2

38 1 0
                                    

Gabi. Halos hindi ako makatulog dahil sa ingay na naririnig mula sa kabilang kwarto. Umuupa lang ako at sagot iyon lahat ni tita. Siya kasi ang nagpapaaral sa akin.

Tinakip ko ang unan sa tenga ko pero dinig na dinig ko pa rin. Mukhang magbabarkada yata dahil bukod sa impit na mga sigaw, dinig ko rin ang ingay ng mga bote.

Nag-iinuman sila rito.

Napabuntong hininga na lang ako saka napaupo sa kama. Kinuha ko ang jacket sa cabinet saka lumabas ng kwarto upang dumiretso sa malapit na convenience store.

11:30 na. The lights on the streets are too bright, still revealing the beauty of the wide city. Marami pa ring mga tao ang narito kung kaya't parang walang kapaguran lahat sa paglakad. Though there are too much lights, it doesn't stop me from admiring the city where I am in.

Pumasok ako sa loob nang walang ekspresyon saka dumiretso sa fridge nila. Kinuha ko iyong Mountain Dew na nasa bottle saka isang Chuckie. Pagkatapos ay dumampot din ako ng sandwich saka binayaran lahat sa counter.

Unang gabi, unang istorbo sa buhay. Siguro kapag nagpatuloy ang ganoon, ganito rin ang kahihinatnan ko gabi-gabi. I will always end up spending my 11:30 here inside the convenience store. Ang awkward lang kasi may iba pang mga tao rito. To think that I am still wearing my loose shirt and pajamas.

Nilapag ko iyong cellphone sa tabi saka nilaghok ang softdrinks, sinabayan ng pagkain ng sandwich. I stared only at the blank wall while silently counting the time. At siguro nga ganito ang kapalaran ko ngayong gabi.

I've decided to at least stay here for only an hour o 'di kaya ay kapag napanatag na akong bumalik roon sa bh. Hindi ko na lang pinansin ang nag-iingayan sa paligid.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ako dati na mag-aral dito. Parang 50-50 kumbaga. Nangangarap tapos ayokong humantong sa kung anong kinahantungan ngayon.

Okay lang as long as alam ko namang ginagawa ko ang best ko. I don't need to complain about anything. Dito ko naman gustong mag-aral saka isa pa, include naman ang paghihirap.

As a student, of course, every success has a deep experience  behind it. Sobrang lalim na iyong nakikita ng ibang tao ay ang success lang mismo, hindi ang pinaghirapan.

Okay, relax lang, Rai. Wala pang class pero mukhang stressed na ako.

I took a big bite of the sandwich. Ilang minuto pa ay mayroon nang umupo sa tapat ko. Since walang nakaupo roon at hindi ako bulag, nagulat ako sa presensya ng lalaking nakasabay ko sa clinic.

Katulad ko, nakasuot din siya ng jacket tapos ang shirt, may pangalan pa ng school. Nakatsinelas at nakasumbrero habang binubuksan iyong tubig at burger na binili rin.

Teka. Malapit lang ba bahay niya rito?

"Uy, good eve! Sabay ako, ah?" Napahinto ako sa pagnguya habang nalilito ang nagiging tingin sa kanya.

Kagat-kagat niya iyong patty habang napapapikit sa sarap niyon. Parang nagunaw ang mundo ng agaran sa ginagawa niya at para akong nanonood ng kung ano rito.

Live show ng pag kain niya. This scene of him while eating burger in front of me is just so... awkward for me.

"Oh? Tulala ka sis, ah?" He snapped his finger in front of me. "Nakakatulala ba masyado mukha ko sa kalagitnaan ng gabi? O baka want mo ng burger? Bilhan kita?"

I gasped for an air after he said that. Mukha ba akong nagugutom? Talagang kalagitnaan ng gabi?

"Ha?"

"Ay, gusto mo ng hotdog? Sandali lang, bilhan kita." Akma itong tatayo na para siguro bilhin ang inakalang gusto ko pero pinigilan ko ito.

"Teka lang, wala naman akong sinabing bili ka ng hotdog, ah?" kontra ko. He only brushed his hair smoothly and put my hand on the table instead as he put his hand also on top of it.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now