Chapter One

18 4 0
                                    

It's already weekend at walang nakapending na gala for today si Sherrinah. Well originally, meron naman talaga kung di lang sana natuloy ang pag uwi ni Haven sa Isla Verde. Haven was her friend eversince at ngayon sana sila magkikita.

She was already staying with her Dad for already Five Days. Wala naman problema,maliban sa part na naiinggit siya dahil nararanasan ni Silver ang magkaroon ng kumpletong pamilya,na kahit kailan ay hindi mangyayari sa kanya.

Sandali siyang sumilip mula sa terrace ng bahay nang makarinig ng ingay. Mga mukhang nagsasaya. Kunot-noo niyang pinasadahan ng tingin ang lahat.

'Hassle. May natutulog eh.' aniya sa isip niya habang palapit sa terrace at napansing nagkakantahan ang mga tao. It was  Silver's Birthday at wala siyang plano na makicelebrate.

Naroon rin ang mga kapatid ng Tita Loralaine niya at ang Tita Carmela niya na kapatid ng Daddy niya at kasama ang asawa at dalawang anak nito. Sean noticed her after they sing for Silver.

"Sherrinah, come on let's eat. It's Silver's birthday."

"K.Happy Birthday." Seryosong sabi nito. "I'm not in the mood to eat." Aniya bago tumalikod at bumalik sa loob ng kwarto niya while Carmela approached her brother at tinapik tapik siya.

"Hindi ata maganda ang gising. Hayaan mo Kuya, kakausapin ko mamaya."

"Wag na. She's been like that eversince nang makilala si L at Silver." Sean smiled a little bit. "Kasalanan ko din naman na di ko pinaglaban ang nanay niya noon,edi sana buo ang pamilya niya. But if I did that, wala naman akong L at Silver ngayon."

"Pero Kuya, nahihirapan ka na kung paano mapapaamo yang panganay mo."

Tumango tango si Sean sa kapatid.

"I still believe na meron pang inner Lorraine sa loob niya. I believe that she's still like her Mom. Natatabunan lang ng awra ng biyenan mo." Sean chuckled.

Upon hearing her Dad and Carmela's conversation, umirap nalang siya. They can't blame her for something that she can't have. That she's been longing.

"Mima! Bakit po kayo pumayag sa debut? Ayoko nga eh!" Sherrinah said on the phone. Nagwawala ito dahil sa binalita sa kanya ng Daddy niya na tuloy ang debut niya dahil request ito ng Mima niya.

"Mi Nieta, kumalma ka nga." Senyora said firmly. "It's a once in a lifetime experience ang debut mo. You always wanted to feel what it's like to have a complete family even for a day, right?"

"Yeah." Tumango tango ito kahit hindi naman siya nakikita ng Mima niya.

"Good Girl. Then I'll help you grab this chance."

"Mima..." Sherrinah still protests at her Grandma's request.

"No more buts, hija. Uuwi dito next week ang Mommy at Papa Maurice mo. Don't disappoint them, they already prepared a lot. Nakakahiya sa stepdad mo."

Sherrinah sighed. "Okay po Mima." Ngumiwi pa ito bago ibaba ang tawag. Looks like she has no choice but to celebrate her 18th birthday since ang Mima na niya mismo ang nag request.

The next few days, naisipan niyang magbake ng cookies. She felt bored noong mga nagdaang araw na nasa bahay lang siya kaya nagbake nalang siya uli at plano niyang dalhan ang ama ng cookies like the usual thing she always do when she was still a sweet little girl.

She peaked at the office door of her Dad in the brewery pero napaatras nalang siya nang masilip niya na naroon ang Tita L niya and looks like magkakaroon sila ng lunch.

"Ikaw nalang mag-abot kay Daddy." Mabilis na inabot niya sa Sekretarya nito ang bitbit niyang paperbag. "Oh ikaw nalang ang kumain. Gawin mo kung ano ang gusto mo jan." Aniya at mabilis na lumakad paalis ng floor na yun na hindi man lang hinintay ang sagot ng sekretarya niya.

Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now