Ano bang ginawa sa akin ni Jander at nahulog ako ng sobra? Ang gulo kasi. Wala naman siyang ginawa kung hindi ay ang itaboy ako sa kaniya. Ang saktan ako sa pamamagitan ng paghalik sa iba..




Patuloy lang ako sa pagkanta hanggang sa matapos ko 'to..




"Please don't take him even though you can.. Jolene, Jolene.." tinigil ko ang pagkanta't pagtugtog ng matapos ang kanta.




Pinunanasan ko ang mga luhang tumakas sa mata ko bago tuluyang humarap sa kanila.

Lahat sila nakanganga sa akin at si Peter biglang pumalakpak at nagsipalakpakan ang lahat. Si Jander lang hindi..




So he's not impressed with me?


"Wow. Kinsley... I didn't know na may ganyan ka palang talent." Ngumiti lang ako at bumalik sa kinauupuan ko.




"You're not good at it." Bulong niya sa akin at natawa ng mahina.




Sinamaan ko siya ng tingin. "You're weird.I don't know what kind of puzzle you have... I can't solve it."




"That's why you can't have me." Nakapoker face siya't tumayo. Siya naman ang tinawag ni Sir.




"He's not for you, Kinsley." sabat naman ng kalapit ko.




Inirapan ko't 'di na lang pinansin. Hindi pwede.. kahit konting atensyon lang mula sa kaniya gusto ko. Pero Kinsley, pinapansin ka naman niya ah? Atensyon na 'yun diba? Pero hindi eh... yung pagmamahal na atensyon ang hinahanap ko sa kaniya.


Kahit 'yun lang naman.


Tae Kinsley, bawal drama diba? Dapat always happy!




"He's your ex. 'Di ka pa rin ba kuntento?" 'di ko pa rin pinapansin si Peter sa tabi ko.




Tinitigan ko lang si Jander na busy i-adjust ang tono ng gitara na nandon.. And he started singing. Waaah nakakakilig naman ang boses niya.

Rubiks Heart [Completed]Where stories live. Discover now