That Leaf

95 10 2
                                    


THAT LEAF

Copyright © 2015 by LigayaMirasol

All Rights Reserved


~ o ~


VACANT TIME. ABALA ako sa pagbabasa ng libro. Ito ang ginagawa ko halos buong magdamag. May meeting ang faculty kaya wala kaming klase.

Wala rin masyadong tao sa classroom dahil pagala-gala ang mga kaklase ko sa labas. Wala naman akong paki sa kanila. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may lumapit sa akin.

"Ahmm, Penelope?"

"Yes?" I answered without giving a glance at him.

Him, dahil lalaki ang nagsalita. I don't even know who he was. And I don't care.

"I just want to ask a favor."

"What?" I asked in uninterested tone. Istorbo. Tsk

"Puwede mo ba 'kong tulungan sa Trigo?"

Napatingin ako sa kaniya. Napaawang ang bibig ko nang makita kung sino ang humihingi ng tulong sa 'kin. Bakit hindi ko agad nakilala ang boses niya?

"I'm busy," then I turned back my attention to the book I am reading.

Tss. The great Junmyeon Kim just freakin' asked me if I could help him in Trigonometry.

"Nakatulog kasi ako noong nagklase tayo roon."

So, kasalanan ko kung nakatulog siya't ako ang iistorbohin niya? For Pete's sake! I hate him damn much for having an unbelievable IQ and for ranking as first in our class. Tapos hihingiin niya ang tulong ko? Hihingi siya ng tulong sa second lang sa kaniya? Sa Trigo pa?

No way! Why would I help him?! I'm not that dumb. Duh!

"I badly needed your help."

I badly wanted to punch you!

"No."

I harshly closed the book and get my bag. Ayoko ng atmosphere sa classroom namin. Masyadong polluted. Tsk

Pumunta ako ng school garden. Mas mainam dito. Maaliwalas at tahimik. Walang Junmyeon. Tss. Hay. I really hate his presence. He annoys me a lot. Ghad!

I couldn't believe it! Ngayon lang nag-sink in sa 'kin na kinausap ko siya. Ang kapal lang ng mukha niyang humingi ng tulong ko.

Dahil sa kaniya, option lang ang tingin sa 'kin ng mga tao rito. Laging pangalawa. When will I become the priority? Siya ang Top 1 and I ranked next to him.

He's the most intelligent. He's the best. He knows everything! He's perfect! Pero sa paningin lang nila 'yon.

Never magiging maganda ang tingin ko sa kaniya. Para sa 'kin, isa siyang kaaway. Isa siyang kakompetensya. That's why I really hate him. To nth power times 100 million!

I was about to read again when someone called my name.

"Pene."

Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Did I hear it right?

Nagsalubong ang kilay ko nang makita kung sino ang taong nangahas akong tawagin sa pangalan na 'yon. It's him, again. Close ba kami? No. Will never be.

"I don't want to help you."

Nakakawala talaga ng ganang makipag-usap sa bansot na 'to. Tinatamad na tuloy akong magbasa.

That LeafWhere stories live. Discover now