Tumingin ako sa harap ko na kung saan nandun ang bahay naming puno ng ala-ala naming magpamilya. Kahit na maliit lang ang bahay namin ay malaki naman ang mga nagawa naming ala-alang magpamilya sa bahay na ito. Ang bahay na ito ay pinaghirapan ni tatay, maganda ang aming bahay ngunit sa pagtagal ng panahon ay unti-unti itong lumuluma at ang bubong namin ay may mga butas na din, dahilan kung bakit may laging tulo sa loob sa tuwing umuulan.

Pero patuloy pa din ang bahay na ito na lumalaban dahil nandito pa kami ni nanay. Hindi siya sumusuko. Katulad namin ni nanay.

Binuksan ko ang pinto naming luma at maliit. At bumungad sa'kin ang kakaibang katahimikan sa loob ng bahay.

"Hayy. Si nanay talaga ang hilig na matulog. Hindi na lumalabas ng bahay." Sabi ko ng mahina at inilapag sa mesa ang dala ko at dahan-dahang nagpunta sa kwarto ni nanay. Pero ng bubuksan ko na yun ay may biglang nagsalita.

"Esther!" Napalingon ako sa labas ng pintuan namin ng sumigaw ang kapitbahay naming si Aling Nora.

Ang kamay kong nasa hamba na ng pintuan ng kwarto ni nanay para buksan ay kinuha ko at ibinaling ang atensyon kay Aling Nora na nagtatakang nakatingin sakin.

"Bakit po?" Tanong ko sakanya ng nakangiti na mas lalong ikinakunot ng noo niya sakin. "Ano po bang tingin yan? Aling Nora?"

"H-hija? P-paano mo nakuhang n-ngumiti, ngayong w-wala na ang n-nanay mo?" Utal niyang sabi na para bang kasalanan ko kung bakit wala sa bahay ngayon si nanay.

"Baka nandun po sa ospital, dinala ata ni Pingkay." Nakangiti ko pa ding sabi. At sa hindi malamanang dahilan, may tumulong isang butil na luha sa mata ko dahil sa nararamdaman kong hindi ko maipaliwanag.

"Esther... Wala na si Pingkay at ang nanay mo-"

"A-ano? N-nagbibiro ho ata kayo e. Aling Nora naman, hindi ngayon joke time. A-ano po ba k-kayo." Ang ngiti ko sakanya ay nahaluan na ng luha, kung kanina isang butil lamang ng luha ang pumatak, ngayon ay sunod-sunod na.

"Patay na ang nanay mo, hija... Nailibing na siya nung isang araw dahil walang kahit isang pamilya ang dumalo. Sinubukan naming tawagan ka o kaya ay si Pingkay ngunit hindi namin alam kung anong mga numero niyo sa telepono. Akala namin ay nag abroad ka... Inaabangan kita dito araw-araw na nagbabakasakaling pumunta ka ngunit ngayon lang kita nakita dito... Nasa tabi ako ng nanay mo ng bawian siya ng buhay... Pinakiusapan niya ang doctor na manahimik sa kalagayan niyang cancer. Malalang malala na daw... Kaya bumitaw siya... Nagmatigas ang doktor ngunit pinilit ng nanay mong pirmahan ang papel na nagsasaad na walang kahit na sinuman ang madadamay sa mga doktor kung sakaling bawian ito. Este, pasensiya ka na."

Hinayaan ko siyang magsalita hanggang sa umalis na siya ng walang makuhang sagot sakin at siguro ay napansin niyang gusto kong mapag-isa.

Nanginginig ang tuhod kong hinakbang ang mga paa ko patungo sa kwarto niga ngunit ang paglalakad kong yun ay umabot na sa puntong napaluhod ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni nanay dahil sa panlalambot nito.

"N-nay..." Pinikit ko ang mata ko kasunod ng paghagulgol ko habang nakayuko at pilit na pinapalakas ang sarili para makatayo at tuluyan ng makapasok sa malinis na kwarto ng nanay.

"N-nay... W-wag namang g-ganito..." Kinuha ko ang nag-iisang litrato naming magpamilya at yinakap yun kasabay ng pag-upo ko sa kama ng nanay.

"Pvtangina naman. Wala nga ako sa tabi mo pero di ko naman nagawang mabigyan ka ng maayos na libing. Nay, ba't naman kasi nang-iwan ka..." Nanghihinang sabi ko habang umiiyak sa kanyang kama.

"N-nay... Sinabihan kitang m-magpagaling ka... Bakit ka sumuko? I-ikaw na nga yung nagsabi na wag sumuko kung gaano man kahirap ang buhay..." Nasundan yun ng malakas na hagulgol ko sa loob  ng kwarto ni nanay.

Ngayong wala na akong kasama, wala na si nanay na siyang tanging natitira na lang sakin para pagkuhanan ko ng lakas. Wala ng dahilan para manatili pa ako sa mundong 'to...

Ang pinaghirapan ko ay napunta sa wala.

Isa-isang nawawala sakin ang mga taong mahal ko. Hiniling ko naman na maging maayos ang lahat pero bakit isa-isa ng nawawala yung mga taong mahal ko? Alam ko namang malaking pagkakamali yung nagawa ko pero sapat na ba yun para iwan ako ng lahat? Minsan na nga akong maging masaya pero bakit binawi agad? Bakit parang ang dali at bilis naman? Bakit pa kasi ako nabuhay kung ganito lang pala yung mararamdaman ko? Kung dito hahantong ang lahat? Sana di na lang. Bakit pa kasi ako nabuhay...

"N-nay... A-alam niyo po bang pumunta ako dito para kumuha ng lakas at para hindi ako sumuko? P-pero, nay... Ng dumating ako at nalaman ko ang lahat, nay... Sukong-suko na ako. Lahat kayo ay umalis sakin. Wala na akong makakapitan, nalulunod na ako nay na gusto ko ng sumuko..." Iyak na sabi ko na para bang nadidito pa siya at nasa harap ko habang pinapakinggan ang lahat ng problema ko pero wala. Wala na e.

Mas lalo akong napaiyak ng mapansin ang mga nangyayari sa'kin nitong mga nagdaang araw. Ba't ngayon pa?

"Pero nay... Hinding-hindi ko yun gagawin. Kung ako, wala ng makakapitan. May kumakapit naman sakin na siyang nagpapalakas ng loob ko na wag sumuko." Kausap ko kay nanay na para bang nandidito siya ngayon at nakikinig sakin. Pero alam kong nakikinig siya ngayon galing sa lugar na kung saan ay malaya na siya.

Napahawak ako sa tiyan ko kung saan nandun ang kumakapit sakin. Sa mga nangyayari sakin nitong nakaraang araw, kagabi ko lang naalala kung bakit nagkakaganun ako bigla. Dahil may isang biyayang  anghel na palang natutulog sa sinapupunan ko.

Siya ang magpapalakas ng loob ko. Siya ang magiging dahilan kung bakit hindi ako susuko sa buhay dahil nandiyan siya. Siya ang magiging dahilan kung bakit hindi ako bibitaw dahil kapag bibitaw ako, bibitaw din siya. Ayokong pati pa 'to ay mawala sa'kin. Ayoko na. Quota na ako sa sakit. Tama na. Ito na lang yung natitirang alam kong magbabago ng buhay ko.

Hinalikan ko ang litratong hawak ko bago ko isauli sa lalagyan ng mahagip ko ang isang kahon na ngayon ko lang nakita, katabi ng litrato namin.

Kinuha ko ang kahon at dahan-dahang binuksan yun. Ng mabuksan ay tumambad sakin ang isang papel na may lamang sulat.

Anak... Maging masaya ka sa kung ano ka man ngayon... Alam kong nagpapakahirap ka para maipagamot ako. Kaya tinago ko ang sakit ko para wag ka ng mahirapan... Ayaw kitang nahihirapan dahil mahal kita. Malulungkot si nanay kapag nakikita niya ang anak niyang nahihirapan at nalulungkot. Gusto kong masaya ka palagi anak... Wag kang magalit sa mga taong tumulong sakin na itago itong sakit ko... At wag ka din sanang magalit sakin kung iiwan kita.. Gusto ko na din makasama ang tatay mo, kaya magpapahinga na ako... Alagaan mo ang sarili mo... Ang perang iniwan ko sayo ay ipon ko yan simula ng mawala ang tatay mo. Gamitin mo yan para matupad ang pangarap mo at sa pangkabuhayan mo... Mahal na mahal kita, anak...

-Nanay.

Kinuha ko ang nasa ilalim ng sulat at binuksan iyon. Napatakip ako sa bibig ko ng makita kung gaano kalaki ang perang iniwan sakin ni nanay.







End of chapter twenty...

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now