Umiling ako sa lahat ng nasasabi niya. I continued copying her work while she continued telling me a bit of a story about her ideal guy.

Syempre ako ay puro oo lang kasi puno ang utak ko hanggang ngayon. Maraming mga estudyanteng napapadaan sa magkabilang gilid. May iba rin na panay ang kwentuhan kaya maingay ngayon dito sa kung saan kami nakapwesto.

All courses are here. Pati iyong mga tourism ay nandito rin siguro dahil tapos na rin ang kani-kanilang mga klase. Lunch time naman na kasi.

"Psst. Si Four, paparating," dinig kong bulong niya sa akin. My insides panicked a bit. Madalian kong sinarado iyong notebook niya at binigay na iyon sa kanya.

"Thank you, ha? Na-copy ko na lahat hehe." Napapahiya akong tumayo saka nilagay rin sa bag iyong akin.

Sa sobrang alerto ko ay madalian kong napalitan iyong nagmamadali kong ekspresyon. I stood up and she did the same thing. Sinukbit ko ang shoulder bag saka inayos ng kaunti ang nagulong buhok sa sobrang pangongopya.

Tsk. Iba ang dulot.

"Hi, Four! Hi, Dos! Tapos na klase?" my classmate greeted them. 

"Yup, tapos na. Nakakain ka na ba, Alaine? Sabay na raw kayo ni Four. Naghahanap ng kasama kasi, eh ayoko namang magmukhang thirdwheel sa inyong dalawa kaya ikaw na lang," bungad sa akin ni Dos.

Humarap ako sa kanilang dalawa. After a long tiring hour of attending classes, he still looks so fresh and fine. Na parang walang kahirap-hirap lahat ng subjects sa kanya. Na parang halos lahat ay madali lang. 

The tpypical Four.

Nakaakbay ito kay Four ngayon. It's so satisfying to see them both wearing their respective uniforms. Wala lang. Mangha na ako dati sa uniporme ng kanilang kurso. Even my course's uniform looks so satisfying, too.

"Kung free ka lang naman, ah? Pero alam ko free ka talaga, eh. Sabay ka na sa'kin, ha? Para naman hindi masyadong bwisit ang araw ko." Four's piercing eyes went to Dos. Umakto itong parang pinoprotektahan ang sarili sa kung anong ibig sabihin ni Four.

"Tss. Bakit ba? Nabanggit lang naman kanina ni sir iyong Thessalonica kaya bakit parang... apektado ka?"

"Uy, grabe! You're talking about Neeca ba? Iyong girlfriend dati ni Four?" my classmate interrupted them. Dos almost shushed her.

Parang mas lalo akong nanahimik doon. Mula kanina ay hindi naman ako nakasagot kay Four dito. I have no idea about that thing at hindi ko rin naman kilala iyong Neeca na sinasabi nila.

Dahil ba sa nagra-rhyme ang pangalan niya sa salitang 'Thessalonica'?

"Kita ko siya kanina! She's out with her friends. Baka papunta para sa lunch din kaya—"

"Alam mo ikaw miss, pwede kitang turuan kung paano manahimik saglit. Pakiramdam mo makakailan kaya tayo ng session?" Dos asked jokingly, grinning widely at my classmate who is now glaring at him.

"Tss. Suportado mo pa nga silang dalawa dati kaya bakit parang ngayon, ayaw na? Che! Plastik mo naman, Dos. Nagta-talk lang ako rito about kay Neeca. As if naman makakaapekto iyan kay Four?"

I looked at Four. Maaliwalas ang mukha ko saka nginitian siya ng kaunti. I still remained silent while he looks at me now in a serious manner.

"Saka alis na ako. Pinacopy ko lang ng sagot si Alaine sa Accounting. Bye na, Dos! Nawa'y araw-araw kang pagpalain sa kabutihang dulot mo," she ended her sentence. Nagpaalam na rin ito sa akin na isang simpleng tango lang din ang isinagot ko.

"Free ka?" he asked me after. Doon bumalik sa katotohanan ang isip ko.

Bitbit ko pa rin ang bag, umambang kunin iyon sa akin pero madalian kong nilayo na. Pansin iyon ni Dos kaya bago pa ito mag-assume ng kung anong rason, inunahan ko na.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now