Saglit

390 5 2
                                    

Ang mga usapang naisulat dito ay kathang isip lamang. Pinapaalalahanan ko din kayo na kung ano ang mababasa niyo dito ay mananatili dito. Ito ay gawa ng isang Krim Stix. Wag po sana natin ikalat kung saan saan. Ang magkakalat ay kakalabitin ni St. Theresia.
Salamat. Happy reading💜

Italicized words are music lyrics
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Malayo man ang distansya
Di man marinig ang boses mong aking nakasanayan
Pipikit nalang muna at papakalingin ang mga mata sakaka luha"

Ipinikit ko ang aking mga mata inaalala ang mga maliligayang araw na kasama ko si Sasa. Kakatapos lang ng phonecall namin pero tila ba isang dekada kong hindi narinig ang boses niya. Naluha ako ng maisip ko na ito na pala yung huli naming pag uusap. Tapos na ang laban naming dalawa. At wala manlang akong nagawa.

"Sa? Namimiss ka na namin ng mga bata. We cleaned Jillian's whole apartment today." Kwento ko sa kanya pero parang ang tahimik ng kabilang linya.

"Lens I think we should stop this. Pagod na ako." Tila tumigil ako sa pag hinga ng marinig ko ang sinabi niya.

"Sa, wala na ba talaga? Kung pagod ka na pahinga lang muna tayo. Diba sabi natin walang bibitaw?" Naiiyak kong tugon sa kanya.

"Lens ayoko na pagod na pagod na ako. Mahal kita pero ang sakit. Ang sakit kasi hindi natin magagawa o nagagawa yung mga kadalasang ginagawa ng magkasintahan. Gusto ko isigaw na mahal kita. Gusto ko lumabas in public na magkasama tayong dalawa na malayang nag hahalikan, nag aakbayan at higit sa lahat nag hahawakan ng kamay without thinking twice. Gusto kong maranasan yon Lens at alam kong hindi ko mararanasan yun kung hindi kita bibitawan." Naiiyak niyang sumbat sa akin. Bakit parang kasalanan ko? Pareho naming pinasok ito pero parang magisa siyang lalabas.

"Kung yan ang gusto mo wala akong magagawa. Ipinangako ko sayo na ibibigay ko ang lahat ng gusto mo sa abot ng aking makakaya mapasaya ka lang."

Huminga ako ng malalim bago sabihin sa kanya ang mga katagang

"Salamat sa saglit Sa. Hinding hindi ako magsisisi na hindi ka na sakin. Kung bukas man lilingon ako alam kong ngingiti ako kasi minsan ka ng naging akin. Masakit man magpalaya wala akong magagawa. Doon ako kung saan ka sasaya at kung itong hinihiling mo ang makapagpapasaya sayo. Salamat sa saglit na pagmamahal Sa."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at ibinaba ko na kaagad ang linya dahil parang sasabog ang puso ko sa sakit. Gusto kong maiyak pero alam kong maapektuhan ang mga bata kaya itinago ko nalang.

Sasa's POV

Ganun lang kadali sa kanya yung bumitaw. Hindi manlang ipinaglaban kung ano ang meron kami.

"Ma tito's here."

Bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses ni Ianna sa labas ng pintuan.

"Sige anak pababa na ako."

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. I made sure na maaliwalas ang mukha ko.

"Hey, are you ready?"
Tanong ni Jerome sakin ng makababa ako ng hagdan.
ngiti lang ang tangi kong naitugon.

Weeks passed at nakauwi na si Malens galing London.
Nag plano ang buong Tropang Angat for a welcome party. Hindi na sana ako pupunta kaso baka mahalata nila na hindi kami magka ayos ni Malens kaya kahit masakit ay napilitan ako. I was already on my 5th bottle of San Mig light ng dumating siya together with her kids.

"Kumusta kayo guys?"
Parang ayoko lumingon ng marinig ko ang boses niya. Ang sakit parin pala.

"Tita sen!"

Rinig kong sigaw ng panganay niyang anak.

"Grabe tita ang ganda ng Hamilton I wish you were there kasama namin."

Bungad niya sakin abot mata ang ngiti. Ngumiti naman ako bago magsalita

"Nako alam mo namang kailangan kong magbuhat ng senado anak"

Natawa kaming pareho sa sinabi ko.

"Sen you're here pala! Halika may ipapakilala ako sayo."

Bago pa man ako makatanggi ay hinatak na ni Malens ang kamay ko.

"Sen si Kiel, Kiel si Sen Sasa."

Natawa naman ako kasi akala ko kung sino ang ipapakilala niya sakin.

"Malens I already knew him, nakalimutan mo na ba?"

Sabay hampas ng mahina sa kanyang braso.

"Yes you knew him as my PSG pero today ipinapakilala ko sayo si Kiel as my boyfriend."

Ngiti niyang tugon. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Agad akong lumabas ng venue para sana umuwi na pero bago pa ako makapasok ng kotse ko ay may humigit ng kamay ko.

"Diba ang sakit?"

Naluha ako wala na akong pake kung maiyak ako sa harap niya.

"Punyeta kaya ba ganun lang kadali sayo bumitaw?"

Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Eh sayo? Kaya ba ganun ka kapilit bumitaw kasi ikakasal ka na?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Wala akong maisumbat pabalik dahil iyon ang totoo. Ikakasal ako sa taong hindi ko naman ginustong maikasal.

"Bitaw na Sa, ayokong masaktan ka. Hanggan dito nalang kung ano man ang meron tayo. Magpakasaya ka sa kanya. Nandito lang ako sa isang tabi." Sambit niya sabay bitaw ng kamay ko.

"Salamat sa saglit. Salamat sa sakit. Ako'y di magsisisi kahit di ka na sa akin. Kung bukas man ako ay lilingon. Makikita sa tabi na minsang sandali kang naging akin."

MágoaWhere stories live. Discover now