"Karic can we talk?" Napakunot ito ng noo at hinila ako nito sa kama.

"Nag uusap na tayo babe. You looks so serious."

"Promise me na iintindihin mo muna ang lahat bago ka magalit." Mas lalo itong naguluhan sa sinabi ko.

"Do you know Aera?" Kinakabahan kong tanong.

"Hmm..... sounds familiar." Sabi nito at napaisip.

"Ah yes! Yung pinagkamalan ni Dyson na anak ni Veyra. How about her babe?"

Napakagat ako ng labi at magsasalita na sana ng tumawag si Ashna sa akin.

"Ash? May problema ba?"

"Z-zertyl...." napatayo ako ng marinig na umiiyak ito.

"Im sorry... im really sorry Zertyl."

"What happened Ash!?"

"Si Aera....."humikbi ito at paulit ulit na nag sorry. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"What happened to my daughter, Ash?" Kinakabahan kong tanong

"What!?" Gulat na tanong ni Karic.

"N-nakuha sya ng mga sindikato. They bomb the school, Zertyl." What!? Paano nangyari yun? Kakaalis ko lang sa bahay ah.

Nanlamig ang buong katawan ko at nanginig ang mga kamay ko.

"No! No please.... tell me you're just kidding Ash?" Unti unting tumulo ang mga luha at napasabunot ako ng buhok ko.

Nawalan ng balanse ang mga paa ko ng mag sorry ulit ito.

"Babe, what the fuck is going on!?"" Sigaw nito ng matumba ako.

"Karic..... si Aera." Umiiyak kong sabi.

"Your daughter? You have a daughter?"

Napahagulgol ako at hinarap si Karic.

"OUR daughter Karic! OUR daughter!" Umiiyak kong sigaw. Napaawang ang mga labi nito at nagtatanong na tumingin sa akin.

"Please! Please! Save her first. Birthday nya ngayon at ikaw dapat ang reregalo ko sa kanya kaya ako nandito."
Nanghihinang napaluhod ito at napasabunot ng buhok.

"H-how?"

"Importante pa ba yun ngayon!? You need to move now Karic!" Sigaw ko rito. Wala sa sariling napatayo ito at agad na may tinawagan.

"Stay here, don't you dare go anywhere, Zertyl." Matalim ako nitong tinignan at saka lumabas ng kwarto.

Pinulot ko yung phone ko na nalaglag kanina at agad na tinawagan si Ashna.

"Z-zertyl, nasa hospital ako ngayon." Bungad agad nito ng sagutin nito ang tawag ko.

"Si papa Ash? Okay lang sya diba?" Umiiyak kong tanong.

"Nasa hospital sya ngayon, nasabugan rin si tito." Napasandal ako sa pinakamalapit na pader dahil parang mahihimatay ako sa nangyayare ngayon.

Pinakalma ko ang sarili ko at agad na pumunta ng hospital kung saan nila dinala si Papa.

"Z-zertyl." Sinalubong ako ng yakap ni Ashna na punong puno ng dugo yung damit. Napahagulgol ito sa balikat ko at ilang ulit na nagsorry.

"We failed at this time. Im really sorry Zertyl please forgive me." Tumango ako at sinabing okay lang. Walang dapat na sisihin sa nangyare maliban sa mga sindikato na iyon.

"How about Veyra?" Tanong ko. Umiwas ito ng tingin.

"Ash?" Umiling ito.

"H-hindi ko alam, sya yung kasama ni Aera sa room nito, nakita kong nakuha si Aera pero h-hindi ko alam kung nasaan si Veyra." Niyakap ko ito.

LIVING WITH MY EXजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें