Chapter 2

84 9 0
                                    

Wonwoo's pov

mahigit isang oras ng nakatambay ang ibang kababaihang estudyante dito sa clinic ko. yung iba nakikihiga lang sa clinic bed.

kanina ko pa hinihintay si airah na pumunta dito and wala pa siya.

baka may klase pa sila

Airah's pov

"aray ko punyeta kulang na lang ibaon yung suklay sa ulo ko ha" sigaw ko kay rica na kanina pa sinusuklay ang buhok ko

"tanga, dapat kasi brush ang binigay mo" sigaw niya sa tainga ko kaya agad kong tinakpan

"try mo din kaya magpakulay ng buhok" alok niya

"tsk... pang jejemon lang yan" sagot ko habang tinitignan ang itsura ko gamit ang camera ng phone ko

"may tanong ako" lumingon ako kay rica

"ano yun?" tanong niya

"magkano pag nagpakulay ng bulbo---" tinakpan niya kaagad ang bibig ko. hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko at humarap na lang ulit sa cellphone ko.

"hoy chinat ako ni prof!!!" sigaw ng bida bidang kaklase namin na si carill. inangat ko ang ulo ko para tignan siya

"'no sabi?" tanong ni rica sa kaniya

"maghanap daw ako ng pwedeng bilhan ng volleyball ball" sagot niya

mabuhok na usapan

tumayo ako agad at tinaas ang kanang kamay

"ako!" sigaw ko

"ako na lang bibili" boluntaryo ko na sabik lumabas ng school.

"pera mo" sinabi ng bida bidang chismosa na si carill

"ano kayo gold? MAG AMBAG KAYO!!" sigaw ko tsaka isa isa silang nilapitan para singilin.

"dapat kay prof. kayo humingi ng pambili hindi sa atin" -Rica *ayaw mag ambag* Gamezo

nasingil ko na silang lahat at nag-ambag na rin ako ng 100 pesos para kwits, at pagkatapos ay pinalabas na kami ng guard.

since malapit lang naman yung mall sa school namin nilakad na lang namin ni rica papunta sa mall.

nagtanong tanong kami sa mga saleslady kung saan may bilihan ng mga bola at tinuro nila sa itaas, sa 2nd floor.

nag escalator kami at agad na dumeretso sa bilihan ng mga bola.

"kanina pa tayo nag iikot katabi lang pala ng timezone" hingal na sinabi ni rica.

pumasok kami sa loob at hinanap ang bola ng volleyball. yung pinakamura na ang kinuha namin para mapagkasya sa pera na pinag-ambagan naming magkaka-klase.

hindi rin kami nagtagal sa loob ng mall at bumalik din kami sa school.

sa bandang kaliwa, madadaanan namin ang clinic ni nurse jeon. pinauna ko na si rica sa classroom upang ibigay yung bola. malapit na ako sa clinic nang...

"RISSAN!" sigaw ni andrei mula sa likod ko na may dalang eco bag.

"paki-abot daw ito kay nurse jeon sabi ni ma'am rhea" binigay niya sa akin yung eco bag na puno ng libro

"teka bakit ako?" reklamo ko

"lagi ka daw kasi nasa clinic kaya ikaw na lang daw magbigay" nag thumbs up siya sa akin at tumakbo paalis.

"ang bigat naman" inayos ko yung eco bag at pumunta sa clinic ni nurse jeon. binaba ko muna yung eco bag na may mga libro atsaka kumatok sa clinic niya.

Alagang Nurse JeonHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin