"Ano bang mga pangalan niyo? Nagtetraining rin ba kayo kasama nila?" Dinig kong tanong ni Tita habang papasok kami sa bahay nila.

"Ako po si Jeremy. Siya naman po si William. Nautusan lang po kami ng boss namin na ihatid si Sir Suson." Sagot nung Jeremy.

"Ah, so hindi kayo nagtetraining?" Takang tanong ni Tita.

"Anong training po ba 'yon?" Si William.

"Training para maging idol. Nagtetraining 'yan sila araw-araw." Turo niya samin.

"Ah.. hehe.. hindi po eh. Pareho po kaming private employee. Driver po ako, siya naman po ay bodyguard." Si Jeremy ulit ang sumagot.

"Ahh.. ganon ba?" Tango tangong sabi ni Tita. "Osiya, sige na. Sumunod nalang kayo sa kanila at pupuntahan ko lang sila Stell at Josh sa taas." Aniya at iniwan kami.

"Angas mo dre ah! May pa-driver at bodyguard ka na." Bulong ni Pablo pagkaupo namin sa sofa.

"Baliw." Sagot ko nalang.

"Totoo nga nababalitaan ko sa iba. Mabait si Army Jane, hindi lang halata. Kaya crush na crush ko 'yon eh!" Bulong niya kaya nasiko ko siya ng mahina at isinenyas sila Jeremy at William sa tabi ko.

He just mouthed sorry at napakamot sa ulo.

"Hoy! Ang tagal niyo ah!" Biglang sigaw ni Josh na may bitbit pang paper plate.

"Ikaw talaga Santos! Hindi pa nga nagsisimula, lumalamon ka na? Aba!" Angil ni Justin habang kumukuha ng marshmallow sa plate.

"Ah talaga?" Sarkastiko sagot ni Josh. "Kayo gusto niyo?" Alok niya sa amin.

"Mamaya nalang." Sagot ko. Kibit balikat siyang tumabi kay Justin habang lumalamon silang dalawa.

Maya maya pa ay nagsimula nang magsipasukan ang mga tao sa loob. Nagdasal muna ang lahat bago kumanta ng birthday song.

"Kuya Stell! Andyan na si Ate." Dinig kong kalabit ng isa pang kapatid ni Stell.

Ate? Sinong ate? Wala namang ate siyang ah?

"Ah.. sige sige." Agad siyang tumayo at humarap sa'min. "Ano.. dyan muna kayo ah? Puntahan ko lang." Aniya at nagmamadaling lumabas.

"Sinong Ate?" Bulong ko.

"Kilala mo ba, Josh?" Si Justin. Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Wala akong nakitang kasama ni Stell dito kanina bukod sa pamilya niya." Sabi niya habang nagtataka den ang boses. Bahagya pa siyang nakanguso.

"May girlfriend na kaya 'yon?" Biglang tanong ko at napalingon naman sila.

"Grabe ka naman mag-overthink! Baka pinsan lang o kaya kakilala!" Mahinang asik ni Pablo.

"Eh.. ba't nagagalit ka?" Kunwaring takot na sabi ko.

Hindi niya ako sinagot at tinawanan nalang ako.

Matagal bago nakabalik si Stell sa amin. Nakita namin siyang pabalik balik sa kusina at kwarto niya. Kumakain na kami ngayon samantalang siya ay kanina pa pabalik balik doon.

"Anak! Kumakain ka na nga muna! Ako yung nahihilo sayo kanina pa! Papasukin mo na rin si Eli para makakain na rin." Mahinang sigaw ni Tita pero dahil malapit kami sa pwesto niya, rinig na rinig namin ang sinabi niya.

"Tita.. Sino si Eli?" Lumapit agad si Josh kay Tita..

"Ay.. di niyo kilala 'yon?" Takang tanong niya at umiling naman kami.

"Kasama niya 'yon dito dumating kanina. Kaibigan niya daw." Humahagikhik na sabi ni Tita. "Hindi niyo nakita kanina kase nagpautos si Stell na bumili ng regalo.. eh busy ang lahat kanina kaya siya na ang bumili. Ewan ko nga bakit inabot ng gabi."

"Ahh.." tango tangong sabi ni Josh.

"Sir." Tawag ni Jeremy sa akin kaya napalingon naman ako sa kanya.

"Lalabas lang po kami saglit ni William. Tunatawag po si Ma'am." Sabi niya at iniharap ang phone niya sa akin.

"Sige. Uuwi na rin naman na tayo maya maya." Sabi ko. Bahagya pa silang tumango sa akin at nagulat naman ako.

"Curious pa rin talaga ako sa Eli na 'yun." Sabi ni Josh na sumusubo pa ng puto. Nakatingin siya sa labas.

"Everyone!" Malakas na sigaw ni Stell na nakapagpaagaw ng atensyon naming lahat. "Nasaan ang birthday boy?"

Lakas talaga ng trip.

"Lapit ka dito dali! Nandito na ang gift namin sayo!" Masayang sabi ni Stell at isa isa namang nagtakbuhan palabas ang mga bata.

"Nauna pa talaga kayo ah?" Biro niya.

Sumunod kaming lumabas at ang nakita lang namin ay malaking karton ng box at babaeng balot na balot sa likod.

"Ayoko na magpaligoy-ligoy pa. Nagugutom na ako sa pag aayos niyan kaya buksan mo na!" Sabi ni Stell at natawa naman kami sinabi niya.

"Woooooow!" Mahaba at sabay-sabay na bulalas ng mga bata pagkatapos mabuksan ang regalo.

Bike 'yon na customized. Hindi ko alam kung ano 'yung tawag sa design na 'yon. Maganda, malinis at bagong bago.

"Ayan! Di ka na mahihirapan sa paglalakad papunta sa school. Ingatan mo 'yan ah?!" Malakas na sigaw ni Stell.

"Opo! Thank you Kuya! Thank you rin Ate Eli!" Masayang sambit ng kapatid ni Stell at niyakap pa sila isa isa.

"Mag thank you ka rin kay Mama at Papa. Nag ambag rin sila pambili niyan!"

"Thank you Mama at Papa! Mahal ko kayo!"

Nakatayo lang kaming lahat dito at pinapanood silang magpapamilya. Iyong Eli ay hindi mawala sa paningin namin. Pumalakpak kaming lahat bago pumasok ulit sa loob para ipagpatuloy ang pagkain.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now