Chapter 4

62 6 0
                                    

Airah's pov

pumasok ako sa clinic at nadatnan ko si nurse jeon at nurse aiah na nag-uusap. lumingon silang dalawa sa akin kaya binati ko sila ng magandang umaga.

mag-uusap na nga lang ang lapit pa ni nurse jeon kay nurse aiah. naglakad ako papunta sa kabilang kama para doon magpahinga. nakita ko si ana sa isang kama, nakahiga may hawak na hot compress bag.

umupo ako at tinignan lang si ana. lagi siyang nandito. pagkatapos niyang magconfess lagi na siya pumupunta dito sa clinic. well ako kaya kong hindi makita si nurse wonwoo ng isang araw.

"why are you staring?" tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa mata niya.

lah assuming ampot--

"hindi ako nakatitig sayo, sa unan kanina ka pa kasi tinatabihan ng langaw" sinabi ko sa kaniya habang tinuturo ang langaw sa tabi ng ulo niya.

malansa ka na raw kasi...

inatras niya ang ulo niya para paalisin ang langaw sa tabi niya. maya maya lang tinawag ako ni nurse jeon at lumapit sa akin.

"ms. salvador do you need anything?" tanong niya habang nakatingin sa akin

pasikreto akong umirap at tumingin kay ana na ngayon ay nakapikit na.

"isang salonpas lang po nurse" sagot ko, nakatitig pa rin kay ana.

dumekwatro ako ng upo at nilagay ang mga kamay sa magkabilaang gilid ko at tinayo ng tuwid.

pumunta si nurse jeon sa mesa niya para kumuha ng salonpas. naglabas ako ng pekeng ubo tsaka tumingin sa nakatalikod kong boyfriend.

"tsaka isang strepsils na rin po pala nurse, kumakati po lalamunan ko e" pahabol ko habang hinihimas ang leeg ko.

tumingin ulit ako kay ana. wow nagtutulugtulugan ang ahas oh. umupo sa tabi ko si nurse jeon at inabot ang salonpas at isang piraso ng strepsil na candy.

"lah isa lang talaga nurse jeon?" tumingin ako sa hawak kong strepsil at inangat ang ulo para tignan din si wonwoo.

sinilip niya si ana bago sinara ng kaunti ang kurtina. kinuha niya yung candy sa palad ko at agad na sinubo. hinila niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi.

naramdaman ko na lang na nasa loob na ng bunganga ko ang candy at agad niya itong hiniwalay at hinawi ulit ang kurtina tsaka sumulyap ulit kay ana.

ang sarap ng labi niya ay este yung candy... punyemas

glad she's still sleeping. tumayo siya at pumunta sa mesa niya at sinandal ang pwet sa ibabaw habang nakatingin sa akin.

binuksan ko yung salonpas at tinapal sa noo ko tsaka humiga at tinakip ang kumot sa bandang tiyan ko.

"wala kayong klase ms. salvador?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin.

nandoon si ana kaya mag-uusap muna kami ng formal.

"wala pa po nurse, breaktime pa lang naman" sagot ko.

bumukas ang pinto at pumasok si andrei sa loob. agad akong bumangon para iharang ang kurtina sa hinihigaan ko para magtago.

Wonwoo's pov

"nurse jeon dumaan po ba dito si airah?" tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

sinulyap ko sandali si airah na nakatago sa likod ng kurtina "no" sagot ko tsaka tumingin kay andrei

"hindi pa siya pumupunta dito e" patuloy ko. tumingin siya sa isang clinic bed na may nakaharang na kurtina

Alagang Nurse JeonWhere stories live. Discover now