Chapter 6 (PART TWO)

34 1 0
                                        

KENNETH'S POV
Fvcking Shit.
Bakit ba kasi pumunta si Pauline ng hindi nagsasabi sa akin. Shit. Nahuli niya akong may kahalikang ibang babae. Buisit na babae yun. Sinugod pa tuloy si Pauline sa ospital. At alam niyo kung ano ang rason? Heart Attack. Buti na lang nabuhay pa siya. Tapos ngayon wala na kami. Break na kami. Shit. Kilala niyo ba yung kahalikan ko? Siya lang naman si Jenna Marie Cruz EX GIRLFRIEND KO. Siya yung kahalikan ko sa kwarto ko. Diba sabi niya mag tetext na lang daw siya pag gusto niya na makipagkita. Ayun tumawag siya nung isang araw. At ayun pumunta siya sa bahay namin. Specifically sa kwarto ko. Tapos hinalikan niya ako. Ako naman nagpadala sa mga halik niya at tinugon ko ang mga iyon. Tapos nagulat ako dahil sa pagbalibag ng pinto ko. Nakita ko si Pauline na umiiyak. Pero bakit affected ako diba mas mahal ko pa rin si Jenna? Pero bakit nung naghahalikan kami parang wala namang spark? Hindi katulad pag nagkakalapit kami ni Pauline. Aish ano ba tong iniisip ko. Sana maging maayos ang Batangas Escapade namin.Makaligo na nga maya maya dadating na dito yung mga kaklase kong may dalang 3 van. Mamaya na kasi yung alis namin papuntang Batangas
PAULINE'S POV
Naka ayos na ang mga gamit ko at naligo na ako. Dadating na daw kasi dito yung mga kaklase ko. May dala naman daw silang 3 van. Nag rent sila. Ang suot ko ngayon ay isang floral dress na above the knee ang length. Tapos naka pony ang buhok ko medyo kulot ang buhok ko at medyo maputi din ako. Tapos naglagay lang ako ng powder at lipgloss tsaka mascara para sa mata. And perfect ang ganda ko na. May narining na akong bumusina kaya bumaba na ako. "Mama aalis na po ako. I Love You mama" sabi ko kay mama "Sige na anak naghihintay na ang na ang mga kaklase mo. Ang ganda ganda mo anak. I Love You too" sagot sa akin ni mama. "Bye mama" paalam ko kay mama at tuluyan na akong lumabas ng bahay namin. "Whoah ang ganda mo baman Pauline"bati ng isa sa mga kaklase ko. "Thank You" nginitian ko siya at naupo na sa unahan. Buti na lang at wala dito si Kenneth. Nandun siya sa pangalawang van kasama ang natitira sa klase. Yung pangatlong van naman dun namin inilagay lahat ng gamit namin. Naka alis kami ng Manila ng 4 a.m. Grabe ang saya sa van namin syempre katabi ko ang bestfriend ko na si Amy. Ang dami naming napagkwentuhan kasi 3 lang ang gising. Si Jerome, ako at si Amy lang ang gising. Ang lahat ng natira tulog pa din hanggang ngayon. "Jerome nagugutom na ako. Pwede ba tayo mag stop over sa gasoline station na may mga fast food?" tanong ko kay Jerome. "Sige ako din nagugutom na din eh. May malapit na Shell dito. Dun na lang tayo mag stop over." sagot niya sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto kami sa isang Shell na madaming fastfood. "Guys. Gising muna kayo nag stopover tayo sa Shell para mag breakfast muna tayo" sabi ko dun sa mga natutulog na kasama namin. Yung dalawang van nasa likod namin. Tabi tabi yung mga van na gamit namin nung nag park kami. Pumunta ako dun sa kabilang van at ganun din yung sinabi ko. Dun din sa isang kaklase ko na nag dridrive ng huling van. Grabe ang dami namin. Naisipan namin na sa Chowking na lang mag breakfast. Grabe nag ambagan na lang kami para madami pang matira sa amin na pambili ng mga pasalubong. Naka 2,500 din kami sa Chowking. "Guys pray muna tayo bago kumain" sabi ko sa kanila. Tapos umupo na sila at nag prayer position "In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit .Amen............." Ayun nag pray muna kami bago magsimula kumain. Ang dami namin. 10 table ang pinagdikit dikit namin para lahat kami makaupo. Kami lang ang costumer nun. Iniakyat na nung mga waiter yung mga order namin. Naka 10 akyat baba ata yung isang waiter. Kawawa naman. Ayun kumain na kami tapos bumaba na kaming lahat. Nag pagas muna kami bago bumyahe ulit. Kung kanina ay nasa van #1 ako lumipat ako sa van #3 at kasama ko si Amy duon. Kasi baka inaantok na yung kaklase namin mabangga pa siya. Kaya ayu lumipat kami. Sinabi din naman namin sa mga taong nasa van #1 na lilipat kami.

[A/N(A): THANK YOU PO SA PAGBASA. BUKAS PO ANG NEXT UPDATE.]

Define Inertia?Where stories live. Discover now