Chapter Ten

21 4 16
                                    

Chapter Ten

"Mag-iingat ka ha." Bilin ni She kay Silver. Nakasilip lang siya mula sa pinto ng kwarto ng kapatid at hindi siya pinapansin.

"Aalis na si Ate so all of you can live happily. Puro kamalasan lang naman ang dala ko dito. I love you, Silver." But still Silver never respond to her Ate. Abala lang ito na nakatutok sa cellphone niya. She smiled bitterly bago pumihit ng daan at tahimik na lumabas ng bahay bitbit ang mga gamit niya. Saglit pa niyang pinagmasdan ang bahay na lilisanin bago muli napaluhod at umiyak.

Gabi na rin pero mabuti nalang at may dumaan na Taxi na mukhang naghatid ng pasahero sa Village nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gabi na rin pero mabuti nalang at may dumaan na Taxi na mukhang naghatid ng pasahero sa Village nila.

Along the way ay wala pa rin tigil sa pag iyak si Sherrinah. Marami siya iniisip ngayon, isa na roon kung saan siya tutuloy ngayong tuluyan na niyang pinili ang lumayo sa Pamilya. Ayaw naman niyang dumagdag pa sa isipin ng Mima niya ngayon kaya ngayon, she chose to restrain herself from the others.

Nang masiguro niya na napaka layo na niya sa bahay ng Daddy niya, nagsabi agad siya sa Driver na ihatid siya sa isang Hotel sa Pasig. Malapit lapit sila sa Lausingco Hotel pero alam niyang matutunton siya roon ng ama kaya pinili niya na mag stay sa medjo malayong Hotel, ang Wu Hotel and Hotsprings.

Nagbayad siya ng good for 3 days sa Hotel na yun, may kaunti pa naman siyang pera sa bank account niya. She chose not to bring her cards that her Dad gave her dahil mas lalo siya makokonsensya kung patuloy niya gagamitin ang pera ng ama. Plano niya sana na gamitin ang mga pera na napanalunan niya from the previous Photo Contests para sa Future Studio niya pero since walang wala siya ngayon, ito nalang muna ang gagamitin niya for the meantime.

The next day, tanghali na siya nagising at bumungad sa kanya ang 41 missed calls and 58 messages from her Dad, lahat yun ay galing lang kay Sean. She chose to ignore it since alam niyang pagagalitan lang siya nito o kung magkataon man, baka may parusa pa.

Lasing na lasing siya kagabi at talagang inubos niya ang isang bote ng Cuervo kaya naman pagtayo niya ay sobrang masakit ang ulo niya pero kailangan niya bumangon para mag-breakfast sa lobby ng Hotel na tinutuluyan niya ngayon.

While taking her breakfast in the lobby, isang pamilyar na mukha ang nakita niya. It was her schoolmate Stacia at kasama nito ang Kuya niya at isang may edad nang babae, yun ata ang nanay nila.

Simpleng tumalikod si She mula sa mga ito dahil sa takot niyang baka mamukhaan siya nina Stacia. For sure naman na binalita na ni Sean kina Lorraine at Maurice ang paglalayas niya at sa malamang, hahanapin siya ng mga ito kay Haven at sa School at sa gabing yun, muli na naman siyang naglasing.

On the second day of her stay at the Hotel, bumungad sa kanya ang mga kalat na ginawa niya last night. Nagkalat ang mga damit at pagkain niya. She's now a total mess. Kinontact niya ang cleaning service para linisin ang kwarto niya at umorder siya ng kape. Ayaw na niyang bumaba sa lobby sa takot na makita niya uli sina Stacia lalo at nalaman niyang Grandparents pala nito ang nagmamay-ari ng Hotel.


Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now