Chapter Nine

19 5 15
                                    

Chapter Nine

The next few days had been very tough for her. Anjan yung time na may maglalagay ng kung ano anong masasamang notes sa locker niya. May time pa na harap-harapan siya pagkakatuwaan.

Just like the other time na sinadyang patirin siya ni Antoinette sa harap ng lahat. Only Haven fights for her. Hindi niya maipagtanggol ang sarili niya dahil totoo naman na anak siya sa labas.

"Ano na She? Kailan mo ba isusumbong kina Ninong ang ginagawa sa'yo sa School? Hindi na pagiging matapang yan She ha. Pagiging duwag na yan. Hindi na ikaw yan." Ilang araw na rin siya pinapagalitan ni Haven dahil never ito nagsusumbong sa kahit na sino. "It's been a month already!"


She sighed.

"Kahit ako,di ko na rin kilala ang sarili ko. I always fought back, alam mo yan." Napalunok siya. "But I can't deal with my Family Matters."

Haven sat beside her. Narito sila ngayon sa isang building na walang katao-tao. Eversince noong pumutok ang balita tungkol sa kanya, ito na ang naging hideout niya. She always chose to be alone, maliban na lang kung si Haven ang kasama niya.

"Malalaman at malalaman din nila yan." Anito sabay turo sa gilid ng labi nito. "Tignan mo nga kung gaano kalakas ang pagsampal sa'yo ni Antoinyeta. Makakahalata na si Tita L nyan,I'm telling you." Tapos tinuro pa nito ang tuhod niya na tumama sa bato nang itulak siya ni Venus. "Lalo pa ito kasi iika-ika ka ngayon."


Inis na napakamot sa ulo si Haven dahil tila hinahayaan nalang ng kaibigan niya na kawawain siya rito.

"Maawa ka naman sa sarili mo,Girl!"

Mapakla na natawa si Sherrinah.

"Awa? I don't even know that word. Ever since I was born, pinagdamot na sa akin ang lahat." Anito at tumingin ng direcho kay Haven. "At wala man lang naawa sakin."


The next following days, mas lumala pa ang ginagawa kay Sherrinah. Lalo na kapag wala sa paligid si Haven. So Sherrinah came up with the decision na magdrop out nalang sa School,without knowing everyone at ang akala nila ay pumapasok pa ito. Pero ang lahat ay may hangganan.

Sinalubong si Sherrinah ng seryosong mukha ng ama pagkauwi niya. Loralaine was standing beside him at tila pinapakalma ito. Ibinagsak ni Sean ang report card ni Sherrinah na obviously ay galing sa School.

"Kung ayaw mo na mag-aral, sabihin mo!" Sean shouted at her at halos magitla siya sa sigaw na yun. She wasn't expecting that her Dad can be mad like this.

"Your grades are failing, hindi ka pumapasok sa School. Ano ba ang gusto mo? Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sayong bata ka." Inis na tinanggal ni Sean ang salamin.

"I always wanted one thing na never naman po mangyayari so don't bother to ask, Dad. Hindi ko rin naman po sasagutin."

"Kinakausap pa kita,wag mo akong talikuran!" Her Dad call her. Saglit siyang tumigil ng hakbang paitaas at simpleng tumingin sa ama.

"Paulit ulit lang naman po ang sasabihin niyo, hindi niyo naman masabi on how disappointed are you. Ramdam and I already knew about it Dad. Wag niyo na ipamukha sakin." Aniya bago ito tumuloy sa kwarto niya at doon na umiyak ng todo.


Kinabukasan, Her Dad told her na grounded uli siya and she have to go back to School whether she like it or not. Ayaw man niya pero pilit pa rin siya pumasok sa School dahil ama niya mismo ang naghahatid at sundo sa kanya.


And again, nabubully pa rin siya sa School. Walang bago. Usap-usapan rin siya sa mga Social Media pero asa pa siya na nakarating sa Daddy niya ang issue tungkol sa kanya.
Loralaine visits her in her room habang may dala ito ng tray ng mga gamot dahil umuwi si Sherrinah na may pasa sa mukha at umiiyak pa ito at kasama pa nito si Haven.

Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now