PROLOGUE

1.2K 57 19
                                    

PROLOGUE

"Who are you exactly?" mariing tanong niya sa pagitan ng kanyang paghinga. Isang maling galaw ko lang ay tiyak na magtatagpo ang aming mga labi.

Pigil na pigil kong huminga. Iniiwasan kong magtagpo ang aming mga mata. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga, lalo na't sobrang lapit ng aming mga mukha. Bahagya siyang nakayuko dahil sa katangkaran niya.

"Ako 'to, Boss. Si Lyra," nakangiwing sagot ko. Sinundan ko iyon ng bahagyang tawa.

He clenched his jaw. Lalo akong nilukob ng takot at kaba. Alam ko naman kung ano'ng ibig sabihin ng tanong niya. Pero paano ko naman sasabihin sa kanya na galing ako sa kabilang mundo? Tiyak na hindi siya maniniwala. Baka mapagkamalan niya akong baliw o baka lalo siyang magalit sa 'kin.

"I'm not asking about your name!" mariin niyang tugon, pilit na hinuhuli ang mga mata ko. Kung hindi lang talaga ako takot sa lalaking 'to, kanina ko pa siya hinalikan. Pero baka biglang niya akong ibalibag sa pader.

"Uhm..." Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang pagkataranta.

"Who are you? What are you? Why do you know so much about me? Why do you know about my past? Why do you always take my words out of my mouth?" sunod-sunod niyang tanong. Namumula na ang kanyang leeg.

Siyempre, memorize ko ang kuwento ng buhay mo. Paano ko naman hindi malalaman ang nakaraan mo? Pati dialogues mo nga memorize ko. Gusto ko sanang isagot iyon sa kanya. Isang taon ko rin kaya siyang pinagpantasyan sa imagination ko. Hindi ko lang akalain makakaharap ko talaga siya. Higit sa lahat, nahahawakan ko pa siya. Hindi siya fictional character, totoo talaga siya!

"Look at me, Lyra!" matigas niyang bigkas na halos ikaigtad ko.

Wala akong ibang naitugon kundi ang manahimik. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya, na hindi ako kabilang sa mundong 'to. Hindi ko rin alam kung paano ako makakaalis dito. Siguro kailangan munang matapos ang kuwento at magkaroon sila ng happy ending ng female lead. Pero baka pumuti na ang buhok ko at magka-wrinkles hindi mangyayari 'yon. Anino pa lang niya baka tumakbo na 'yong bidang babae.

"I said, look at me!"

Halos mapatalon ako sa gulat. Marahan akong tumingala para magtagpo ang aming mga paningin. Kitang-kita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata. Pero halos maduling na ako sa lapit ng aming mga mukha.

"Bo...Boss, hindi ko naman kasi alam kung paano kayo sasagutin," mahinang tugon ko.

Bahagya siyang lumayo pero nakaharang pa rin siya sa katawan ko. Napahilot siya sa kanyang sentido. He looks frustrated. Gano'n pa man, hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya. Mula sa makakapal niyang kilay, malalim na pares ng mga mata, at matangos na ilong. Akmang-akma talaga ang description ng author sa libro.

Napalunok ako nang mapadako ang mga mata ko sa kanyang mga labi. Natural na mapupula ang mga iyon. Kay sarap halikan. Kaya lang baka magising na lang akong kaharap ko na si San Pedro.

"I know you are plotting something against me. Kaya marami kang alam tungkol sa 'kin. I just can't figure out how you were able to dig even the trivial details about me," halos pabulong niyang sabi. Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang mga daliri.

Ako naman ang napasapo sa noo. Napagbintangan pa akong may binabalak sa kanyang masama. Sa dami ng naitulong ko sa kanya, naisip pa niya 'yon?

"I got you investigated, but I didn't find any information about you. You must be working for someone else to stage your fake identity. Just tell me who you are, and I will spare your life," banta niya sabay hawak sa panga ko. Napangiwi na naman ako.

"Tell me who you are and who's behind you!" malakulog niyang bigkas.

Nahigit ko ang aking hininga. Dito na yata talaga ako mamamatay.

"Wala akong balak na masama sa inyo, Boss."

Something na masarap, meron pa.

"Liar!"

Napangiwi ako. Kasalanan talaga ng author kung bakit ganito ang ugali ng lalaking 'to. Makaalis lang ako sa mundong 'to, bubunutin ko lahat ng buhok niya sa katawan gamit ang tiyane.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. "Tell me, what else do you know about me?"

"Alam kong nanaginip ka tungkol sa Mommy mo noong isang gabi," pabulong kong sagot. Pero sa talas ng pandinig niya ay nakarating yata iyon sa tainga niya.

Napabitaw siya sa akin at rumihestro ang gulat sa kanyang mga mata.

"Ho...How did you know—" he stuttered, almost in awe.

Humalikipkip ako't sumandal sa pader saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Gulat na gulat pa rin siyang nakatingin sa akin.

"Virgin pa kayo, Boss. Never been touched, never been kissed," untag ko sabay kindat. Nakita kong unting-unting namula ang kanyang magkabilang pisngi at tainga.

"You—!" duro niya sa 'kin.

Napahagikhik ako.

"Noong tinanggap mo 'yong award para sa Outstanding Business Leaders noong nakaraang taon, nagmadali kayong umuwi imbes na maki-party kasi baliktad 'yong brief n'yo," pagpapatuloy ko na ikinalaglag ng kanyang panga.

"What the hell are you talking about?" nanggagalaiting bulalas niya habang nakaduro pa rin sa 'kin. Namumula na rin pati ang kanyang leeg.

Ngumiti ako nang nakaloloko sabay hagod ulit ng tingin sa kanya. Naalala ko pa ang eksenang 'yon. Tawang-tawa ako noong mabasa ko. Sino ang mag-aakalang nagkakamali rin pala ang isang kagaya niyang perfectionist. Neat-freak pa naman siya kaya noong na-realize niyang may mali sa suot niya ay umuwi siya kaagad pagkatapos ng awarding. Atlas hates even the slightest discomfort.

"Sus, idi-deny n'yo pa ba, Boss? Alam ko ring—"

"Stop!" he almost shouted. Habol niya ang kanyang hininga habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Sino ka ba talaga?"

Bigla akong napaayos ng tayo dahil nagliliyab na ang kanyang mga mata.

"Ah...Sasabihin ko po sa inyo pero sa isang kondisyon," untag ko.

Kinunutan niya ako. Inginuso ko naman ang inihanda kong mga susuutin niya para sa pagpasok niya mamaya.

Pink na polo. Pink na necktie. Pink na medyas. Mas maganda sana kung may pink din na sinturon kaso wala akong nahanap, eh.

"What the hell!"

Napamura siya nang mapagtanto niya ang ibig kong sabihin.

"Get this woman out of here!"

Dumagundong ang kanyang boses sa buong kabahayan.

Prince Atlas Villegas might be mighty and domineering, but he hates pink in all levels.

"Teka...Teka, ano'ng masama sa pink, Boss? Paborito 'yan ng tatay ng pinsan ng ex-girlfriend ng kapitbahay ko—"

"Out!" duro niya sa pinto.

Wala pang ilang segundo ay nagsipasukan na ang mga guard at hinila ako palabas.

©GREATFAIRY

The Mischievous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon