PROLOGUE

15K 442 37
                                    


PROLOGUE

Sabi nila madali lang daw mabuhay.

Kailangan mo lang daw, kumain, magtrabaho at huminga.

Tapos papasok ka sa paaralan at mag-aaral sa tatlong parte nito.

Elementarya, sekondarya at kolehiyo.

Pagkatapos nun maghahanap ka ng trabaho, mamahalin at bubuo kayo ng pamilya.

Magkaka-anak ka, tatanda ka at magkakasakit ka.

Tapos mamatay ka.

Uulit ang proseso hanggang sa apo mo na at matapos ang mundo.

Makakalimutan ka ng panahon at may panibagong magpapatuloy ng mga nasimulan at naiwan mo.

Ganoon lang daw kadali 'yun, paulit-ulit lang hanggang sa mapagod at mawala kana.Pero para sakin iba, mahirap gawin ang mga bagay na iyon.

Mahirap makamtan ang kalayaan na 'yon, ang makapag-aral ng normal, makakain ng normal at mamuhay ng normal.

Dahil isa akong nilalang na hindi naman talaga dapat nasa mundong 'to.

Dapat hindi kami nag eexist dito.

Pero wala, ginawa kami ng Dyos ng ganito, tatanggapin din namin 'to ng ganito.

Ano nga ba kami?

Isa kaming Werewolf.

©All rights reserved 2015

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or any means without written permission from the author.

Written By:FinnLoveVenn
Started: May 4, 2015

Posted on Dreame: June 24, 2020

Revise/Edit: July 07, 2020

His Wolf LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon