Part 18 - Ending

1.3K 79 16
                                    

"GOOD morning, Ma'am," bati sa kanya ni Ella.

"Good morning," ganting bati niya rito na sinamahan pa niya ng ngiti.

Magaan ang kilos niya sapagkat masaya siya. Her excitement was so high na hindi siya agad nakatulog. Ngunit kung puyat man siya ay hindi iyon mahahalata sa kilos niya. Daig pa niya ang teenager at kulang na lang ay maglulukso siya.

Who could blame her? She was in love.

Kagabi ay nagpipigil lamang siyang bumalik sa kanyang apartment. Parang hindi na siya makapaghintay at sabihin na kay Drigo na wala na siyang dapat na alalahanin. Pero kailangang harapin niya ang mga bagay, first things first.

Nagpunta sila ni Estella sa bahay nina Madel. Kapwa nagulat ang mag-ina sa biglaan nilang pagpunta. At kapwa naman kinakitaan ng tuwa sa mga mukha.

Hinayaan niya si Estella na siyang magsalita. When the inevitable came, she crossed her fingers and uttered a silent prayer. Soon, the tension was over. Just like that.

Ni hindi niya kinakitaan si Art kaunti mang sama ng loob. Ikinibit lang nito ang balikat. Nang ibalik niya rito ang singsing, tila balewala lang nito iyon na ipinamulsa.

"Maybe someday, sooner or later, there'd be one lady out there who's going to wear this," kaswal lang na sabi nito at tinapik siya sa balikat. "I wish you all the best, Maia."

She couldn't believe it. Subalit wala na siyang balak na kuwestyunin pa iyon. Why would she ask for more kung gayon na lamang kadali ang lahat?

Pag-uwi niya ng bahay ay literal na kating-kati ang mga daliri niya na damputin ang telepono. She wanted to dial Tita Connie's number. Kung hindi man siya makapunta sa apartment---sapagkat malalim na ang gabi at hindi siya papayagan ni Estella anuman ang idahilan niya---ay gusto niyang matawagan man lang si Drigo.

She just wanted to hear his voice. Hindi bale nang ipagpabukas ang anumang dapat pag-usapan. Kinontak niya ang landline ni Tita Connie. It was busy. Naghintay siya ngunit nang angatin niya ang telepono ay narinig naman niya ang kanyang ina na gumagamit nito.

She tossed and turned on her bed. She used her cell phone para kontakin si Tita Connie subalit nabigo siya. Nakatulog siya na hindi mapakali dahil hindi niya makontak ang gusto niyang kontakin.

Nagising siya na nakahain na ang almusal sa mesa. And she thought it was a very good morning sapagkat napakaganda rin ng ngiti ni Estella. Kahit na parang hindi tatanggap ang sikmura niya ng pagkain dahil sa nadaramang antisipasyon ay sinaluhan niya ang ina. She didn't know why subalit tila may kakaibang sigla si Estella.

Kanina ay gusto niyang ideretso sa apartment ang kanyang kotse. Subalit tumawag si Ella at sinabi nitong kailangan siya nang maagang-maaga sa opisina. Ella didn't explain at hindi na rin  niya naitanong kung bakit. May mga pagkakataon talaga na kailangan ng presence niyas a office ng ganoon kaaga.

"What's the problem here?" tanong niya agad sa sekretarya pagbungad pa lang .

"Don't ask what. Ang itanong mo ay kung sino."

Parang lumukso sa lalamunan niya ang kanyang puso nang makilala ang boses na iyon. Hindi na niya kailangang lingunin pa si Drigo. But she did. At may palagay siyang nagliwanag ang buong paligid niya nang makita itong nakasandal sa hamba ng private office niya.

He stood there boyishly handsome. And he was wearing his charming smile.

"What are you doing here?" she asked breathlessly.

"Ma'am, kaya nga po pala ako tumawag." Si Ella ang sumagot. "Nadatnan ko na siya dito. Hindi raw po siya aalis hangga't hindi kayo nakakausap."

"You don't have much security here," kaswal na sabi ni Drigo. "Madali ko lang palang maipipilit ang sarili ko."

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicWhere stories live. Discover now