"Watch this, ate. Let's practice and then let's do it." Sabi niya at pumunta sa tabi ko.

"But baby, I don't know how to dance."

"Ate, it is very simple. Look!" Turo niya sa iPad niya. Pinanuod ko muna ito at oo nga, madali lang.

Shut up and dance with me ata title ng kantang to. I'm not sure.

"Ate pretty, when I extend my hand to you, hold it and then we will turn around, okay?" Pagturo nito sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Ang cute niya kasi. Nakakagigil. "And then po, you do it like this, and then like this." Pagtuloy niya at ginawa yung steps dun sa chorus na ba yon?

"Alam niyo na po, ate pretty?" She asked.

Tumango ako dito kaya lumapit siya sa iPad niya at ni-set na. Pambihirang bata, ako nga hindi ko alam paano gamitin ang application na yon e. Nuod lang alam ko.

"Okay okay, ready na, ate pretty ha?" She said at in-start na ang video. May timer pa. Mabilis siyang bumalik sa tabi ko bago pa mag start ang music.

"Ay waittt" napatingin ako sa kanya ng bigla itong umalis sa pwesto at may kinuha sa bag niya. What the? Sun glasses na strawberry ang design. Tapos sunod niyang pinuntahan ay ang drawer sa table ng mommy niya at kumuha din ng sun glasses at inabot sa akit.

"Let's wear this, ate." Sabi niya na may malawak na ngiti sa labi. Napailing nalang ako bago ko kunin ang salamin at sinuot.

Akalain mo nga naman, yung mga pinsan ko na pinipilit ako kahit mapangiti man lang, hindi nila magawa, pero itong batang to, kahit patawanin ay kayang kaya niya.

Ano yan, self? Favoritism?

Ini-start na ulit ni Brielle ang music at lumapit sa akin at nag start na.

I knew we bound to be together
Bound to be together

She took my arm
I don't know how it happened
We took the floor and she said

Sa part na yan namin ginawa yung tinuro sa akin ni Brielle. Ang cute nya nga, lalo nung umikot kami.

Oh don't you dare look back
Just keep you eyes on me
I said you're holding back
She said shut up and dance with me
This woman is my destiny
She said oh oh
Shut up and dance with me.

Tinuro namin ang isa't isa at nagtatalon na parang nakikipag sayawan. Ang saya naman.

Tinapos namin yung kanta at ang cute ng kinalabasan. Ano ba yan, mga mare! Tiktokerist na me!

"We're so cute here, ate pretty!" Masayang sabi sa akin ng bata kaya ngumiti ako sa kanya.

"Of course, baby. Can you pass it to me?" Tanong ko sa kanya. Tumango ito.

"I'll upload it first po ate pretty because we can not save it if it is only on draft." Confuse man ay tumango nalang ako sa kanya. Aba! Malay ko ba jan.

Binalik ko na rin ang sunglasses ng mommy niya, baka mapagalitan pa ako pag nakita niyang hawak hawak ko ito at hindi man lang nagpaalam sa kanya.

Hinintay ko lang na gawin ni Brielle yung sinasabi niya at maya maya lang din ay naipasa na niya sa akin. Ang cutee. Kahit ata ilang beses kong panuorin ito, hindi ako magsasawa.

"Mommy!!!" Masiglang bati nito kay Miss Harper na kapapasok lang sa office. Ngumiti dito si Miss at hinalikan ang anak. Sweet. Sana ako din.

Nakangiti lang akong pinapanood sila kung paano ikwento ni Brielle ang pag-aalaga daw niya sa akin kanina. Yung pagpapakain at pamimilit na huwag nang pumasok. Ang cute magsumbong.

Her SaviorWhere stories live. Discover now