Chapter 20

41 3 0
                                    

"Naomi, Apo balita ko ay may a-attend-an kayong Masquerade Ball"

"Yes po lola"

"Oh! That's nice.. Kailan ba yan? Nang makabili na tayo ng mga gown niyo?"

"Hmm this Saturday lola"

"Ow! Friday ngayon. So bukas na. Hanggang anong oras class niyo?"

Nag katinginan kami ni Chelsea bago sumagot "4pm po"

"Okay, After your class susunduin namin kayo para makabili na tayo ng mga gown niyo"

Tumango nalang kami kay lola at nag paalam ng aakyat ng kwarto para puntahan si Claire.

"Hi Cous!" Bati ni Chelsea sa kanya.

"Anong ginagawa niyo dito? May pasok kayo diba? Wag niyong sabihin na mag one day kayo? Isusumbong ko kayo kay tita louisa" she said.

"Ito naman napaka OA! Dzaii, Wala sa vocabulary namin ang mag One Day no tsaka bawal yun. Lalo na tong si Naomi scholar pa" Chelsea said.

"Good, So bakit nga kayo andito?" Tanong niya sa amin.

"Hmm! Bumisita lang. Kamusta ka na pala?"

"Hmm ito, buhay pa naman. Kinakaya lahat" she said.

"Bakit? Hindi pa ba kayo okay?" Chelsea asked her.

Umiling lang siya sa amin at ngumiti. Isang buwan na ang nakakalipas hindi pa din sila okay.

"I asked him for space, so we could both think and he agreed" she said.

"Really?! So anong balak mo na ngayon?"

"Hmm wala matutulog habang buhay. Ipapahinga yung isip"she said.

"Huwag kang gagawa ng iba ah" napatingin ako sa orasan ko "Sige na, Aalis na kami. Anong oras na eh"

"Sige ingat kayo ah"

Aalis na sana kami ng maalala ang sinabi ni lola sa amin. "Nga pala, Bibili kami ng gown mamaya nila lola. Sumama ka ah"

"I'll try" she said.

"Kapag hindi ka sumama mamaya. CO na" Chelsea said.

Napakunot ang noo namin ni Claire kaya napatingin siya sa amin "CO, Cousin's Over. Haynakoo tara na nga"

"Ang dami mo na namang pakeme"

"Shh.. Ako lang to!"
______________________________________

Nang makarating na kami sa school pinarada ko muna ang kotse ko at bumaba na.

"My god Cous, Na stress ako sa pag da-drive mo" hingal na saad ni Chelsea. "Pwede ba sa susunod. Kalmahan mo lang yung pag mamaneho. Mahihimatay ako sayo eh"

"Sorry na, Late na kasi tayo. Ikaw kasi naisipan mo pang pumunta kila lola eh"

"Ay hehe! Sowii.. ily bessy" tumango lang ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Naomi!!"

Nakita namin na nag aantay sila Zach na nasa may parking lot habang naka-upo sa harap ng kotse nila kaya agad na namin silang pinuntahan.

"Goodmorning"

"Goodmorning babybabe" bati sa akin ni Zach bago ako halikan sa noo.

"Haynakoo umagang-umaga nag lalandian sa harap ko" pagpaparinig ni Chelsea.

"Haynako!! Umagang-umaga ang bitter mo" pang-aasar sa kanya ni blase.

"Shut up! Tsk" inis na sabi ni Chelsea. "Alam niyo tara na! Anong oras na ho kasi. Tama na landian niyo magkikita naman kayo mamayang vacant"

"Blase is right, you are bitter" pang aasar ni Zach sa kanya. Umirap nalang sa kanya si Chelsea bago humawak sa kamay ko.

"Bessy! Hindi mo manlang ba ako ipagtatanggol inaaway na ako ng Zachary and Friends" she said.

Ginulo ko lang ang buhok niya at hinila na siya paalis. Nakasunod naman sa amin sila Zach.

Napahinto kami sa paglalakad ng biglang humarang sa amin si Natalie at yung tatlo niyang kaibigan.

"Zachary"

"What?"

"I want one night with you"

One night? Napatingin naman ako kay Zachary bago ibinalik ang tingin sa Ex niya.

"What the fuck do you mean? No!"

"N-No? No agad?! Tomorrow is our school masquerade ball and i want you to be my date. What are you guyss thinking? Stop that non-sense thinking"

"Eh bakit kasi si Zachary pa? Hindi ka nalang mag hanap ng iba diyan. Yung single, yung walang sabit. Para hindi ka nag mumukhang kabit" Chelsea said.

"Oww!!" Natatawang saad nila Clark.

"You dumbass!! She's not talking to you. So shut the fuck up" inis na sabi ng isang kaibigan ni Natalie.

"She's not talking to you!!" pang-gagaya ni Chelsea "Eh kung tanggalin ko kaya yang drawing mong kilay. Tignan natin kung makapag inarte ka pa"

"Bars!!" Sigaw ulit nila Clark at sabay-sabay na tumawa. Kahit kailan talaga mga loko-loko.

"Ikaw-"

"Tao" Chelsea said. "Na may kakayahan na kumausap ng mga hayup na katulad niyo"

Kumindat lang siya kila Natalie at umalis na. Sumunod naman kami agad sa kaniya.

"Arghh!!" Rinig naming sigaw ni Natalie. Ngayon ko lang narinig na mambara si Chelsea. Kakaibang upgrade.
______________________________________

:)

Girlfriend for RENT [COMPLETE]Where stories live. Discover now