Ang kilala ko lang sa grupo nila ay si Calcifer na nakasama ko na sa swimming workshops dati. Kabilang din sa kanila ang class president namin na si Elcid. But Adea and Davion seems to be closer. Ang madalas kong makitang kasama ni Elcid ay yung sikat na babaeng kabatch ni Cal.

"Solace, ikaw? Tapos ka na?"

Nahawi ang tingin ko nang ako naman ang lapitan ng nangongolekta ng answer sheets. "Yeah, I passed na rin.."

Sa katunayan ay dumaan pa ko sa canteen pagkagaling sa faculty kani-kanina lang. I was buying refreshments for myself when I thought of buying an extra bottle.

Hawak ko sa kanang kamay ang inumin. Balak kong ibigay doon sa Davion kasabay ng pagsaoli sa papael niya. Tutal ay niligtas ako ng solutions nya sa disciplinary actions ng Daddy ay maigi nang magpasalamat.

Nang ibalik ko ang tingin sa locker area kung nasan ang dalawa kanina ay wala na si Adea. Si Davion na lang ang naabutan kong nakaupo sa bench habang nagsisintas ng sapatos. I shrugged and decided to walk towards him to get things done.

Umangat ang tingin niya sakin nang huminto ako sa harap niya.

"Here," tipid na wika ko sabay lahad ng papel niya.

His gaze dropped on the paper. He looks puzzled so I filled him in. "Your solution paper in Kumon."

It looks like he got what I said. Though he still seems lost as he turn his eyes on me.

"Nagku-Kumon ka rin?" kaswal na tanong niya na animo'y hindi man lang ako naaalala o namumukhaan.

"Yeah.. since I was bata pa," tugon ko. His brow subtly arched so I can't help but do the same in curiosity. "Bakit?"

Tipid siyang umiling.

"Ganiyan ka ba talaga magsalita? Ang arte.." aniya sa blangkong tono. 

Imbes na maoffend ay nanatiling nakaangat ang kilay ko. Hindi na 'ko nagulat dahil alam kong iyon ang first impression sakin ng karamihan. Ngunit siya ang unang taong direktang nagsatinig noon. His frankness is rather amusing.

"Well... ikaw nga pangit ang sulat mo pero hindi ko naman pinakialaman,"

Napangisi siya.

"Pinahiram ka na nga, may reklamo ka pa... Ang arte talaga," he mocked amidst the curve on his lips.

"That's why I'm here nga eh, to say thank you, 'di ba?" umikot ang mata ko saka inabot ang drinks. "Salamat so much for letting me borrow your solution. Naintindihan ko naman somehow kahit pangit ang sulat,"

He still got the same expression as he shook his head in amusement.

"You're welcome ha?" sarkastikong wika niya nang tanggapin ang inumin.

Sa gilid ng mata ay natanaw ko ang papabalik na si Adea. Her eyes were on the ground as she fixes her ponytail. Mukhang galing ito sa restroom. Bago ko pa mamalayan ay wala na si Davion sa harap ko. Pinanood ko ang pagsalubong niya kay Adea.

"Tara na?" ani Adea. "Daan tayong cafeteria, nauuhaw ako."

Davion's every move was as natural as how the sun illuminates the moon. Inangat niya ang binigay kong inumin upang ialok kay Adea at walang pagdadalawang isip naman itong tinanggap ng huli. There was something intangible in their connection that fascinates me. Everything about them seems to complement each other really well.

Nag-iwas ako ng tingin. I wish to have that kind of friendship. A friendship with such compatibility.

Dalawang oras ang PE namin ngunit may lunch break sa pagitan. Everyone huddled towards the side of the gym where our things are as soon as the bell rang. Ang ilan ay agad na lumabas upang bumili ng pagkain.

FidelityWhere stories live. Discover now