"Oh. Sorry for that baby."

"Liam?"

"Yes baby?"

"Baby?" Tanong ko sakanya na gusto kong malaman kung mayron nga bang istorya sa likod nun o wala.

Taka akong tumingin sakanya ng mapahinto siya sa paglalakad na ikinahinto ko rin.

"Esther..."

"Bakit Liam?"

"We will talk about that later. But first, I want to show you my surprise." At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Namamalik-mata nga lang ba ako o totoo nga ba yung nakita kong lungkot sa mukha ni Liam?

Ang makita siyang malungkot ay hindi kaya ng sistema ko. Kailan ko pa ba aaminin na lahat ng sinasabi ko na ang mga sinasabi kong  namamalik-mata ay totoo? Ayaw kong sabihin na totoo ang mga nakikita ko sakanya dahil ayaw kong makaramdam ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko gustong malaman ang totoo na nakikita ko dahil hindi kayang tanggapin ng sarili, utak at puso ko ang katotohanan.

Pero ang mismo sarili ko ay alam ko ang totoo... Na nagsisinungaling ako sa buhay kung saan ako ngayon... Hindi ko gustong sabihin ang totoo dahil alam kong may masasaktan at may mang-iiwan. Hindi ko gustong may masaktan...

Pero kahit saang anggulo ilagay, may masasaktan at masasaktan din...

May tamang oras para sabihin ang totoo at hindi ngayon ang tamang oras na yun.

Papalapit kami ng papalapit sa pinupuntahan ay palakas ng palakas na nadidinig namin na tunog ng chopper.

"Ano yun?"

Hindi niya ako  sinagot bagkus ay pumunta siya sa likod ko at tinakpan ang mga mata ko ng mga kamay niya.

"Liam..." Inilalayan niya ako maglakad hanggang sa huminto kami. At ramdam ko na malapit lang sa amin ang chopper.

"Go." Sabi niya bago ko nadinig ang pagpatay ng tawag sa cellphone niya.

Ng bitawan ng kamay niya ang pakatakip sa mata ko ay ang siyang pagtingala ko sa langit ng may sumabog na fireworks sa taas. Hindi tulad ng kanina dahil  di nagtagal ay napoporma ito ng isang letra ngunit nagsunod-sunod yun.

I. L. O. V. E. Y. O. U.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa nasaksihan ko. Ang mga letrang lumalabas ay kay gandang tingnan. Lalo na't nasa ilalim ng magandang buwan.

Isa lang ang alam ko... Dahil sa saya at lambot na nararamdaman ko sa puso ko ay di ko mapigilan ang maluha.

"Liam..." Tiningnan ko siya at siyang pagkulong ng mga palad niya sa mukha ko at hinalikan ako na may mga ngiti sa mga labi.

"I love you..." Pinatong niya ang noo niya sa noo ko habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisnge habang halos magkadikit na ang aming katawan at nakahawak ang dalawa kong kamay sa leeg niya tsaka ko siya nginitian.

"I love you too..." Tinugonan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Don't leave me baby... Just stay by my side and that's enough. Love me the way I loved you was enough. Esther, I love you so much." Pinikit niya ang mata niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now