"Sino bang kaibigan mo, ako o si Jestoni? Kung maka-react ka akala mo kamag-anak mo iyo." Inis na rin ako.

"Bakit ba kasi kung sino pa ang hinahabol mo, andyan naman si Arruba. Take her back!"

"Simoun will never take Arruba, Axel John." Wika ni Judas. "Sa isip ni Azul, si Aruuba at si David na. David loves Arru, he just doesn't know it yet, Arruba cares for David. Sa tingin ko si Ate, may hung up na lang siya kay SP pero wala na siyang nararamdaman para sa kanya. Funny because, Arru is a psychologist and yet she doesn't know how to analyze her own feelings. Si Azul naman, mahal niya si Arruba but--"

"I'll move on if I see her finally happy with King David. If you'll ask me, David is the perfect match for her - wala nang iba. Hindi ako o ang ibang tao. If I want to take her back, I should've done it a long time ago, but I didn't. Dahil alam ko kung gaano kamahal ni King David si Arru and I don't want to be in the middle of them. " Mahinahong wika ko. Matagal ko nang dapat sinabi ang bagay na ito. Matagal ko naman nang hinihintay na maging opisyal si David at Arruba.

Nasasaktan pa rin ako, oo, pero mas masasaktan ko kung kasama ko siya pero hindi ko naman maibibigay ang gusto niya. Hindi si Arruba ang best para sa akin, she's way more than the best - she's perfect and I don't want her to be perfect but she is perfect - in every way, too perfect - kaya minahal ko siya pero ito rin ang mga bagay na dahilan kaya hindi kami pwede.

Hindi ko siya mapapsaya.

"Ano nga palang nangyari sa kapatid mo?" Tanong naman ni Judas. "Naalala ko sa kanya iyong mga posters ni Arruba sa kwarto niya. Si Audrey Hepburn. Ganoon ang datingan niya. Maganda iyong kapatid mo. She's fuckable. I wonder how my name would sound on her mouth." Nakangisi si Judas na para bang ini-imagine na niya ang magaganap sa kanila nI Hera. Napatango na lang ako.

"Oh, yes, you can fuck her, only if you're still alive after her husband, Hades Sanz Vejar kills you and put you to the underworld."

"Akala mo ba takot ako? I'm hotter than him. Hera will fall for sure. Saka ang manok mas madaling mahuli kapag tali na."

"Bahala ka sa buhay mo." Napailing na lang ako. I know that Judas is better than what other perceives him. Napatingin ako kay Axel na nakatitig lang sa akin.

"Ano?"

"Isipin mo si Jestoni." Sabi niya pa.

"Jestoni pa more!" Natatawang sabi ko. "Diyan na kayo, magbibihis ako. And please, use the key for emergency only!"

-------------

Iniwan ko sa bahay si Axel John at si Judas. Nagbihis lang ako at nilago pagkatapos ay ginamot ko ang mga galos ko. Habang nakaupo ako sa ka at inaayos ang mga sugat ko ay naalala ko ang mukha ni Hera nang sampalin ko siya. I felt guilty that I wanted to slap my own face. Nagi-guilty ako hindi dahil nasaktan ko siya kundi dahil sa naiisip ko kung anong sasabihin ni Apollo sa akin if ever she founds out. I shook my head. Tumayo agad ako noon at lumabas ng bahay. Agad akong nagpunta sa sementeryo para kausapin siya.

I brought her white lilies. Madalas na iyon ang ibinibigay ko sa kanya kapag nagkikita kaming dalawa. I went to her mausoleum and there, I realized that the gates were open. Mula sa loob ay lumabas ang bunso ni Apollo, si Ares Consunji, kasama niya ang asawa niya at ang dalawang taong gulang niyang anak.

"Ares..." Nakita kong hinawakan ng babae ang braso ni Ares. He looked at his wife and nodded. Kinuha ng babae ang kamay ng bata at saka ngumiti sa akin. Bathseeba - iyon ang alam kong pangalan ng asawa niya.

We stood there, waiting for the two women in his life to leave and when they finally did, nilapitan niya ako. I braced myself. Sariwa pa sa alaala ko nangyari nang araw na pinuntahan nila ako sa bahay. I have my gun with me now. Handa ako.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeWhere stories live. Discover now