Nang makadama siya ng ginaw ay si Seb na ang nagpasyang umahon sila. Parang mga batang nagbo-blow the candle sila nang isa-isa nilang hipan ang sindi ng lampara. Nang damputin niya ang isa ay pinigilan siya ni Seb.

"Hayaan mo nang mga iyan. Bukas ko na lang liligpitin. Wala namang kukuha niyan."

Magkahawak-kamay nilang tinungo ang kotse. Pinatay ni Seb ang headlights at saka siya nito inaya sa beach house nito.

"Magbabanlaw lang ako," paalam nito sa kanya. "Feel at home."

Mas malaki ang beach house nina Seb. Tatlo ang kuwarto at maluwang ang sala at kusina. Nakatambak pa roon ang ibang gamit na pinaggamitan sa kasal. Hindi naman siya nainip at bumalik na si Seb. May dala pa itong tuwalya na iniabot sa kanya.

"Ibalabal mo sa katawan mo. Nakalimutan kong ikaw nga pala ang giniginaw. Minadali ko na tuloy ang paliligo."

Lumipat na sila sa kabilang beach house. Nakabantay si Seb sa kusina habang nasa banyo siya. Nang mamalayan nito ang pagbubukas niya ng pinto ay kaagad itong tumayo.

"Inaantok ka na ba?" he asked.

"Medyo. Nakakaantok din pala ang maligo sa dagat. Para akong minasahe ng alon."

Napatango na lang si Seb.

"Bakit mo tinatanong?" aniya dito.

Ngumiti ito. "Gusto ko sana magkuwentuhan pa tayo."

"Seb." Natanaw niya ang kumot at unan nito. Maayos pa iyong nakapatong sa isang sofa'ng kawayan. "Dito ka matutulog?" she wanted to sound casual but her voice gave otherwise. Nahalata roon ang isang uri ng pagkailang at antisipasyon.

Lumuwang ang ngiti nito. "Hindi ba, nasanay na akong dito natutulog?"

Napalunok siya. "Pero—"

Kinabig siya ng binata pahapit sa katawan nito. "If you're going to ask me, ang pipiliin ko siyempre ay ang makatabi kang matulog," banayad na sabi nito pero may kislap ng pananabik ang mga mata. At nang makita ang pamimilog ng mga mata niya ay agad nitong dinugtungan ang sinasabi. "But I don't want to frighten you. What happened today is more than something. I don't want to rush you, baby."

She felt a doze of relief. Nang maupo sila sa mahabang sofa at magkatabi pa rin sila. Yumakap siya sa bewang nito.

"Seb, to be honest, I want you beside me. Always. Pero parang mas tama ka, that we should not rush things. Let's just savor every moment of what's happening between us."

Hinaplos ni Sebastian ang mukha niya at magaan siyang hinalikan.

Minsan pa, gumapang ang masarap na guhit ng sensasyon sa buong likod niya. The feeling was indescribable. To say that it felt amazingly delicious was an understatement. Pero kung ano man ang akmang salita ay hindi pa niya napag-iisipan.

"I love you, Seb," she whispered.

He looked at her intently. He looked pleased and delightful. Pagkuwa ay muling tinawid ang distansya ng kanilang mga mukha at hinagkan siya.

Ilang sandali pa silang nagkuwentuhan. Ngunit dahil inaantok na nga siya ay hindi na niya napigil ang sunud-sunod na paghikab. Nagpaalam na rin siya kay Seb na matutulog na.

Inihatid siya ni Seb hanggang sa pintuan ng kuwarto niya. There, he kissed her once more.

"Good night, darling."

"Good night."

"And Adrienne, don't forget to lock your door. Please."

Napatango na lang siya.

Nang ipinid niya ang pinto ay parang gusto uli niyang buksan iyon. Parang milya-milya ang naging layo nila ni Seb sa isa't isa sa pagkakasarang iyon ng kanyang pinto. Pero sa halip ay sumampa na siya sa kanyang kama.

Nanghihingi na ng tulog ang katawan niya subalit tila ayaw pa ng kanyang diwa. Niyakap niya ang isang unan. She wished it were Seb. At muli ay napatingin na naman siya sa nakapinid na pinto.

Kung gagawin niyang buksan iyon, she knew what would happen next. Nahimigan na niya iyon nang ibilin sa kanya ni Seb na ikandado niya ang pinto. At naalala niya ang katwiran nito. Much as he wanted them to be together, mahirap nang magpatangay nang husto sa nararamdaman nila.

At hinangaan niya si Seb sa desisyon nitong iyon. Napangiti siya. Damang-dama niya, lalo tuloy siyang na-in love dito.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To YouWhere stories live. Discover now