"Family? Anong family? Ah breed ko? Hindi ko alam eh. Siberian Husky?"

"I'm asking about your family, who is your Alpha?"

"Anong alpha? Alpha Omega pain killer?"

"Ang gulo mo kausap! Taga saan ka ba?"

"Taga Maynila. Nagbakasyon lang ako dito sa Isabela. Teka, bakit ba ang dami mo tanong? First time ko lang maging Werewolf kaya wala akong alam sa sinasabi mo!"

"First time? You just turned 18?"

"Of course not! Graduate na ko noh? Saka may trabaho na ako. Nag vacation leave lang ako para mamasyal dito."

"First transformation mo tapos hindi ka 18? May kumagat ba sa'yo?"

"Meron pero bata pa ako noon. Nilagyan nga ng nanay ko ng garlic eh."

"What?"

"Garlic! Hindi ba kapag kinagat ka ng aso, huhugasan ng sabon at lalagyan garlic? Hindi uso ang anti rabies vaccine noon."

Kitang kita ko na mas lalong kumislap ang kulay asul nitong mata. Sigurado ako na hindi natutuwa ang Werewolf sa harapan ko sa mga sinasabi ko.

"Ang tanong ko, may kumagat ba sa'yo recently? Did someone make you as their Mate?"

"Oy excuse me! Walang akong boyfriend, walang kumakagat sa akin! Saka anong Mate sinasabi mo? Bastos ka ah? Alam ko bastos ibig sabihin ng mating season. Kangkang season 'yon."

"Interesting case," maikling sagot ng Werewolf na tila pinag-aaralan ang sinasabi ko.

"May iba pa bang doggy dito? First time ko kasi, may orientation ba tayo?"

"Ako lang ang Werewolf dito."

"Ah ganun ba? O sige iwan na kita ah? Nice meeting you, my new doggy friend."

Sinubukan ko umalis pero humarang na naman ito sa dinadaanan ko. Mukhang ayaw akong paalisin ng Werewolf na ito.

"You mentioned that you have no family. It means you're a Lone Wolf."

"Lone wolf? Sorry 'di ko gets, pero oo wala ako kasama. Loner ako."

"Do you know that a Lone Wolf will not transform back to their human form? They will be stuck in their Werewolf form for the rest of their lives?"

Napatingin ako sa dambuhalang Werewolf sa harapan ko at bigla akong nagpanic sa sinabi niya. Ang sabi ni Sir Joe, I will transform into a Werewolf but he did not mention about being human again. Bigla akong kinabahan na parang sasabog ang dibdib ko.

Paano kung doggy form na ko forever? Paano na si Cascade? Paano na si ako?

Pakiramdam ko ay nagdilim ang paningin ko at bago ko pa masagot ang lahat ng katanungan ko ay nawalan na ako ng malay. Pagmulat ko ng mata ay hindi na ako isang Werewolf. Nagbalik na ako sa anyong tao. Napabalikwas ako ng bangon nang mapansin ko na nakasuot ako ng isang white na t-shirt pero walang kahit anong suot na panloob.

Inikot ko ang paningin ko at napansin ko na nasa loob ako ng isang tent. Meron din campfire na may nilulutong steak. Napalunok ako sa bango ng amoy at sa sarap ng hitsura ng steak. Kukuha sana ako ng pagkain dahil gutom na rin ako nang bigla akong mapaatras nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa 'di kalayuan at nakatingin sa kawalan.

Matangkad ito at malaki ang katawan. Lumaki ang mata ko nang naaninag ko ang buhok nito. Kulay silvery white at may pointed ears na parang lobo. Ang braso nito ay nababalutan ng fur at ang kamay naman ay may paws.

Mukhang itong half man at half wolf.

Mas lalo akong napa-atras nang tumingin ito sa akin. Kulay asul ang mata nito tulad ng Werewolf na nakita ko kanina. Kahit nasa ganitong anyo ito, hindi ko maikakaila na magandang lalaki ito.

"You're awake. You must be famished. Do you want to eat?" tanong nito gamit ang kanyang boses.

Tumango lang ako sa kanya ng paulit-ulit dahil gutom na talaga ako. Lumakad ito palapit sa akin, pero unti unting nagbago ang kanyang anyo. Mula sa kanyang half man half wolf form ay naging ganap itong lalaki.

Napansinghap ako nang tinamaan ng sinag ng buwan ang mukha niya. Para itong isang artista at modelo sa kanyang hitsura. Pumunta ito sa tent niya at pagbalik ay nakasuot na ito ng short. Inabot niya sa akin ang isang plato na may steak at grilled potatoes.

"Thank you. Hindi naman siguro tao itong kinakain natin noh?" tanong ko sa kanya.

"That is an A5 Wagyu Beef Steak. And to answer your question, hindi kumakain ng tao ng Werewolf."

"Talaga?"

"Well, it depends on our mood," nakangisi na sagot nito.

Sigurado ako na bastos ang iniisip niya. Sinimulan ko kainin ang steak at napapikit ako sa sobrang yummy ng pagkain. Sobrang lambot ng meat at hindi na kailangan pa na nguyain.

"Grabe, ang sarap nito. Salamat ah? Anong name mo?" tanong ko sa lalaki sabay kain naman ng grilled potatoes.

"Traevon. How about you?"

"Caelen San Rafael. Office girl ako sa Manila, Werewolf sa gabi. Anong last name mo?"

"Eriksson."

"Traevon Eriksson, nice name, parang artista. Bakit nga pala dalawa ang Werewolf form mo?"

"I am the Alpha of the Eriksson Family. Are you sure na wala kang Werewolf family?"

"Wala nga! Bago lang ako sa Werewolf world."

Mabilis ko ipinaliwanag kay Traevon ang mga panaginip ko at kung paano ako napadpad dito. Mukhang hindi siya makapaniwala sa case ko dahil isa daw akong Lone Wolf, pero nakabalik daw ako sa human form ko.

"Bihira ang mga Werewolf dito sa Pilipinas. Karamihan ay nasa North America at sa Northern European countries. I am just curious why you became a Werewolf. It is forbidden to turn any human into a Werewolf unless we are going to take them as Mate."

"Sigurado ako na walang kumagat sa akin, pero paano kung may nag-inject sa akin ng Werewolf blood? Paano kung nahawa ako mula sa blood transfusion? Shit, paano kung magkaroon ng Werewolf apocalypse?"

"Walang ganun. Kumain ka na nga lang. Mukhang gutom ka at sabaw pa ang utak mo."

Pagkatapos ko kumain ng steak ay naglabas si Traevon ng dalawang beer para sa aming dalawa. Para kaming nasa hiking pero ang sarap ng mga pagkain.

"Teka, Traevon. Nasaan ba tayo?"

"Northern Sierra Madre National Park. In Werewolf form, it will take hours before you reach your house. If you will just walk from here, it will take you days. And you said you just walked for a few hours to get here?"

"Oo nga, around 10PM ako umalis sa bayan tapos nagkita tayo mga past twelve pagkatapos ng transformation ko."

"Are you sure you are not related to the Grayson Family of Alaska who knows how to teleport? But even if you are related to them, you are not even the Direct Heir. May bagong anak ba ang Thirteenth Alpha? But that is not possible, my mother is still the Direct Heir of the Thirteenth Alpha," sabi nito na tila kinakausap ang sarili.

"Jargon, Traevon. Hindi ko alam ang mga Werewolf terms na sinasabi mo. Again, paano tayo babalik sa bayan?"

"A chopper can pick me up here. Ewan ko lang sa'yo kung paano ka makakauwi."

"Huy, akala ko ba frenny tayo? Iiwan mo ko dito?"

"I will be staying here for few more days. Sa isang araw pa darating ang sundo ko. Do you want to join me here?"

Tumango lang ako sa kanya. Dahil sa liwanag ng buwan, kitang kita ko ang napakalawak na kagubatan na nakapalibot sa amin. Hindi ako sigurado kung araw ang aabutin ko para makalabas ng buhay dito. Pakiramdam ko nga ay uubos ako ng buwan.

Mas okay na ang may kasamang pogi na Werewolf sa kawalan.

Teach Me How To AlphaМесто, где живут истории. Откройте их для себя