HINDI TAYO PWEDE

29 0 0
                                    

"Magandang umaga, binibini", nakangiting usal ko sa babaeng nakasalubong ko. Siya si Kara, matagal ko na siyang gusto simula nong lumipat sila dito, ang sabi ng ibang kapitbahay namin galing raw silang syudad, sa Manila.

"Kilala ba kita?" Mataray na sagot nito sabay irap ng kaniyang mga mata. Kaya natawa ako ng mahina. "Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa tanong ko?" Mataray na usal nito.

"Ah, wala naman, ang cute mo kasi kahit nagtataray ka" sagot ko habang nakangiti, ng makita kong namula ang kaniyang pisnge ay mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti.

"Tse!" Usal niya at tumalikod na. Kaya tumuloy na rin akong maglakad habang pasulyap sulyap pa sakaniya, ng maalala kong may pinabili pala saaking mantika ay tumakbo na akong pauwi dahil baka mapagalitan na naman ako ni nanay.

Kinaumagahan ay nakasalubong ko na naman si Kara kaya napangiti na naman ako ng kusa at lumapit sakaniya, "Magandang umaga Kara" usal ko ng makalapit sakaniya, "Ako nga pala si David" pakilala ko at sumabay sakaniyang maglakad, "Magkalapit bahay lang tayo, hindi mo ba alam?" Tanong ko at tumingin sakaniya ng maramdaman kong sumulyap siya.

"Alam ko, pero 'di kita kilala" sagot niya saakin kaya ako naman napasulyap sakaniya, "Ilang buwan na kayong nandito 'di mo parin alam pangalan ko?" takang tanong ko sakaniya at nakita ko namang napairap siya kaya natawa ako, ng marinig niya ang tawa ko ay galit siyang napasulyap na naman saakin at nagsalita, "Pamilyar yang mukha mo dahil nadadaanan kitang nagdidilig sa bakuran niyo pag bumibili ako, 'di naman required na pati pangalan mo ay dapat alamin di ba?" May halong inis na sabi niya, at sumulyap sa daanan.

Maya-maya konte ay napasulyap na naman siya at napahinto pa kaya huminto rin ako at nagtatakang napatingin sakaniya.

"Bakit ka pala sumasabay saakin? Close ba tayo para magsabay tayong maglakad pauwi?" pagtataray na naman niya, ngunit ako ay nakaramdam ng hiya kaya napakamot ako sa gilid ng ulo ko, "Ah, eh, bawal bang sumabay? Tutal nadadaanan ko naman yong bahay niyo eh, tyaka lara maihatid na rin kita" nakangiti kong saad sakanya. Nang nagtuloy siyang maglakad at nagkibit balikat ay sumunod agad ako sakaniya.

Nang malapit na kami sa bahay nila ay pinigilan ko siya at gulat naman siyang napatingin saakin, "Bakit?" Usal nito, "May sasabihin lang sana ako" "Ano yon?" nagtatakang tanong nito. " Ah" paano ko ba sasabihin to, mahinang usal ko na satingin ko ay narinig niya, "Ano?" nawawalang pasensyang tanong niya ulit.

"P-pwede ba ako manligaw?" Nahihiyang tanong ko at nakita ko namang nagulat siya kaya agad agad akong nagsalita muli "Ah, eh, pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo, hehe" nahihiyang usal ko at nagpaalam na. "Sige Kara, baka hinahanap na ako" nagmamadaling paalam ko.

"Wait David!" usal nito bago pa ako tuluyang makalayo, at halata ko sa mukha niya ang pamumula ng kaniyang mga pisnge kaya di ko naiwasang napangiti. "Bakit?" Sagot ko bago pa ako mawala sa wisyo dahil sakaniya. "Uhmm, pwede naman" sagot niya, kaya napatulala ako ng ilang segundo at nanalalaking matang napatingin sakaniya ng diretso.

"A-anong ibig mong sabihin? Pwede akong manligaw ganon?" Gulat paring usal ko, ng makita kong napatango siya ay napatakbo akong napayakap sakanya at nagpasalamat. Nang maramdaman kong nagulat siya ay doon ko lang naisip kung ano yong ginawa ko, kaya humingi ako agad ng tawad at nagpasalamat muli at tuluyan ng umuwi na may ngiti saaking labi.

Nagdaan ang mga buwan ng panliligaw ko, sa bawat buwan na iyon lagi kaming masaya, walang araw na hindi namin nasusulit ang bawat oras na magkasa kami. Ngutin sabi nga nila ang kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan, at totoo nga iyon.

Sa nagdaang buwan akala ko ang pagiging mapayat niya ay normal lang, iyong tipong nag da-diet siya o nag e-ehirsiyo. Ngunit hindi pala, lubos kong ikinagulat nang malaman naming pareho na may sakit pala siya, hindi lang ang mundo niya ang gumuho, pati rin ang mundo ko naguho.

Tamang tao, Maling panahonWhere stories live. Discover now