"Pwede bang hingiin ko muna ang bayad mo para sa katapusan? kailangan ko lang talaga." asus ang sabihin niya kailangan na ng makakati niyang kamay ang pera para pang-sugal.

Hindi ako umimik at pinapakiramdaman lang siya kung aalis na siya o baka subukan niyang buksan ang pintuan. Sobrang inet na dito sa loob dahil kasama ko ang mga luma naming blanket at iba pang tambak na damit, ang alikabok parang kinikiliti ang ilong ko!

Wag naman sana akong mabahing.

"Rein! Tao po?" Nangangati na ang ilong ko, kaya agad kong tinakpan ito at nagpilit ng mahinang bahing.

"letse! Makaalis na nga!" Rinig kong dabog niya at malalakas na yabang ang ginawa niya.

Dahan-dahan akong lumabas ng kabinet namin at sinilip siya sa bintana habang nakatago ako sa kurtina. Umalis na din siya salamat naman.

Agad ko nang sinuot ang sapatos ko at hindi na nagbihis pa saka binitbit ang mga damit at gamit ko sa school. Namadali akong bumababa ng hagdan at dahang-dahan dumaan sa harapan ng pintuan niya.

Dahan-dahan

Saka ako kumaripas ng takbo palabas ng lugar na 'yun at agad na pumara ng jeep papuntang hospital.

Mukha akong aakyat ng bundok dahil sa dami ng dala ko pero ayos lang para din naman kay mama 'to.

Pagkababa ng jeep ay walking distance pa bago makarating sa hospital, bawal daw kasi magbaba banda doon kaya ito ako naglalakad dala lahat ng 'to.

'NEED HELPER: CONTACT #0906XXXXXXX'

Nabasa ko bigla dahil sobrang laki ng sign board nila tapos may nakalagay pang lets talk inside parang ewan lang haha, napatingin naman ako. Isa itong cake shop mukhang bongga at mamahalin ang mga binebentang cake at iba pang pastry mag-apply kaya ako?

Kaya agad naman akong pumasok sa loob at dala-dala ko lahat ng gamit namin, halatang pinagtitinginan na ko ng mga tao pero dare-daretsyo lang ako sa pagpasok.

"Yes miss?" Tanong ng isang chinitang babae.

"Mag aapply po sana ako." ngumiti 'to sakin at itinuro ang daan.

"Roma si master?" Tanong nung babaeng chinita sa isa pang babae na maikli ang buhok.

"Ah nasa loob, katukin mo na lang." tumango ito at nginitian ko naman 'yung babae.

*tok tok*

"Pasok," sabi ng tinig sa likod ng pintuan na 'to .

Kaagad naman niyang binuksan ang pintuan at tumambad sakin ang isang matandang lalaki na may katipunuan pa ang pangangatawan at kasalukayang nagkakape.

"Pangalan?" Tanong niya agad kahit hindi pa namin sinasabing mag aapply ako.

"Rein Daisy Sanchez po," ngumiti siya sakin at tumayo.

"Upo kayo, kape tayo." umiling ako

"Wag na po salamat na lang po." naglakad 'yung matanda papuntang desk niya at umupo.

"Ilang taon ka na ija?"

"17 po." isinulat niya iyon.

"Gustong maging Working student?" Tumango ako.

"Anong oras ang pasok at labas mo sa school? May iba ka pa bang pinagkakaabalahan?" Nangangalay na ko kaya naman pakapalan ko ng binababa ang gamit ko at umupo sa sofa na nasa harap ng table niya.

"Ate penge ng isang kape," sabi ko dun sa babaeng nagdala sakin dito. Nagugutom na kasi ako at hindi pa naman ako nagmamaryenda eh, alasais na.

Nakita ko naman na tawa 'yung babae at ngumiti lang 'yung matanda.

"7am po start ng klase namin hanggang 3pm straight po 'yun pero may vacant kaming dalawang oras kaso po nag apply akong student assistant at ginagamit ko po ang vacant time ko sa pagtulong sa mga instructor namin. Puno na daw po kasi ang scholarship kaya iyon po ang inapplyan ko tapos po kailangan ko din po dumalaw sa hospital mga 3 days pa po para icheck ang kundisyon ng mama ko." tumango tango siya.

"monthly ang sahod dito pumapatak ang araw mo ng 200 so 6,000 ang sahod mo kada month. mula 4pm hanggang 12am ka magtatrabaho bali 8 hours a day lang, sagot ko ang pagkain so ano ija kukunin mo ba?" Para namang pumalakpak ang tenga ko sa tuwa, malaki na 'yun para sakin kaya agad kong kinuha ang kamay ni manager.

"Deal." nakipagshake hands din siya sakin at ngumiti.

"Simula na ng trabaho mo bukas, bawal ang late at itanong mo na lang kay Jully ang iba pang detalye tungkol dito. Ako nga pala si Sam ang may-ari ng cake shop na ito." nagbow ako sa kaniya.

"Osige inumin mo muna 'yang kape mo habang pini fill-up pan mo pa 'yang form mo." tumango ako at hinugop ang kape.

Okay na 'to, pagkagaling ko ng trabaho daretsyo hospital na ko at doon na lang ako matutulog. Magdadala pa pala ako ng ibang gamit para paggising ko daretsyo na din ako sa school menos pamasahe pa 'yun.

Nabuhayan naman ako ng loob dahil sa sunod-sunod na swerteng balitang dumadating sakin ngayon.

GOD salamat po.


To be Continued

His Wolf LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon