PAULINE'S POV
Nagising ako kanina na nasa ospital ako. Sabi ni mama nahimatay daw ako kanina kaya dinala niya ako sa ospital. Ano ba yung huli kong ginawa? Ah, naalala ko na. Umiyak pala ako ng umiyak dahil nakita ko ang boyfriend ko na nakikipag halikan sa ibang babae. Leche siya. Minahal ko siya tapos gagaguhin niya ako. Hindi ko alam na magiging isa pala ako sa mga naging biktima niya. Akala niya. Simula ngayon matututo na ako mag ayos ng sarili ko at hindi na ako ang Pauline na nakilala niya. "PAULINE" nagulat ako kasi sumigaw ang isa pang bestfriend ko. Si Amy Chu. "Bakit Amy?" nagugulahang tanong ko kay Amy. "Kanina pa kasi kita tinatawag eh. Natulala ka na dyan. Ano ba nangyari? Kwento mo sa akin. Mahirap na sarilinin mo ang problema mo." sabi niya sa akin. Oo nga mahirap sarilinin ang problema mo. Kaya ang ginawa ko ay kinwento ko ang lahat sa kanya. "Ano si Kenneth na bestfriend mo na boyfriend mo ginago ka?!" tanong ni Amy. "Oo Amy ginago niya ako" sagot ko kay Amy. "Simula ngayon tuturuan kita na mag ayos Pauline. Tignan mo maganda ka naman, may shape ang katawan mo, konting ayos lang ng buhok, tapos konting make up lang." sabi sa akin ni Amy. "Oo Amy yan ang gusto ko mangyari" sagot ko sakanya. Pagkatapos ngnpaguusap namin ni Amy pumasok si mama at sabi niya pwede na daw ako makauwi bukas. Sabi daw kasi ng doctor oobserbahan pa daw ako kasi daw masama sa akin ang masyadong stress, kaya sa ospital daw muna ako. Oo nga pala pupunta pa kami sa Batangas ng madaling araw Monday. Pag uwi ko mag iimpake na ako ng mga samit na good fir one week. Tatawagan ko muna si Amy. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na din niya. Sabi ko sa kanya tulungan niya ako bumili ng swimsuit. And then sabi ko din maghanap na siya ng magandang hotel sa Batangas. Kasi ilan kami sa classroom 45 kasama na kami ni Amy dun. Matutulog na muna ako para bukas maaga akong makaalis kasama si Amy.
- KINABUKASAN -
Nagising ako dahil may naramdaman ako humalik sa pisngi ko. Sino ba yun? Pagtingin ko sino pa edi si gago.
"Bakit ka nandito?" cold na tanong ko sa kanya
"Binibisita kita. Nalaman ko kasi na dinala ka dito sa ospital kagabi dahil nahimatay ka." sagot niya sa akin
"Ok. Nabisita mo na ako pwede ka na umalis. Dun ka na sa babae mo. Yung kahalikan mo kahapon. Sa kwarto mo. Sarap na sarap ka pa nga eh. Yung babae naman halos maghubad na sa harap mo. Sino ba naman ako? Isa lang naman ako sa mga naging biktima mo. At ako naman si tanga na naniwala sa lahat ng mga sinabi mo sa akin. Leche ka. Gago ka. I hate you. Ikaw ang una kong boyfriend tapos ganyan ka. I hate you. Simula ngayon BREAK NA TAYO. WE'RE OVER. Kaya pwede ba umalis ka na" sinabi ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Once in a blue moon lang talaga ako mag mura. Pag hindi ko na kaya yung sakit. Pag sobra na yung galit ko. At lalong lalo na pag sinaktan ako ng taong mahal ko. Minsan nagmumurahan din kami ni Amy pero sa palabirong way. Kumabga no hard feelings. Sabi ni mama pinambayad daw niya dito sa ospital yung PhP 10,000 dito sa ospital. Okay lang naman yun madami pa naman yung napanalunan kong pera. Nasabi ko din kay mama na pupunta ang buong klase namin sa Batangas sa Monday sabi niya sige lang daw basta wag akong magkukulong mag isa sa kwarto. Pagkatapos nun umuwi na kami ni mama. Ako naman pumunta sa kwarto ko para mag ayos ng gamit. Buti na lang may maleta si mama. Ginagamit niya yun pag may meeting sa ibang lugar at kailangang nandun siya. Hiniram ko muna yon para dun ko ilalagay ang mga damit ko. Pagkatapos ko mag impake bumaba na ako para maka kain na ng lunch.
[A/N(A): SORRY PO KUNG HINDI AKO NAKAPAG UPDATE NG 12 MN. ETO NA PO ANG CHAPTER 6 ANG SUSUNOD NA MGA CHAPTERS PO AY ANG NAGYARI SA KANILA SA BATANGAS. THANK YOU PO SA PAGBASA. THANKS FOR THE SUPPORT. ILY ALL]
-ANDREAFRVR
YOU ARE READING
Define Inertia?
Fanfiction"The Law of Inertia states that a body in motion will remain in motion, and a body at rest will remain at rest." ― Sir Isaac Newton "Nothing happens until something moves."...
