I- Si Aila at si Grikero

26 1 0
                                    

***

Katulad ng pagpasok ko sa Telubra, umikot din ang paligid ng sundin ko ang utos ni Tatang Matias sa akin. Nawala na ang kubo sa aking paningin at napalitan ito ng isang masukal na kagubatan. Madilim na at mukhang may bagyo pa.

Nililibot ko ang paningin ko nang may bumunggo sa'kin.

"Pasensya na, iha." paumanhin ng isang babae na may akay na akay na sanggol. Hinihingal ito at halatang galing sa mahabang pagtakbo. Hindi niya na hinintay ang sagot ko at agad ng tumakbo palayo sa akin.

"Habulin niyo si Aila! Itatakas niya ang kanyang anak!" rinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa malayo. Agad akong nagtago sa likod ng puno at maya-maya'y dumaan na siya at saglit na tumigil.

"Saan tayo dadaan, Grikero?" rinig kong tanong ng isang lalaking naka-kota na puti, isang kawal. At kausap niya ang lalaking kani-kanina'y sumigaw.

Grikero? Grikero ang pangalan ng lalaking 'yon? Hindi ba iyon ang sinabi ni Tatang Matias na nakatakdang tatalunin ng isang Laadra? AAAH! Nalilito na ako!

Iwinaksi ko pansamantala ang aking iniisip nang makitang papalayo na ang grupo ni Grikero at tinahak ang daan kung saan kapareho ng dinaanan ng babaeng may akay na sanggol. Kung ano man ang mayroon dito, sigurado akong hindi ito maganda kaya sinundan ko sila ng patago hanggang makarating kami sa dulong bahagi ng daan at nandoon ang palayan (kung saan una akong nakapasok sa Telubra)

Nakatayo doon si Aila (Ang babaeng may dalang sanggol) at hinarap ang grupo ni Grikero. Sa likod niya ay isang portal. Hindi ko alam kung saan ito patungo pero tiyak kong palabas ito ng Telubra!

"Patakasin mo na ang aking anak, Grikero! Hindi siya ang nakatakdang Laadra! Isa lamang siyang sanggol at walang kamuwang-muwang. Paanong siya ang magiging Laadra ng Telubra!?" desperadang sigaw ni Aila kay Grikero.

"Alam kong siya ang Laadra, Aila. H'wag mo akong gawing tanga," nanggagalaiting wika ni Grikero. Ngumingisi-ngisi ang apat na kawal ni Grikero nang makitang umiiyak na ang babae.

Imbis na maawa si Grikero sa kanyang pagmamakaawa ay pinaulanan niya ito ng asul na apoy na nanggagaling sa kanyang kamay. Nangisay si Aila at bago mawalan ng buhay ay kanyang itinapon ang sanggol na hawak papasok sa portal. Napatakip ako sa aking bibig. May parang punyal na paulit-ulit na tumutusok sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay mahalaga si Aila sa buhay ko.

Kung sinabi ng mahiwagang boses sa palayan at ni Tatang Matias na ako ang kanilang Laadra, ibig sabihin nito ay ako 'yong bata na itinapon ni Aila sa portal? Isa itong nakaraan? At si Aila ang aking ina?

Nang makita ni Grikero na naitapon ni Aila ang sanggol ay namula ito sa galit. Paliit na ng paliit ang portal hanggang sa mawala na ito na parang bula.

"AAAH!! Nakakauyam at nakawala pa ang Laadra. Kayong apat! Kumuha kayo ng Ikiraw sa palasyo at gumawa ng portal sa mundo ng mga tao. Hanapin niyo iyong lintek na sanggol na iyon at dalhin sa'kin," utos ni Grikero na agad namang sinunod ng apat na kawal.

Yumuko ako ng marahan sa tinataguan kong mataas na bato dahil nakita kong dadaan ang apat sa aking pwesto.

"Kung hindi sana nagmagaling 'iyong kapatid ni Haring Griyeko e hindi sana namatay ang asawa niya," rinig kong wika ng isa sa mga kawal. Batid ko na nakangisi siya nang sabihin niya 'yun.

"Oo nga. Kung hindi niya i-dineklara sa Telubra na ang anak niyang babae ang Laadra, e hindi sana nangyari ito," Ani rin ng isa.

~*~

"Binibining Laadra, ikaw po'y pumasok sa portal na nasa iyong harap," boses iyon ni Tatang Matias. Mukhang galing ito sa itaas pero nang tingnan ko ay madilim na kalangitan lang ang aking nakita.

Mayroon ngang panibagong portal sa aking harap. Kanina pa umalis ang mga kawal at si Grikero pero nanatili pa rin akong nakasandal sa malaking bato na ito.

Tumayo ako at pinalpagan ang aking suot-suot na bestida. Humakbang na ako papasok sa portal at nag-iba na naman ang paligid. Nawala na ako sa madilim na paligid at ang maliit na kubo ni Tatang Matias. Naroon siya at nakalutang, ngumingiti sa akin habang inaabot ang isang damit.

"Maaaring bukas ka nalang pumasok sa panibagong portal, Binibining Laadra. Sa ngayon ay suotin ninyo muna itong damit." Tinuro niya ang damit na hawak niya. Tumango ako at kinuha 'yon sa kanyang kamay.

"Saan po ba ang palikuran ninyo, Tatang Matias?" tanong ko na medyo nahihiya. Tumawa siya ng mahina at dahan-dahang lumapit sa akin habang lumulutang. Akala ko ay may sasabihin siya ngunit mali ako, linagpasan niya ako at dumiretso sa pinto ng kanyang kubo sabay sabing, "Ganyan po ba sa mundo ng mga tao, Binibining Laadra? Masyadong konserbatibo? Dito kasi sa Telubra, hindi ganyan," sabay tawa niya ulit.

Nakisabay na rin ako at umiling. Hindi kasi sila tulad ng mga katoliko (katulad ko) na mayroong storya tungkol kay Eba at Adan. Mga kakaibang nilalang sila kaya hindi problema sa kanila kung maghubo't hubad sila. Walang malisya.

Nang matapos akong magbihis ay tinawag ko na si Tatang Matias.

"Bakit po gan'to itong damit ko?" untag ko sa kanya mula sa malayo. Naroon kasi siya sa palayan at may pinagmamasdan doon. Tiningnan ko ulit ang suot ko: isang sando na may kakaibang disenyo. Kulay-tsokolate ito at may selyong naka-ukit sa gitnang parte nito. Masyadong dikit ito sa katawan at may matigas bakal na nakatapat sa... ehem... dibdib ko. Ang pambaba ko naman ay isang short na abot hanggang tuhod.

"Iyan ang damit ng isang Laadra, Jamaila. Ako ang naatasan ni Jamil, iyong ama na magtago niyang damit bago siya namatay. Ang sabi niya kasi ay kapag dumating ka na, ibigay ko iyan sayo at ipasuot," Lumapit siya sa akin at may iniabot na palay. Umiilaw ito ng pula.

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tinitigan ko ang palay na hawak niya gamit ang nagtatakang mata, "Aanhin ko po 'yang palay? At bakit umiilaw?" tanong ko. Kinuha niya ang mga palad ko at inilagay doon ang butil ng palay.

"Umiilaw iyan dahil tapos na ang pag-proseso ng mga ito. Umaabot ng sampung taon bago makaani ng gan'yan kaya itago mo 'yan. Kakailanganin mo ang saak kapag magsasanay ka na," Ngiti niya.

"Aah saak pala ang tawag dito," Tango ko, "Pero ano pong pagsasanay?" Umupo ako sa kahoy na napabalibag sa labas ng pinto ni Tatang Matias.

"Katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, ikaw na Laarda ang makakatalo kay Grikero. Kailangan kong sanayin ka para tiyak ang pagkapanalo mo. Makapangyarihan iyon at kung hindi kita sasanayin, isang labas niya lang ng yurako niya ay taob ka na." mahabang paliwanag nito na siya namang tinanguan ko. Sumunod ang mahabang katahimikan. Nakatingin lang ako sa malayo habang si Tatang Matias ay nakatayo sa aking tabi.

Hindi ko inaakalang makakapunta ako sa kakaibang mundo. Sa loob ng labing-walong taon kong pagkabuhay sa mundo ng mga tao, hindi ako kailanman naniwala sa mga kakaibang bagay.

Mas pinaniniwalaan ko ang aking mga nakikita. Pero nagbago na ngayon, nasa loob ako ng isang mundo na may malaking problema. Ako ang kanilang Laadra o tagapag-ligtas (kahit babae ako) kaya gagawin ko ang lahat ng ituturo sa akin ni Tatang Matias para sa mga taga-Telubra.

Aking namimiss ang aking ina, ama at nag-iisang kapatid. Kahit nalaman ko ang totoo na hindi nila ako tunay na anak nila at hindi ako tao, hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kanila. Sila pa rin ang una kong pamilya.

Makaraan ang ilang minutong katahimikan, nagsalita si Tatang Matias,

"Anim na buwan mula ngayon, magdedeklara si Grikero ng gyera sa buong Telubra. Napakalaki ng magiging pinsala nito kung hindi maaagapan. Tanging ikaw lang Jamaila ang makakapigil n'on," May bahid ng lungkot ang boses niya. Kahit ilang sandali palang ako sa Telubra, ayaw kong masira ang mundong ito kaya nagsalita ako,

"Huwag kang mag-alala Tatang Matias. Pangako, pagbubutihin ko ang pagsasanay natin para kapag nakaharap ko si Grikero ay matatalo ko siya. Magiging malaya na ang mundong Telubra mula sa kamay ni Grikero!" pursigido kong wika.

Niyakap ako ni Tatang Matias. Naramdaman ko ang mainit na likido na nakakabasa sa aking braso, "Maraming salamat, Jamaila. Ilang dekada na rin akong nakakulong sa palayan na ito. Isinumpa ako ni Grikero nang malamang kaibigan ko ang ama mo kaya nandidito lang ako sa palayan. May mga inbisibol na harang diyan kaya wala akong labasan. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa'yo, Laadra."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Telubra [1] Ang LaadraWhere stories live. Discover now