang babasahin.

Napa-buntong hininga nalamang ako dahil ang hirap!

Sobrang hirap! Ang daming books na sa tingin ka ay sobrang worth it na basahin ang kaso hindi naman ako mayaman para mabili to lahat. Pang-isahan lang ang kaya ko, e.

Hayy ang hirap talaga pag mahirap kasi hindi mo makukuha lahat ng gusto mo.

Napabuntong hininga nalamang ako at napag-desisyonan na ipikit ang mga mata.

Kamay ko nalang ang mag-dedesisyon kung ano ang babasahin ko.

Tama! Ang galing ko talaga haha!

I slowly brushed my fingers to the books to feel them.

Mga ilang minuto ko narin itong gingawa pero hindi ako makapagdesisyon dahil nalilito ako kung saan ko ititigil tong kamay ko.

Ano ba yan akala ko di na ako mahihirapan sa pagpili psh.

Ngunit napasinghap ako dahil parang may kakaibang pwersa ang humihila sa palad ko, at dahil narin sa gulat ay hindi ko kaagad na imulat ang mga mata para makita kung ano iyon.

Na-imulat ko lang ang mga mata ko ng maramdaman kong lumapat ang kamay ko sa isang magaspang na bagay.

Isang lumang libro?

Napatitig ako sa bagay na yakap-yakap ko ngayon habang naglalakad ako papasok sa bahay at hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa itsura ng libro.

Yung cover page nito ay sobrang kapal na para bang unique ang ginamit na papel nito tapos medyo gold na may halong brown ang kulay at may magaganda pang disenyo.

Kaagad akong pumunta sa kwarto para matignan ko na ang story nito.

Kahit medyo nakakapagtaka dahil walang title ang libro pero ang sabi naman ng matandang librarian kanina na isa-uli ko nalang daw kung hindi ako nagandahan sa story ng libro kaya binalewala ko na lamang ang tungkol sa title.

Solo ko ang bahay ngayon dahil nag-tratrabaho ang parents ko habang ang baby brother ko naman ay nasa school.

Wala akong klase dahil umabsent ako hehe.

Kaya naman malaya akong magsisigaw dito kung kikiligin ako at wala ring maninita sa akin na kapitbahay dahil wala kami non at medyo malayo ang bahay namin.

Naglulundag ako sa kama habang excited na nakatingin sa libro.

Ganito talaga ako pag-excited.

Umayos narin ako ng higa dahil napagod na ako sa kakalundag.

I Became A Princess!Where stories live. Discover now