CHAPTER 20: GANG FIGHT

Start from the beginning
                                    

(Otor: May problema ka? *Tinaas ang isang kilay.)

H-hehehe. W-wala otor, wala. Hayst, back to the story na nga! Pumasok na si Minz kaya napatingin ako kaagad kay Dylan.

Nuks! At talagang sinundan pa talaga niya ng tingin ah?!

Umupo na siya sa upuan niya at maya-maya lang ay may kumatok sa pinto.

*Tok! *Tok!

Lahat kami ay napatingin sa pinto at nakita namin ang tatlong babae na nakatayo at nakangiti habang nakasilip dito.

Sila Summer, Sunny at Authumn.

"Three seasons! Pasok kayo!"

Tumawa kami dahil sa tawag ni Minz sa kanila. Nakasimangot naman silang pumasok dito sa classroom namin.

"Kainis ka, mars!" Ngumiti at nag-peace lang siya kay Sunny. "Anong kailangan niyo at naparito kayo?" Tanong niya sa kanila.

"Wala naman. Magpapasalamat lang kami sa inyo sa pagtulong niyo samin sa project."

Agad ko namang tinignan si Jerome at nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

Sus! May pa-pigil ngiti pa siyang nalalaman. Psh!

"Ano ba kayo girls! Wala yun." Nakangiting sabi ni Shan at umakbay kay Xymon. "Oo nga. Magkakaibigan kaya tayo." Sang-ayon naman ni Chris at ikinailing ni Minz.

"Talaga bang 'kaibigan' ang turing ng tatlo jan sa tatlong panahon na ito?"

Agad na nanlaki ang mga mata nila Quichie, Jerome at Vince nang dahil sa sinabi ni Minz.

Nadale mo, Minz!

Kaming lahat naman ay nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa tatlo.

"Pfft..."

"Actually tama si Minz. Pfft..."

"Hahaha!"

"Oho! Oho!"

"Eherm!"

"Sino kaya yon? Ehem!"

"P-psh! T-tumigil ka nga Minz! T-talangang m-magkakaibigan naman tayong lahat ah?" Utal na sabi ni Sunny pero ang kanyang pisngi ay namumula.

Achuchu!

"Ows! Talaga?! Kaibigan lang?! Hindi ka-ibigan?!" Asar ni Minz kaya tumawa na kami. "O-oo nga Minz. Atsaka t-tumigil ka na nga sa panga-asar." Nahihiyang saway ni Summer sa kanya at namumula na rin ang kanyang pisngi.

"Basta ako may gusto ako dito."

Gulat kaming napatingin kay Authumn ng dahil sa sinabi niya. Kahit si Minz ay nanlaki rin ang kanyang mata habang nakatingin kay Authumn.

At sino naman sa amin?

"Tapang! Kaya mong sabihin kung sino?" Manghang sabi ni Minz habang nakangisi pa kay Authumn. Ngumisi din si Autumn kay Minz at nagcross arm.

"Si Quchie yung gusto ko."

Lahat kami ay nalaglag ang panga dahil sa pag-amin ni Authumn. Tinignan naman namin si Quichie at mas lalong nalaglag ang panga namin dahil namumula ang kanyang tenga at mukha.

Tang*na?!!

"G-gag*?! Niloloko lang kita Authumn! Ba't umamin ka talaga?!" Gulat na gulat na sabi ni Minz. "Tss. Malay ko ba atsaka para walang umagaw." At tuluyang nalaglag si Minz sa kanyang inuupuan.

"Aray!"

Agad na tumayo at pumunta sa pwesto ni Minz sila Dylan, Vien at Tristan para tulungang itayo si Minz.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)On viuen les histories. Descobreix ara