CHAPTER 12: SHE, AGAIN?

69 4 0
                                    

Third Person POV

Nang nakarating na sila sa lugar ni Lowi ay agad na nagsibaba sila sa kani-kanilang sasakyan.

Naglakad sila papasok sa lugar nila Lowi at nakita nila si Harold na bugbog sarado at puno ng dugo ang kanyang mukha.

"Pupunta pala kayo rito, Section ruby? Bakit hindi man lang kayo nagsabi ng makapaghanda ako."

Nakuyom nila Dylan at Xymon ang kanilang kamay. Nakangisi na parang aso si Lowi sa section ruby.

"Ano bang ginawa ni Harold at kinantilya niyo siya, hah?!"

Galit na tanong ni Xymon at nanliliksik na ang kanyang mata sa galit.

"Well, binugbog lang naman niya ang bata ko dahil inagaw niya ang syota ng bata ko!"

"T-tang*ina mo. K-kahit k-kailan hindi a-ako ng a-agaw ng syota ng i-iba." Hirap na sabi ni Harold. Ngumisi naman ng malaki si Lowi dahil sa asar.

"Hindi?! Eh, nakita nga namin kayo na naglalambingan?!"

"G-gag*! H-hindi niyo b-ba alam na m-may gusto sakin a-ang syota ng b-bata mo?!"

"Tang*ina mo!"

Sinipa ng malakas si Harold ng bata ni Lowi. Ito ang nobyo ng babaeng may gusto kay Harold. Napaubo naman si Harold ng dugo.

Naalarma ang section ruby kaya sumugod na sila at pinagsusuntok ang mga bata ni Lowi.

Si Dylan at Lowi naman ang magkalaban. Puro sipa, suntok, tadyak at sapak ang nangyari.

Sila Xymon, Shan at Vance naman ay tinulungan si Harold. Nahihirapang tumayo si Harold dahil bugbog ang kanyang hita kaya inakbay sila ni Xymon at Shan.

Sinuntok ni Dylan si Lowi at mero'on pang isa na sumuntok sa kanya dahilan para mapahiga siya sa sahig.

Natigilan naman si Dylan at natulala dahil nakita niya na naman ang babaeng itim lahat ng suot.

Hindi siya pinansin ng babae at lumapit lang siya sa bata ni Lowi na kaaway ngayon ni Kai.

Hinila niya ito at sinuntok sa panga. Dumagan pa siya rito at pinaulanan ng suntok.

Lahat sila ay natigilan at natulala dahil sa ginawa ng babae. Nang makuntento na siya ay umalis na siya sa pagkakaibabaw niya rito at tinignan ang iba.

"Umalis na kayo."

Para silang na estatwa dahil sa malamig na sabi ng babae. Napabuntong hininga ang babae kahit na may takip ang kanyang mukha.

"Alis na, section ruby."

Mas lalong na-estatwa ang mga section ruby dahil sila pala ang tinutukoy ng babae.

'Sino siya?' 'Bakit kilala niya kami?' 'Bakit siya nandito?' mga tanong nila sa isip nila.

"Alis na!" Nataranta ang lahat dahil sa malamig na sigaw ng babae. Sinenyasan naman ni Dylan ang section ruby na sumibat na.

Naiwan ang grupo nila Lowi. Tinignan niya si Lowi na namumutla na nakatingin sa kanya.

"Sa susunod na banatan ninyo ang section ruby, mabubuwag na ang grupo ninyo."

Umalis na ang babae at iniwan niya ang grupo ni Lowi na tulala.

Hanggang sa nakarating na sila sa mansion ni Dylan, parang wala sila sa mga sarili nila.

Umupo silang lahat sa sala ni Dylan. Hinilot ni Dylan ang kanyang sentido dahil nagpakita na naman sa kanila ang babaeng nakaitim.

"Sa tingin niyo? Sino kaya siya?" Out of the blue na tanong ni Tristan na hanggang ngayon ay tulala parin.

"Ewan ko. Ang sabi niya lang satin ay siya daw si Dangerous." Tulalang sabi ni Shan.

"Hindi kaya, kilala lang natin siya?" Tanong ni Xymon. "Oo nga noh! Kase di'ba, kilala niya tayo. I mean yung section ruby nabanggit niya kanina." Sagot naman ni Zack.

"I see her eyes."

"Napatingin silang lahat kay Dyla. "Really? What color is her eyes?" Vien ask in a curious tone. "It's color ash grey." Sagot ni Dylan na mas lalo pa silang na-curious.

"Hindi kaya si Minz yon?"

Lahat sila ay natigilan dahil sa sinabi ni Jerome. "Pa'no mo nasabi?" Curious na tanong ni Kai. "Wala lang. Hula lang." Agad siyang nakatanggap ng batok mula kay Shan.

"N*mo, dre."

"Imposible. Iba ang kulay ng mata ni ate." 

Napatingin sila kay Quichie na nakahalumbaba na tila nagiisip ng malalim. "Bakit? Ano ba kulay ng mata niya?" Tanong ni Zack.

"It's chocolate brown."

Natahimik sila sa sagot ni Dylan. Kahit sila nakita na ang mata ni Minz sa malapitan.

"Hayy! Inaantok na'ko. Tulog na ako." Sabi ni Jerome at pumunta na sa guest room ng bahay ni Dylan.

Tumango naman si Dylan at umakyat na. Ang iba naman ay pumunta na rin sa mga guest room at natulog.



Minz POV

"Alis na'ko, kuya, nak!" Paalam ko at tumakbo na papunta sa motor ko. Sinuot ko muna ang helmet at pinaandar na ang makina.

Mabilis kong pinaandar ang motor dahil late na ako. Oo, late na ako ng 5 minutes at hindi ko alam kung may teacher na pumasok sa classroom namin o wala.

Pagkarating ko sa school ay agad kong pinarada ang motor ko at tinanggal ang suot kong helmet.

Kinuha ko ang susi ng motor at patakbong pumunta sa building. Pagkarating ko sa building ay tinakbo ko ang hagdan papunta sa classroom namin.

Pagkarating na pagkarating ko sa classroom namin ay natigilan silang lahat ng makita nila akong hinihingal na nakahawak sa pintuan namin.

May mga nakanganga pa, mga natigil sa pagbabatuhan, mga natigil sa pag-iingay at napatigil din sa pagtakbo.

Hinihingal akong pumunta sa upuan ko at pabagsak akong umupo. "May humahabol bang tikbalang sayo, ate?" Tanong ni Quichie.

Tikbalang amp!

Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil naghahabol pa ako ng hininga. May tubig na nakalahad sa harapan ko kaya tinignan ko kung kanino yon galing at si Danth pala ang nagbigay.

"Salamat." Mabilis kong sabi at kunuha yung tubig. Agad ko iyon bunuksan at nilagok. Pagkatapos kong lagok-in ang tubig ay huminga muna ako ng malamin at binatukan si Quichie.

"Aray!"

"SIraulo ka! Anong tikbalang pinagsasabi mo?! Tumakbo ako papunta rito dahil late na ako!" Sigaw ko na ikina-peace sign niya lang.

"Sorry naman hehehe." Hindi ko nalang iyon pinansin at dumukdok nalang ako sa desk ko. 

"Minz."

Inangat ko ang ulo ko at tinignan kung sino ang tumawag sakin at si Jerome lang pala. "Ano yun?" Tanong ko. "Tingin ka nga sakin ng diretso." Utos niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?" 

"Basta."

Sinunod ko nalang ang sabi niya at tinignan ko siya sa mata. Kulay black ang mata niya. Kumunot ang noo niya kaya kinunotan ko rin siya ng noo.

"So hindi nga ikaw?"

Mas lalong nakunot ang noo ko dahil sa mahinang sinabi niya pero rinig ko naman. "Ano?" Tanong ko. Ngumiti lang siya ng bahagya at umiling. "Wala. Ang sabi ko, ang panget ng mata mo." At nagsi-tawanan silang lahat.

Lang'ya!

"Sasapakin kita, Jerome!" Banta ko pero tinawanan niya lang ako.

Pero ano yung sinabi niyang hindi nga ako?

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now