CHAPTER 20: GANG FIGHT

Start from the beginning
                                    

"Seryoso ka Authumn?!"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Amp*cha!" At napamura si Minz dahil talagang hindi nagbibiro si Authumn sa sinabi niya.

Agad namang nagsi-react itong mga ka-klase ko at yung iba naman ay inaasar si Quichie na sobrang pula ng mukha at nagi-iwas ng tingin sa amin at kay Authumn.

"Naks naman!"

"Tang*na! Sanaol!"

"Gag*! Ang tapang umamin kay crush!"

"When kaya?!"

"Sana all!"

"Pinanganak lang ba ako dito sa mundo para lang kiligin sa iba?!"

Natahimik kaming lahat at napatingin kay Dylan dahil sa sinabi ni Minz.

"Sanaol! When kayang may aamin?!"

Umiwas lang ng tingin si Dylan sa amin at namula ng bahagya ang kanyang tenga.

At natanggal nanaman po ang angas ni Dylan!

"Malapit na daw Minz! Natrapik lang daw!" Malokong sabi ni Zack kaya nagsitawanan kami.

"Sige mars, section ruby, balik na kami sa room namin." Paalam ni Sunny. "Sige. Sabay-sabay tayong mag-recess mamaya." Sabi ni Minz at tumango naman silang tatlo.

Lumabas na sila sa room namin at saktong dumating naman si sir. Umayos na kami ng upo at nakinig sa lesson ni sir.

Maya-maya lang ay tumunog na ang bell hudyat ng recess namin. Inayos na namin ang mga gamit namin at sabay-sabay na lumabas.

Papasok na sana kami sa canteen ng bigla kaming napatigil dahil sa mga bulungan ng mga estudyante dito.

"Gosh! Totoo bang may laban ang section ruby mamaya sa Hyndrx Underground?"

"Ewan ko! Kahit ako nga ay nagtatanong."

"Bakit kaya sila hinamon ng Pynx Gang?"

"Baka kinantilya nila."

"Baliw! Hindi kakantilyain sila ng mga section ruby kung wala silang ginawa sa section ruby!"

"Oo nga! Pero bakit parang ngayon lang ulit sila makikipag-gang fight?"

"Malay ko! Baka tumigil na sila."

"G*ga! Baka nakakalimutan mo na sila ang pinaka-mataas sa gang!"

"Malay mo umiiwas na!"

Bigla nalang naglakad si Minz papasok ng canteen kaya sumumod nalang kami sa kanya.

Hayst...

Sana hindi magtanong si Minz tungkol dun.







Kean/Andrei POV

Umupo na kaming lahat at saktong kakadating lang din nila Summer. Umupo narin sila at nag-order na sila Shan, Tristan, at Xymon.

"Ano yung Hyndrx Underground?"

Napatingin kaming lahat kay Minz dahil sa tanong niya. Inosente lang siyang nakatingin samin na halatang inaantay ang sasabihin namin.

Tsk. Tsk. Tsk.

"Lugar kung saan nagaganap ang gang fight ng mga gangsters."

Gulat naman kaming napatingin kay Dylan dahil sa sagot niya kay Minz. Nakita ko namang napatango-tango si Minz.

Haysst...

"Eh teka, gangster kayo?" Gulat na tanong niya samin. Lihim akong napangiwi dahil sa reaksyon niya.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now