Tumingin siya sa gawi ni Sofia at ng makitang may kausap ito ay hindi niya na ito inabala pa lalo pa at ang kausap nito ay ang customer nila.

Napanguso siya ng hindi niya magawang makaupo at aalis na sana sa lamesang yun pero naramdaman niya ang pag-angat niya dahilan para makaupo na siya sa upuan na gusto niyang upuan.

Napatingin siya sa di niya kilalang lalaki na walang ibang bumuhat sa kanya.

Taas ang isang kilay ang ginawa niya sa lalaki ng umupo ito sa harap niya. Natawa naman ang lalaki dahil sa ginawa ni Leanne ng pagtaasan ito ng isang kilay.

"Ikaw po ba ang nagbuhat sa'kin?" Mataray niyang tanong sa kaharap na lalaki. Nagiging mataray siya sa mga taong hindi niya kilala. Susubukan niya kung hanggang saan ang pasensya nito sa kanya. At isa ito sa itinuro ng kanyang ina. Maaaring may mga taong mabait sa umpisa pero kalaunan nailalabas ang masamang ugali. Kaya niya naisipan ang magtaray kahit magaan naman ang pakiramdam niya sa harap ng lalaki.

"Yes?" Natatawang patanong na sabi sakanya ng lalaki.

Imbes na magtaray ulit si Leanne ay bigla niyang nginitian ang lalaki. Ramdam niya ang kabaitan ng lalaki.

"Thank you." Nakangiti niyang sabi sa lalaki.

"Leanne? Tayo na at may customer, cutie." Biglang dumating si Sofia na ikinalungkot naman ni Leanne. Gusto niyang makasama ang lalaki. At ngayon lang siya nagkakaganito sa ibang tao. Magaan ang pakiramdam niya sa lalaki at ganun din ang lalaki sa kanya.

At ng mapansin ng lalaki ang lungkot sa mukha ni Leanne ay inawat niya kaagad si Sofia na pababain ito.

"No. It's okay." Pagpipigil niya kay Sofia na siyang ginawa niyang hayaan si Leanne dun at kinuha na lang ang order ng lalaki.

Umalis si Sofia ng makuha ang order ng lalaki.

"Ikaw ba ang papa ko?" Natigil ang lalaki ng biglang sabihin ni Leanne yun sakanya.

"W-what?" Gulat at utal na di makapaniwalang sabi niya.

"Sana ikaw nalang si papa." Nakangiti bagkus ay nababasa ng lalaki ang lungkot na nasa mga mata nito.

"Why? Where's your papa, then?"

"Hindi niya po alam na nabubuhay ako sa mundong ito. Hindi niya po ako kilala." Kung kanina ay nakangiti si Leanne, ngayon ay hindi na. Mababakasan na ang lungkot sa kanyang mukha.

Bigla namang kinabahan ang lalaki dahil biglang lumungkot ang bata.

"Fuck. This is my fault." Mura niya at nag-iisip kung ano ang pwedeng gawin para sumaya ang bata.

"Wag po kayong magmura, bad po yun." Pagsasaway sakanya ng bata na ikinatigil ng lalaki.

"I-im sorry." Paghingi niya ng paumanhin na hindi niya alam kung paano niya ginawa.

Dumating na ang order niya na hinintay na muna niyang mabawasan ang init bago sumipsip ng konti.

"Nasaan nga pala ang mama mo?" Pag iiba ng lalaki ng usapan.

"Nagpapahinga po sa loob." Unti-unti namang ngumiti si Leanne ng maalala ang mama niya.

"Your dad... I'm sure he loves you-"

"Pag nakilala niya daw ako, mamahalin niya ako higit pa sa pagmamahal niya sa sarili niya, sabi ni mama. Ayaw lang ni mama ipaalam sa kanya kasi baka kunin niya ako mula kay mama." Memoryado niya ang sinabi sakanya ng ina niya.

'Ang gago naman ng ama mo para di ka niya kilalanin...' Sabi ng lalaki sa isipan dahil ayaw niyang mapamura ito sa harap ng bata. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng konting kaligayahan simula ng makita niya si Leanne. Na umabot na sa puntong gusto niyang nakawin at ilagay sa puder niya ang bata.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now