Umupo naman ako at sumandal sa headboard at tinawagan si Havy. Hindi ako sanay ng walang katabi matulog, and Havy is always one call away.



["Hmmm... "] Bungad sa akin ni Havy mukhang natutulog siya.



["Havy,"] malambing ang boses na gamit ko para mapaamo ko ng bahagya ang lokong 'to. Havy is like a brother to me and to Ate Alaina, kahit na pinsan namin siya.



["Ate Alaina?"] hindi pa sigurado ang inaantok na boses nito.



["Yeah, nasa condo mo ka?"] Nagbabakasakali na tanong ko dahil malapit lang ang condo niya dito sa bahay ni Dylan.



["Yes, why?"] He said in his bedroom voice.



["Can you come over?"] nagbabakasakali na tanong ko ulit.



["May problema ba?"] Gising na ang boses nito.



["None... "] I bit my lower lip, [''Wala kasi akong kasama."] I don't even know why I sound like I'm going to cry.



["Hah?! Where's your hus–uhmm, okay, I'll be there, paalis na ko."] Mula sa pagtatanong ay nagtaka ko na bigla na lang itong pumayag.



Nagpaalam na ako dito at humiga na ulit sa kama para hintayin si Havy. I even place a pillow beside me at yun ang yinakap at inumpisahan matulog muli. Dahil gustong gusto ko na talagang magpahinga. My body needs sleep, my baby needs rest.



I just played an instrument audio para relaxing habang hinihintay ko si Havy na dumating at samahan akong matulog.



Naalimpungatan akong may sumusuklay sa buhok ko ng paunti unti gamit ang maugat nitong kamay. "Havy... " I unconsciously uttered before darkness summoned me.



Napabalikwas naman ako ng bangon ng maramdaman ang pag baliktad ng tiyan ko, ugh~ walang katapusang morning sickness. Hindi ko na nagawa pang itali ang buhok ko dahil sa pagmamadali, halos halikan ko na ang inidoro sa pagsuka. Maiyak iyak ako ng matapos dahil higit na marami ang sinuka ko ngayon dahil siguro late na late na akong kumain kagabi.



Dumiretso ako sa sink habang naiyak sa hindi ko alam na dahilan. Naghilamos ako at pagkatapos ay tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Mas lalo akong naiyak nang makita ko ang mukha ko, sa totoo lang ay mukha na kong tangang bata na naiyak sa hindi malaman na dahilan. Nang kumalma ay saka ko lang napansin ang bottled water na malapit sa sink. Ininom ko yun dahil uhaw na din ako at nahihilo.

HEMERA (Obsession Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon