Iyon naman ang sabi niya sa akin. Hindi naman niya sinasabi ang langalan niya pero sinabi naman niya kung anong ginagawa niya rito—iyon ay ang magtrabaho.

Mahilig daw siyang gumawa ng bracelet at ibenta. Hindi naman siya pinagbabawalan ng resort dahil marami rin naman nagbebenta rito at mukhang kilala naman siya ng may-ari dahil nakita kong umuuwi rin naman siya sa Crowne Hotel. Siguro doon din ang kwarto niya.

"Hmmm..." umungot siya.

Tinulungan ko siyang umupo ng maayos. Mabigat pa ang kaniyang mga mata kaya bahagya pa siyang pumipikit. Isinandal pa niya ang kaniyang ulo sa akin na hindi ko naman sinita pa.

"Naniniwala ka ba sa pag-ibig?" ani niya matapos ang ilang minutong pagtahimik.

 
"Hindi." simple kong tugon.

"Bakit naman? Masarap kaya ang magmahal. Ang boring-boring mo naman na tao kung pati pag-ibig hindi ka naniniwala."

"Wala naman 'yan sa boring, hindi ako naniniwala kasi hindi naman talaga. Ba't ikaw, bakit ka naniniwala."

"Kasi naniniwala ako na isang araw mabibigay din ni God sa akin yung tamang tao." she smiled. "Pero bago natin mahanap yung tamang tao para sa atin ay magbibigay muna si God ng mga signs."

"Signs?" hindi 'ko alam kung bakit paniwalang-paniwala ako sa babaeng ito. Paanong magbibigay si God ng signs?

"Oo, tulad nang-ahmm. Kunyari pakiramdam ko ang tamang tao para sa akin ay ang taong isasayaw ako sa maraming tao. Yung parang prinsesa."

"Isasayaw? Ang boring naman 'yon."

"Boring sa iyo, kasi wala kang taste. Gusto kong sinasayaw ako kasi hindi pa naman ako naisasayaw ng ibang tao maliban sa pamilya ko."

Napatawa ako ng magsungit na siya. Agad nawala ang aking ngiti't tawa ng mapagtanto ang ginawa.

Damn it. Bakit ba, nagiging malambot na naman ako.
Isasayaw lang siya pero sign na daw iyon. Paano nalang pala kung maling tao makakasayaw niya, edi mabugbog pa siya kung ikakasal na sila.

Napailing-iling nalang ako.

Iba talaga ang mindset ng mga kababaihan. Minsan sa sobrang pagkaiba'y hindi na sila maitindihan.
Nagpalipas nga kami ng gabi sa campsite. Hindi ako makatulog buong magdamag kaya ang ending, binabantayan ko ang kasama ko sa pagtulog niya. Hindi tuloy-tuloy ang pagtulog niya dahil minsa'y napapansin kong parang binabangungot siya kaya nagigising rin tapos matutulog ulit.

Nang mag alas-dos y medya ay hindi na nakayanan ng mata ko at nakaidlip ngunit paggising ko'y wala na akong kasama sa tent. Napabuntong-hininga nalang ako.
Ba't ang hilg-hilig magtago niya sa umaga. Aswang ba siya't mukhang takot na takot mabilad ng araw sa umaga. Pero hindi ko naman siya pwedeng husgahan agad sapagkat baka'y hindi talaga siya lumalabas ng umaga.

Inayos ko na ang sarili ko pati narin mga gamit ko bago tuluyang umuwi ng hotel. Nang makarating ako sa aking unit ay agad na akong naligo. Nakatapis pa ako ng twalya sa bewang pababa ng marinig ko ang door bell na tumutunog. Napatingin ako doon bago napagdesisyonan buksan.

"Yes?"

"Sorry for disturbance, nandito ako para ibahagi ang pinadalang invitations para sa iyo."

"Thank you."

Agad kong binasa ang invitations. So, it's all about the engagement party of Zephyrine Lewis. It's a formal party. Napaisip-isip, what if I can go with her? Can I invite her?  Hindi naman siguro masamang inbitahin ko siya hindi ba?

MIDNIGHT LOVE #3: Midnight SkyWhere stories live. Discover now