At dahil nakikitulog lang ako dito kay Kate ay ako na ang naghain at pinaupo ko na lang siya sa upuan at hinatayin na matapos akong maghain.

"Pasensya ka na sa baso-"

"Ayos lang yun. Ano ka ba." Pagpuputol niya sa iba ko pang sasabihin bago siya muling sumubo.

Ngumiti lang ako sakanya ng tipid ng may maramdamang kakaiba sa katawan ko. Na isinantabi ko muna dahil may kakailanganin pa akong gagawin.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Kate at kakatapos ko lang na maligo habang nakatapis ng tuwalya habang siya ay may kinuha sa cabinet at inilapag sa kama.

"Mamili ka diyan ng susuotin mo-"

Hindi ko na siya pinatapos at yinakap ko siya bigla ng patalikod.

"Maraming salamat..." Sabi ko sakanya habang iniisip ang mga kabutihang ginawa niya sakin.

"Wala lang yun, Este... At para mapanatag ka, isipin mo na lang na bumabawi ako sa kasalanan ko sayo noon..."

"Salamat..." Isang mahigpit na yakap muna ang ibinigay ko sakanya bago ko siya pakawalan at kumuha na ng hindi sexy na damit na inilapag niya sa kama.

Ng matapos akong magbihis sa loob ng banyo ay humarap ako sa malaking salamin na kitang-kita kung paano ako nagkaroon ng malalim na eyebags.

Napahawak ako sa puso ko habang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Liam...

Hinihiling ko na sana isang panaginip ang lahat ng nangyari kagabi kahit sa parteng hinapit at hinalikan lang ni Liam ang ina ng anak niyang isang anghel na ngayon. Kahit yun lang sana ay isang panaginip.

Kasalanan ko naman kung bakit nasasaktan ako ngayon. Kung sana hindi ko na lang tinanggap ang binigay na alok sa'kin ni tita. Na kung sana hindi ko nagawa ang magsinungaling. Na kung sana hindi ko hinayaan ang puso kong mahulog sakanya kung hindi naman pala ako masasalo. Na kung sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

Ngunit parang ako talaga ang mali. Sinalo niya ako nung nahulog ako, binitawan niya lang ng malamang madumi at basura ako.

Kahit kailan ay hindi ko pagsisihan na nakilala at minahal ko siya at hayaang angkinin ako ng paulit-ulit. Walang masama kung ang taong pinagtutuunan mo ng pansin ay ang taong laman ng puso't isipan mo. Worth it ang magmahal ng tulad niya. Karapat-dapat siyang mahalin. Ako ang hindi.

Mahigpit ang naging hawak ko sa damit kong nasa bandang dibdib ko ng manlabo ang paningin ko. Pinikit ko ang mga mata at huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili para mawala ang kung anuman 'tong nararamdaman ko...

"Esther?! Ayos ka lang ba diyan?!" Sigaw mula sa labas ni Kate habang kinakatok ang pinto.

"A-ayos lang a-ako." Sagot ko sakanya.

Iminulat ko ang mga mata ko ng kumalma ang pakiramdam ko at bumalik na sa dati ang pananaw ko at hindi na nanlalabo.

Lumabas ako ng banyo ng matapos kong ayusin ang sarili ko.

"Ano? Tara na?" Tanong ni Kate sakin na nasa pinto at pinapaikot-ikot niya sa kanyang kamay ang susi ng kotse niya.

"Tara."

---

Nakangiti ako ng dumating sa bahay naming maliit habang may dalang pasalubong kay nanay na binili namin kanina ni Kate sa Jollibee.

"Aalis na ako ahh. May kailangan pa akong puntahan." Nakadungaw niyang sabi sa'kin sa loob ng kotse niya.

"Sige salamat, Kate." Nakangiti kong sabi sakanya bago siya sumilbato at pinaandar na paalis ang kotse.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now