Lahat-lahat nagsibalikan na sa'kin. Simula sa pagtawag ni Pat na bayad na ang bills ni nanay sa ospital at ang malaking utang namin dun sa babae. Buong akala ko ang gumawa nun ay ang ina niya pero, lahat pala ng yun ay siya ang gumagawa para sa'kin. Lalong-lalo na ang pagkabalisa noon ng kanyang ina ng magkausap kami tungkol sa pagpepeke ng mga papeles.

"I expected too much back then. But what the hell? Sa dami kong inasahan, yung ginawa mo pa ang hindi ko naasahan. I do everything, for you to stay by my side. But it turns out to hell. Pinilit kong ilaban ka pero yung ginawa mo, hindi ko natanggap agad. I chose losing you. But now-"

"Tama na, Liam." Umiiyak na pagputol ko sa iba pa niyang sasabihin habang nakatingin sa kanyang naghihina.

"Mom pay you, right? Hindi ba yun sapat? Ang laking pera nun-"

"Dahil hindi ko tinanggap ang pera ng ina mo!" Diretsong sabi ko dito.

"W-what? Don't lie at me again..." Igting ang panga na sabi niya at walang emosyon na sabi niya sa'kin ngayon.

Five years ago, pinuntahan ako ng mama niya matapos ang mga pangyayaring yun.

" Esther... I'm sorry-"

"Ayos lang po yun, ma'am. Sa totoo lang po ako naman po dapat ang magpasalamat sa inyo." Nakangiti kong saad sakanya matapos kong putulin ang iba pa niyang sasabihin.

Iniwas niya ang tingin sa'kin at tumingin sa harap na kung saan makikita ang mga nagtataasang gusali galing sa balkonahe ng condo ni Kate.

Alam niya... Alam niyang nandito ako, dahil nakita niyang kasama ko si Kate na umalis kanina sa bahay ni Liam. At naabutan niya akong hinang-hina matapos ang pangyayaring yun.

"Ayaw kong may nahuhulog sa anak ko, at alam mo yun. Ayaw kong nahuhulog ang mga babae na penepresenta ko sakanya dahil alam kong masasaktan din sila sa huli. Hindi magpapakasal si Liam sa mga babaeng kakakilala niya pa lang, kahit si Greta na kababata niya, ayaw niya. Ngayon ko lang nalaman na may nabuo pala sa pagitan nila. Akala ko si Greta ang pakakasalan niya, hindi pala. Nagkakaganun si Liam simula ng mamatay ang anak niya kay Greta. Sa tagal kong pinaimbestigahan ang anak ko, ngayon ko lang nalaman ang lahat. Ng dahil sa ginawa kong ito ay nasira ang pagmamahalan niyo. Kompleto na ang papel ng ganun kabilis, may something sa gumagawa e. This is only just a fake marriage, pero tingnan niyo, may nabuong totoong pagmamahal. In short? Fake marriage, true love." Sabi niya na nasa harapan pa din nakatingin.

Sumikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya.

"One million... Hindi sapat ang isang milyon sa pagsasakripisyo mo ng pagmamahal mo, hija. Dadagdagan ko ang isang milyon-"

"Wag na po. Malaki na po ang naitulong niyo. Hindi ko po tatanggapin ang isang milyon kahit na dagdagan niya. Sapat na po ang naitulong niyo sa'kin..." Nakangiti kong sabi ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa'kin na kunot ang noo.

"W-what?" naguguluhang sabi niya sakin.

"Sige na po... Magpapahinga na po ako." Tumalikod na ako sakanya at iniwang parang may gusto pang sabihin. Dahil hindi ko na kayang manatili dun ay pinili kong talikuran siya. Hindi ko na mapigilan ang emosyong naramdaman ko.

"What the f*ck?"

"Liam, tama na..." Napahagulgol ako ng maging malinaw sa'kin ang lahat pero may kulang pa din. "B-bakit?" Nanlalabo ang mga matang nakatingin ako sa kanya at tinatanong kung bakit humantong kami sa ganito. "L-liam, bakit?"

"Esther." Sinubukan niyang hawakan ako pero nanginginig na napalayo ako sa kanya. Pati ako ay nagulat sa ginawa ko.

P*tangina. Yung trauma ko sa lahat. Yung kinakatakutan ko, bumabalik.

"Baby..." Sinubukan niyang hawakan ako ulit pero siniksik ko ang sarili ko sa upuan para hindi niya mahawakan.

"Nakita mo na? Liam, pagod na pagod na pagod na'ko! M-minahal lang naman kita, ah?! Liam, minahal lang naman kita pero bakit kailangan umabot sa puntong magkaganito ako?! Natatakot, n-nasasaktan, at pagod na'ko sa lahat. Pasuko na'ko pero lumalaban ako kasi nandito pa din yung anak na'tin! L-liam... Nakikiusap ako, please... Kung bumalik ka para saktan ako ulit, nakikiusap akong ngayon pa lang umalis ka na at wag na wag ka ng b-bumalik." Pinahidan ko na ang mga luha ko sa walang tigil na pagbagsak nito pero kahit anong pahid ko at pagpipigil hindi ko na kayang pigilan. Sumasabog na yung mga naghahalo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Baby..." Sinubukan niya ulit na hawakan ako pero ng mapansin niyang napaigtad ako ay siya na ang lumayo ng konti.

"Wasak na'ko, Liam... Wag mo ng wasakin pa. N-nakikiusap ako."

"E-esther." Humigpit ang hawak niya sa manobela ng may luhang pumatak sa kanyang mga mata.

"Tinalikuran ako ni Kate at Ella. Sumunod ka. Bumalik ako kay nanay pero wala na akong binalikan. Lahat kayo tinalikuran ako. Traumang-trauma na'ko, Liam. T-tama na."

"B-baby..."

"Ang sakit na, Liam. Pero alam mo ba kung ano yung mas masakit? Y-yung ang bilis mong makahanap ng b-bago. H-hanggang ngayon hindi ko pa yun n-natatanggap dahil yung taong gumawa sa'kin nun ay ang siyang inaasahan kong mamahalin at papakinggan ako sa lahat-" naputol at napahagulgol ako ng walang pagdududa niya akong hinapit at yinakap ng mahigpit

"Hush, baby. I'm sorry."

Hindi ko alam pero nang yakapin niya ako ay nakaramdam ako ng kaunting karamay. Nanghihina ang katawan ko at siya ang nandidito at sumusuporta sa'kin.

"I-im sorry. Forgive me, baby. Please."

"Ba't b-bumalik ka pa-"

"Baby, I came back 'cause I want to. I went here for you and for our daughter and not to break you." Pagtatahan niya pero mukhang hindi umepekto.

Wala na akong maisip na iba dahil halos lahat naman ata ay nasabi ko na. Pero may mga bagay na hindi pinipilit, kahit na anong kagustuhan mong malaman. At yun ang kulang.

"I'm so sorry for everything, baby." Sabi niya tsaka niya hinawakan ang magkabila kong pisnge ng kanyang mga kamay at iniharap sa kanya ang mga tingin ko.

Tulad ko na naiiyak, ay ganun din siya ngunit pinipilit niyang itinago ang lahat ng emosyon na nararamdaman niya ngayon.

"Our past... Leave it all behind and let's face the present together. Itutuloy natin yung mga naudlot noon ng magkasama. I'll help you recover 'cause that's what mens do for their love." Sabi niya ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa mukha   ko.

"L-liam."

Ngumiti siya tsaka niya dahan-dahang inilapit ang mukha sa'kin bago nagdampi ang mga labi namin.

"I love you still, baby. Even if your gone in five years, even if you leave, even if you don't love me anymore,  even if you broke me into pieces again, and even if you tell me to love another. No one can ever replace you in my heart, 'cause there's no space anymore. It will be always you, Esther. I'll never let them replace you 'cause you're different. You is enough." Habang sinasabi niya yun ay tinakasan siya ng butil ng luha habang walang hintuan ang pagbuhos ng mga luha ko sa mata dahil sa mga sinasabi niya.

Umiiyak na napangiti ako habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"I love you." Hinapit niya ako at dinampi ang mga malalambot niyang labi sa labi ko.

Ngayong gabi naging malinaw ang lahat kahit may kulang. Pero isa lang ang masasabi ko. Kahit anong suko ko at paglaban para sa ikabubuti ng sarili ko ay nilalabanan ko din pala ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil sa huli, kahit anong pagod, sakit, at hirap, pinipili na'ting bumalik sa taong higit na minahal na'tin. Dahil sa huli, puso ang masusunod. Dahil sa huli, kahit anong pag-atras ang gawin mo ay bumabalik at bumabalik ka sa kung saan ang nais mo. Dahil sa huli, lahat ng napagdaanan ay nalalampasan...

At sa huli, masasabi ko ng ang lalaking 'to ang mamahalin ko habang-buhay. Dahil tulad niya, wala na ding makakapalit ng pwesto niya sa puso ko.

Dahil kahit saan man magpunta, babalik at babalik pa din sa lugar na nakasanayan para manatili.




End of chapter twenty-eight.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now