Chapter 22

35 3 0
                                    

2 months ago..

"Babybabe, Tomorrow is our 2nd Monthsarry" Saad ni zach sa akin habang nakayakap sa leeg ko.

"Yeah, I know. Anong gusto mong gift?"

"I don't need a gift.. Makasama lang kita buong araw sapat na yun" he said. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Cringe!!" Chelsea said. "Ang sakit niyo sa mata"

"Gusto mo ba yakapin din kita Chelsea?" Mapang-asar na tanong ni Blase sa kanya.

"No need, Kaya kong yakapin yung sarili ko" Inis na sabi ni Chelsea.

"Choosy ka pa! Expensive na tao na nga yung yayakap sayo ayaw mo pa" Blase said. Inirapan lang siya ni Chelsea at tumabi sa akin.

Nasa guild kasi kami nila Zach at dahil wala naman kaming prof dahil mga nasa meeting mas mabuting tumambay nalang dito para hindi boring diba?

"Nga pala cous, Want ko pumunta sa Mall later. May mga bagong labas kasi na damit sa favorite botique ko kaya mamimili ako" Chelsea said.

"Alam mo sa sobrang daming paper bag sa cabinet mo kulang nalang eh may online selling ka na. Bakit kasi bili ka pa ng bili ng damit hindi mo naman nasusuot lahat"

"Ang tawag duon design, Don't worry yung ibang damit ko ipapamigay ko nalang sa mga nangangailangan" she said.

"Good, Magandang gawain yan"

Ngumiti lang siya sa akin bago nag cellphone.
______________________________________

Kinabukasan..

"Happy Monthsarry sa inyo ni zach frenny" bati ni Chelsea sa akin habang nasa biyahe kami papunta sa school.

"Thank you"

"Alam mo ang swerte mo talaga kay zach!" She said.

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Syempre kitang-kita naman eh. Sa panliligaw palang sayo dati. Effort na tapos pinagyayabang ka pa sa buong mundo. Oh diba? Saan ka pa? Kung ako sayo wag mo ng pakawalan yan" she said.

"Hindi naman namin sure kung kami na talaga sa dulo eh. Malabo pa"

"Ayun lang, Pero keri yan kung ipaglalaban niyo yung isa't-isa. Magiging kayo talaga forever" she said.

"Siguro nga"

Pinarada ko na ang sasakyan ko bago kami bumaba ni Chelsea. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin. Bumungad sa akin ang itsura ni Zach na nakangiti.

"Happy Monthsarry babybabe. I love you"

"Happy Monthsarry din, I love you too"

"Ang haharot!! Pero it's okay, Kaya ko pa. Kaya ko pang mag hintay sa true love. Tara na" Chelsea said.

Sabay-sabay na kaming nag lakad papunta sa Room namin. Parehas kasing Second Floor ang First subject namin ni Zach kaya hinahatid niya muna ako bago siya pumasok.

"Mamaya, May gift ako sayo"

"Okiee! Bye.. See you later"

"See you later"

Pumasok na kami sa loob ni Chelsea at nag hintay sa prof. Wala pang isang minuto ng dumating na yung prof namin kaya umayos na kami ng upo.

Nakinig lang kami sa prof namin habang nag le-lesson. Hanggang sa matapos na yung first class namin at second class na.

Katulad ng first subject namin ganon din ang ginawa namin ang kaso lang may quiz kami after ng lesson. Saglit lang naman iyon kaya mabilis din kaming natapos.

Kanina ko pa napapansin na mabilis lang ang oras. Ganon ba talaga kapag excited na mag celebrate ng Monthsarry together.

"Tara na, Kain na tayo"

"Okay sige"

Sabay na kaming lumabas ni Chelsea at pumunta sa canteen. Bumili lang kami ng pagkain namin at nag hanap na ng upuan.

"Ano frenny, May date ka ba mamaya?"

"I don't think so"

"Nasaan na pala yung binili mo kahapon sa Mall? Diba gift mo yun kay zach, Baka iniwan mo ah"

"Nope, Nasa bag ko. Syempre ako pa ba diba? Pero alam mo kanina pa ako nakakaramdam na may hindi magandang mangyayare. Ewan ko ba kung ano"

"Haynako, Wag mo ng isipin yan. Pakiramdam lang yan"

"Sabagay"

Nang matapos na kaming kumain naisipan naming pumunta ng banyo dahil naiihi ako. Nangunot ang noo ko ng may natanaw akong dalawang taong nag uusap sa may likod ng stage.

"Anong kinukunot ng noo mo diyan?"

"Nakikita mo ba yun?"

"Yung ano? Yung dalawang taong nag uusap. Sus wala yan bebe time lang yan"

"Hindi, Para kasing si ano eh"

"Sino?"

"Halika tignan muna natin"

"Haynako frenny kailan ka pa naging marites?"

"Ngayon lang"

Nang makalapit na kami sa may stage mas lalong nangunot ang noo ko ng makita na si Zach iyon kausap si Natalie. Nanlaki ang mata ko ng makitang hinalikan ni Natalie si zach.

"Natalie? Zach?"
______________________________________

:)

Girlfriend for RENT [COMPLETE]Where stories live. Discover now