Chapter 1

130 10 0
                                    

"Late ka nanaman Rissan!!!" sigaw ng professor namin

late din naman siya minsan pero di naman kami nagreklamo

humingi ako ng tawad

"konti na lang talaga Ms. Salvador, ikukulong na kita sa faculty" pagbabanta niya

"wag na dun ma'am, sa clinic na lang"

para at least kasama ko si nurse jeon

"take your sit. kalokohan mo talaga" tinuro niya yung upuan sa harap niya. umupo agad ako at pinanood lang siya habang binubura ang mga nakasulat sa board.

napaka bitter ng babae na 'to. pag kami kinasal ni nurse jeon di ka invited.

ipinagpatuloy niya ang naudlot niyang pagdi-discuss.

nagtuloy tuloy lang yung klase ko hanggang sa tumunog yung bell. sila deretso sa canteen habang ako naman sa clinic.

"hi my loves" malambing na bati ko

di siya sumagot at nakatingin lang sa computer niya. naglakad ako palapit sa kaniya at tumayo sa likuran niya at tinakpan ang mga mata niya.

agad niyang hinawakan ang kamay ko at inalis mula sa mga mata niya tsaka tumingala upang tignan ako.

"why are you here?" tanong niya at muling tumingin sa computer niya

"lah, ayaw mo na ba akong makita?" sagot ko tsaka hinila ang upuan na nasa harap ng lamesa niya at tinabi sa kaniya tsaka umupo.

"pumunta ka na sa klase niyo" nagtype siya sa keyboard at tumingin sa akin

"lunch time pa lang" sumandal ako sa braso niya. "bakit hindi ka pa kumain?" tanong niya

"gusto mo lang akong paalisin e!"

tumayo ako at binalik ang upuan. biglang may kumatok at pumasok sa clinic niya. may bago nanamang lalandi sa kaniya

"nurse jeon" tinawag niya si wonwoo kaya
tumayo siya at lumapit sa dalawang babae. "what happened?" tanong ni nurse jeon sa babae na ngayon ay nakaupo na sa clinic bed.

"sumakit po yung tiyan niya, nurse" sagot ng kaibigan niya na umalalay sa kaniya paputa dito sa clinic

"ano huli mong kinain, ana?" tanong niya tsaka marahang tinulak ang tiyan nung ana

"ouch" ana hissed in pain

"chicken curry lang po yung huli kong kinain" sagot nito

"nothing else?" tanong ulit ni wonwoo

ako naman nakatayo lang malapit sa pintuan habang pinagmamasdan ang babae na nakaupo sa kama, tinititigan ang boyfriend ko.

"sus, drama drama mo" bulong ko sa sarili ko pero parang narinig ni wonwoo kasi tumingin siya akin.

nakatayo lang ako sa tabi ng pintuan at pinapanood lang sila.

iba din makatitig itong ana-conda na toh kay wonwoo kulang na lang halikan siya sa labi.

nabored ako kaya umupo ako sa kabilang kama nang hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa. tumabi ako sa kaibigan ng ana

"anong grade kayo?" tanong ko, ang mga mata ay nakatingin pa rin sa dalawa.

"grade 12, section A" sagot niya tsaka siya tumingin sa akin.

same grade, different section

tumango na lang ako.

"section B ka, right?" siya naman ang nagtanong

punyeta di ko na nga binanggit yung section ko kasi nagmumukha akong bobo

Alagang Nurse JeonWhere stories live. Discover now