Paunang Hiwaga

20 1 0
                                    


     ***

Napapikit ako nang biglang umikot ang paligid. Ito ba ang epekto ng pagbukas ng pintong 'yon? Oo, may binuksan akong lumang pinto sa bakanteng garahe namin at ito nga ang nangyari.

"Aaaaah!" Napatili ako nang iminulat ko ang aking mata. Nawala na ang mga lumang paso at mga sirang gulong na kanina'y nasa garahe namin bagkus ay napalitan ito ng mga palay. Anong nangyayari?! Bakit ako nasa gitna ng isang palayan?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. May isang maliit na kubo malapit sa kinatatayuan ko at mga scarecrows sa bawat paligid. Takang-taka ako. Anong ginagawa ko sa lugar na 'to?

"Salamat naman at nandito ka na, aming Laadra." Narinig ko ang boses lalaking nagsalita kung saan. Hinanap ko ang nagmamay-ari nito ngunit hindi ako nagtagumpay. Nanisay ako sa kaba at takot. Hindi ako sanay sa gan'to. Anong gagawin ko?

Imbis na ma-semento na sa kinatatayuan ko ay naglakad ako sa gitna ng mga palay dahil naisipan kong pumunta sa maliit na kubo at ng matanong kung saan akong lugar naroon.

"Tao po!" Kinatok ko ng marahan ang maliit na pinto sa aking harap. Makaraan ang ilang pagkatok ko ay biglang bumukas ang pinto. Dahan dahan akong pumasok doon at napatakip ng bibig. Wala akong nakitang tao sa loob ng maliit na bahay.

"Tao po?" untag kong ulit.

Biglang may malakas na hangin ang umihip sa aking harap. Mukhang maliit na ipo-ipo ito na parang hindi. Nang mawala ang hangin ay iniwan nito ang isang mababang matanda (abot hanggang balikat ko lang): may mahabang balbas, singkit na mata at may hawak na tungkod na may kakaibang disenyo sa ulo. Para itong ulo ng cobra at may selyo na hindi ko alam.

Nang magtama ang mga mata namin ay biglang nanlaki ang kanyang singkit na mata. Dali-dali siyang yumuko at lumuhod sabay sabing, "Ako si Matias at maligayang pagdating sa Telubra, aming Laadra."

Naguguluhan akong tumitig kay Tatang Matias at agad siyang pinatayo.

"Uhm ako po si Jamaila. Hindi po Laadra ang pangalan ko," mahinang bigkas ko. Tumayo mula sa pagkakaluhod si Tatang Matias at ngumiti sa akin.

"Ikaw ang aming Laadra, Binibini. Sigurado ako roon." Saglit siyang tumingin sa aking leeg at itinuro niya iyon, "Iyan ang nagpapatunay na ikaw ang nakatakdang mandirigma na tatalo kay Grikero." Tinitigan ko rin ang aking leeg na kinalalagyan ng aking kwintas na sabi ni Inay ay palagi ko lang i-suot.

"Ano pong meron sa kwintas na 'to?" Tinuro-turo ko ang kwintas ng may tanong sa mukha. May biglang umihip na naman na malakas na hangin at bigla itong humarang sa amin ni Tatang Matias. Napa-awang ang aking bibig sa nakita: lumilitaw at umiilaw ito, Portal.

"Tatang Matias! Ano pong gagawin ko sa portal na ito?" naghihisterya kong tanong nang makitang paliit na ng paliit ito.

"Pumasok ka na d'yan, Jamaila. Hayaan mong sarili mo ang makatuklas sa sagot ng mga tanong mo," Ngumiti siya kaya wala akong nagawa kung hindi sundin ito at pumasok sa portal na nasa aking harap.

Telubra [1] Ang LaadraWhere stories live. Discover now