Chapter 36 ( Wide awake)

392 8 3
                                    

Hi guys! :") 

Enjoy reading..

-----------------------------------------------------------------------

Nikki(POV)

Minulat ko unti unti yung mga mata, mejo blurry pa. Puro puti at sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko yung nakikita ko. Nilibot ko yung mata ko sa buong kwarto.  

"NASAN AKO?"

Yan yung tanong ko sa sarili ko. tumingala ako, nakita kong may dextrose sinundan ko ng tingin kung san yun nakakabit. Di ko namalayang sa mga kamay ko pala nakadugtong..

"BAKIT AKO ANDITO?"

May pumasok na nurse sa kwarto ko, Nakangiti siya nung nakita niya kong napatingin ako sakanya. Bago ko pa siya tanungin kung anong ginagawa ko dun, tumakbo siya palabas. Narining kong tinatawag niya yung doctor.

"ANO BANG NANGYARE SAKIN?"

Bungad ko sa doctor na pumasok sa kwarto ko.

"Malalaman mo din mamaya." ang sabi niya sakin.

Pina-upo nila ako sa wheel chair. Dinala ako sa isang kwarto, Inexamin nila ko, Kung okay yung eyesight ko, hearing, at iba pa. Normal naman daw lahat pati mga vitals ko.

"Its nice to have you back Nikki" Sabi ng doctor ko habang nakangiti sakin.

Hindi ko na naitanong kung ano ba talaga yung nagyari sakin, dumating kasi si mommy, maluha-luha siya nung nakita niya ako. Miss na miss na raw niya ako.. 

Bakit? Kahapon lang nanunuod sila sa competition ah? Ngayon miss na niya ako?

Tinanong ko si mommy kung anong ginagawa ko dito, kaso dapat sasabihin niya kaso natigilan kami ng nakita namin si Ranz.

nasa may tapat ng kwarto ko. Kinakausap yung nurse.

Anong ginagawa niya dito? Hindi niya ko sinipot kahapon sa Competition! tss.. Pero mukhang gulat na gulat siya nung nakita niya ko, nilapitan niya ako agad. Kaso bakit ang weirdo ng tanong niya,

Sabi niya kung kilala ko pa daw siya? Bakit? Ano yun? Isang araw magkaka-amnesia ako? Di ko siya sinagot kasi galit padin ako sa hindi niya pagsipot. Kaya inaya ko nalang kagad si mommy sa loob, gusto ko munang magpahinga. Bukas ko nalang siguro itatanong yung nangyari..

----

Ang aga ko nagising kaso mas maaga yung mga dumalaw sakin. O_____O 

"Nikki! Ohhhmyyygosh! " Ang lakas ng boses ng bestfriend ko. -________- Ang OA. kasama nga pala niya si pat. inakap nila ko na para bang' ilang buwan ako nawala. Mga loka. >___<

"Ok ka na? Wala bang masakit?" madramang pagatatanong ng bestfriend ko. Haha. Like srsly, OA. :D

"Ano ba pinagsasabi mo? Nung isang araw magkakasama lang tayo diba? "

"Anong isang araw?" Ayy, makakalimutin si bea, sign of aging! HAHA.

"Yung competition, diba? " 

"Bwisit talaga si ranz!" *Pabulong* kaso ang narining ko lang eh yung RANZ.

"Bakit? anong meron kay ranz? Hindi siya pumunta nun diba?" 

"Girls." singit ni mommy.

"Ayy sorry tita, sige may bibilhin lang po kami ni pat sa baba. Maiwan na po namin kayo." sabay ngiti sakin habang nag we-Wave ng bBYE. 

Naguguluhan na talaga ako, hindi ko na to keri. kaylangan ko nang tanungin si mommy. 

"Mhie! ano ba talaga nangyari.." 

"Eh kasi anak...

blah blah blah...."

O________O

Na-comatose ako? AKO? NaCOMATOSE? 

nang mahigit apat na buwan?! Nahulog ako nung finale.. Di ko matandaan. Tsk. sumasakit yung ulo ko. -_________- Ang alam ko nakatulog ako? wait! NAKATULOG HABANG SUMASAYAW?!

Araw araw raw akong dinadalaw ni ranz dito, kaya pala ang daming patay na bulaklak. May nakita din akong board na puro stick notes..

"Wake up sleeping beauty. :) "

"Gumaling kana sana. :( "

" I miss you so much.."

"Im sorry for leaving you.."

" I need you now, please wake up as soon as possible."

" :( "

tsk. sumasakit yung ulo ko.. napahiga ako sa kama ko, habang tumitingin sa kisame. nagmumuni-muni..

Parang may kulang..

"Nikki bakit?" tanong ng mommy ko..

*sigh*

binaling ko yung tingin ko sa mommy ko habang ngumingiti.

"Mom, gusto ko mag camsur, natatandaan mo pa ba? 5 years old pa ata ako nung nakapunta tayo dun? " 

Di ko maipinta yung mukha ng mommy ko, bigla siyang umalis sa harapan ko. Ni hindi manlang sinagot yung tanong ko. -______- pfft. 

Gusto ko nang umuwi. Nabobored nako dito, pianglalaruan ko yung dulo ng buhok ko habang nakahiga. -______-

Hinihipan yung bangs pa taas.

kinakalikot yung kuko. 

Humuhuni huni, -______-

Nakakabored talaga. 

tsk..

sumasakit nanaman yung ulo ko. >___<

Haaay! salamat, andito na ulit si mommy, kasama niya yung doctor. 

"Anong buong pangalan mo?" sabi ng doctor.

"Nikki sue."

"Sino mga parents mo?"

"Theresa and Jerry Sue po"

"Mukhang ok naman po Mrs.Sue, alam naman niya yung basics."

"Teka doc, Nikki. Di mo ba alam na nagcamsur tayo last year? " tanong ni mommy.

"Ha? Nag camsur na tayo? Hindi ko alam?"

" Oo anak, kasama sila Ranz. "

" Bakit kasama si ranz? Ganun na ba kami ka-close agad? Kung ka-close ko siya, dpat sinipot nya ko nung competition. Diba?"

"Boyfriend mo pa si ranz nun anak."

"HUH?! Nagka-boyfriend ako?!! O____O

Si r-ranz po?!"

Naguguluhan na talaga ako, grabe na to. tssk. Ang sakit nanaman ng ulo ko.. Pina-inom muna ako ng pampatulog, Kaylangan para mamaya.. 

"Your daughteris perfectly fine, according sa CT SCAN niya. nagka-traumatic reaction lang siguro, kaya may mga spots or events na hind pa niya maalala, pero babalik din yun in a week or two. Don't worry. She's fine. "

"Thank Goodness! " 

---------------------------------------------------------------------------

SUPPORT. :""> Please? :) 

I love you all! :D Comment, VOTE! SPREAD> :)

The destined love (Ranz kyle viniel e. ongsee )Where stories live. Discover now